Ronnie Liang to star in Elwood Perez film, Object of Desire


Ang album ni Ronnie Liang na Ronnie Liang: May Minamahal ay certified Gold Record na, pagpapatunay na hindi pa rin nawawala ang bentahe niya bilang isang mahusay at kilalang balladeer.

“Last September 25 siya in-award sa office ng Viva sa Tektite pero August pa lang, Gold na siya,” sabi ni Ronnie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Martes, October 1, sa Dulcinea, Tomas Morato.

Nabenta na ang seven thousand five hundred copies ng kanyang album under Viva Records.

“Mayroon po siyang 12 tracks kasama na ang mga minus one nila.

“Yung mga songs ay ‘Akala Mo,’ ‘May Minamahal,’ ‘Mangarap Ka,’ ‘Beginning Today,’ ‘Kaputol Ng Isang Awit’ and bonus track of ‘Oh Holy Night,’ mga revivals po sila.

“Yung ‘Akala Mo’ na original ni Aiza Seguerra ang carrier single ko, and yung ‘May Minamahal’ naman na si Mr. Hajji Alejandro ang original na kumanta.”

Sana raw ay pagiging Platinum ng kanyang album ang sumunod.

“Yes, Platinum, abangan natin, double naman yun, fifteen thousand [copies sold].”

Amo ang dream concert ng 28-year-old singer?

“Nangyari na. Nag-concert kami, naging guest ako sa concert niya, si Sarah Geronimo, sa Bacolod.”

Speaking of concerts, may plano na magkaroon siya ng isang major concert next year.

“Baka first quarter of 2014,” ani Ronnie.

Paghahandaan raw niya itong mabuti.

Sa mga foreign artists, may peg si Ronnie.

“Yung mga hinahangaan ko like, si Enrique Iglesias, siya yung peg ko ngayon, sa mga shows, sa mga performances ko ngayon. Although ako pa din, Ronnie Liang na performance pa rin pero when it comes to image parang gusto kong kagaya ng kay Enrique Iglesias.”

Sa ngayon ay abala rin si Ronnie sa mga shows.

“Meron kaming show ni Cristine Reyes sa Hawaii sa October 11 [sa Pacific Beach Hotel sa Waikiki, Honolulu], October 12 [Baldwin Theater sa Maui] and October 13 [sa Kawai sa Hawaii]. Ako po, si Miss Cristine, I’ve heard kasama si Derek Ramsay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin siya sa Annebisyosa concert ni Anne Curtis sa Middle East ngayong Nobyembre.


FILM WITH ELWOOD PEREZ. Hindi naman masasabing bagito si Ronnie Liang bilang aktor.

“Sa movie nagkaroon ako ng bit role sa Ako Legal Wife [Mano Po 4], ako yung love interest ni John Prats. Sa serye naman Betty La Fea saka Your Song, yung episode namin ni Precious Lara Quigaman,” pagbabalik-tanaw ni Ronnie.

Ayon sa singer-actor, may indie film siyang ginagawa ngayon.

“Hindi pa siya tapos, nagsu-shoot pa kami, ang title Object Of Desire directed by Elwood Perez, first lead, parang launching film ko.”

Bakit ngayon lang siya nagkaroon ng launching project?

“Ganun talaga, sabi nga, in God’s time.”

Isang sexy role ba ang kanyang papel sa naturang pelikula?

“May pagka-sexy po pero ang bilin sa akin huwag magsasabi ng nangyayari sa shoot para mayroon daw excitement sa audience.

“I cannot say anything, binilin po sa akin, ang sasabihin ko lang muna is yung title at kung sino ang direktor.”

Marami ang natutuwa dahil may pelikula na siyang muli, at bida pa siya.

“Ako din, mas lalo po akong tuwang-tuwa.”

Tatanggap ba siya ng gay role in the future?

“Opo, kahit anong role, gay, ano pa ba? Kahit anong role. Kasi as an actor di ba, kailangan kaya mong i-portray any character.”

Hindi raw siya gay sa Object Of Desire. Pero gaano siya ka-daring dito?

“Basta ini-invite ko po lahat na manood at abangan na lang.”

May ginawa ba siya sa pelikula na never pa niyang nagawa sa buo niyang seven-year career?

“Marami! Pero abangan na lang po ninyo,” ang natatawang sinabi ni Ronnie. “Sa tamang panahon, magpapatawag po sila [the producers] ng presscon, sila po daw ang magsasabi.”

Ano ang nag-udyok sa kanya na tanggapin ang role na ito?

“Ini-elevate na siya into a mainstream,” banggit pa ni Ronnie tungkol sa kanyang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre madalang lang dumating ang opportunity so I have to accept it and nagpapasalamat ako sa pagtitiwala nila sa akin saka sa interest nila na gawin akong actor sa kanilang movie.”

Nais rin ni Ronnie na makapagbida sa isang romance/drama movie someday.

Wala raw siyang specific leading lady na gusto niya.

“Sa akin kahit sino, lahat sila paborito ko,” sabay tawa ng binata.

May isa pang pangarap si Ronnie. Aniya, “Gusto kong magsulat ng libro. Libro ng aking, maybe my life.”

May mga draft na raw siya na tila isang diary bilang pagsisimula.

Ayon kay Ronnie, nakakontrata ng tatlong taon sa Viva Artist Management at dalawang taon na ang nagagamit niya sa kanyang kontrata.

Magre-renew ba siya?

“Bakit hindi? Masaya ako sa Viva.”

Mabuti at pinayagan siya na gawin ang Object Of Desire.

“Very thankful ako kina Boss Vic [del Rosario] and Ma’am Veronique [del Rosario] dahil sa opportunity na nagkaroon ako ng album at sa pag-aalaga nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN