Bea Alonzo says she nearly got sick during shoot of rain-drenched scene for new movie

In She's The One, Dingdong Dantes is cast as Wacky, a morning show host and serial dater who unwittingly pushes his best friend Cat (played by Bea Alonzo) into a complicated romantic situation just to save his TV career. This rom-com will open in cinemas starting October 16.


Sa pelikulang She's The One, dalawa ang leading men ni Bea Alonzo: si Dingdong Dantes at Enrique Gil.


Sa trailer ng pelikula, pinakita ang isang eksena kunsaan nagpapalit ng gulong ng sasakyan si Bea habang umuulan ng malakas. Sa pagkakataon na iyon, makikita siya ng karakter ni Enrique at kukunan siya ng video na siyang magiging daan upang magkita silang muli. Ang karakter ni Dingdong ay ang best friend ni Bea na biglang magbabago dahil sa isang di-inaasahang pangyayari.

Ayon sa aktres, muntik na siyang magkaroon ng pneumonia habang ginagawa ang eksena at originally, hindi sexy ang tema ng naturang eksena.

"Muntik na akong pulmonyahin dun," natatawang kuwento ni Bea sa general press conference ng She's The One. "Hindi naman ako nang-aakit nun. Hindi naman meant na parang sexy yun. Kinarir ko talaga naman yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Paanong atake ang ginawa ni Bea Alonzo sa kanyang role sa She's The One?
“Gusto ko ngang maging immature, e,” biro ng aktres.
“Ikinukuwento sa akin ni Direk Mae [Cruz]... kasi noong una, worried ako. 'Paano ‘to? Etong dalawang actors na ito, hindi ko pa sila nakakatrabaho, unlike si John Lloyd [Cruz] o Sam [Milby]. Paano magkakaroon ng instant chemistry, I don’t even know them personally?
“Sabi sa akin ni Ma’am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president], yung pagiging in love, just like a feeling, like when you're sad or being happy
“So being in love is just a feeling.
"So, magaling kang artista kung kaya mong i-convey na in love ka sa isang tao kahit hindi.”
Sabi ng aktres, maiintindihan ng mga babae ang sitwasyon ng kanyang karakter na si Cat Aguinaldo, isang babae na naging priority ang kanilang pamilya.
“Makaka-relate dito yung mga babae na inuna yung pamilya nila before love. Yun ang nire-represent ko dito.
"Paano naman kung ang sarili mo ang inintindi mo rito?
"Paano kung darating yung panahon na i-entertain mo ang isang bagay na hindi mo akalain na magwu-work?"
Ayon kay Bea, kung hindi raw sa Star Cinema at sa motivation ng mga ito sa kanya, hindi niya magagampanan ang mga role na ginagawa niya sa mga pelikulang ibinibigay sa kanya ng kumpanya, mapa-drama man o light romantic drama gaya ng She’s the One.

Masasabi bang kaya mahusay ka sa kahit na anong role at genre na ibigay sa iyo lalo’t pagdating sa mga love story ay dahil masaya ka sa personal life mo?
Umayon naman si Bea dito, “Oo, masaya ako. Masayang-masaya ako sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. I feel so blessed...
“Alam mo totoo, wala akong masamang loob, wala akong ano…siguro lumalabas rin na kung anuman yung blessing na meron ako ngayon parang I’m living the moment.”
Nakakatulong ba itong kasiyahan na ito sa mga pag-i-internalize mo ng character mo?
“I guess, I guess. Plus the fact na yung barkada namin dito masaya. Ako naman as a person, konti lang yung friends ko sa totoo lang, e. Hindi naman ako yung tipong mabarkada.
“Dito nagkaroon ako ng parang friends. Nagkaroon ako ng parang biglaang barkada na kung anu’t-ano man mangyari sa pelikulang ito yun ang iti-treasure ko talaga. Yun palang blessing na, kumita man o hindi.
“Yung experience at yung friendship na gain ko, alam mo? Blessing na yun.”

Bukod kina Bea, Dingdong at Enrique, kasama rin sa pelikulang She's the One sina Daniel Matsunaga, LJ Reyes, Marc Solis, RS Francisco, Guji Lorenzana, Erika Padilla, at Liza Soberano. Mapapanood ito simula October 16.

(READ: Dingdong Dantes, Bea Alonzo and Enrique Gil have a love triangle in She's the One)

Paano nagagawa ni Bea na masustain yung galing mo gaya na lamang sa Four Sisters and a Wedding at paano mo nagagawang ire-invent ang sarili mo sa bawat pelikulang ginagawa mo?
“Ah, siguro yun gaya ng sinasabi ko, it’s really na creative team of Star Cinema na ako siguro in-offer ko lang yung trust and dedication ko sa trabaho ko. Yun lang siguro ako more than the ideas.
“It’s all them.”
Kumusta na ang friendship nila nina Angel Locsin, Toni Gonzaga at Shaina Magdayao na nakasama niya sa Four Sisters and a Wedding?
“Oo, yun sila Toni ka-text ko pa rin sila. Ahm, may ginagawa siyang Star Cinema movie rin. Kakuwentuhan ko siya. Kasi si Inang [direktor Olive Lamasan] rin ang direktor niya. Nung ginagawa namin yung Four Sisters and a Wedding kinukuwento ko sa kanya kung gaano kagaling si Inang, yung experience ko working with her and finally nai-experience niya rin.
“Ayun nagti-text kami. Sinabi niya, 'My God, Bei [palayaw ni Bea] totoo pala,' sinasabi niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN