Brillante Mendoza hopeful Sapi will win awards in international film festivals

Sapi, directed by Brillante Mendoza (right frame), stars Dennis Trillo and Meryll Soriano (left frame).


Horror-drama ang genre ng bagong pelikula ni Brillante Ma. Mendoza, ang Sapi (Possessed), na nagkaroon ng matagumpay na world premiere, last month, sa Toronto International Film Festival, sa Canada.

Itinanghal din ito, this month, sa Busan, Korea, at nakatakdang mag-compete sa buwan ding ito, sa Sitges International Filmfest, sa Spain, isang kumpetisyon ng mga pelikulang kabilang sa nasabing genre.

Ang mga pangunahing gumaganap dito ay sina Meryll Soriano, bilang 'evil-possessed' woman; Dennis Trillo, bilang broadcast journalist; at Baron Geisler, bilang isang mysterious character.

BRIGHT PROSPECTS. Tungkol man sa katatakutang ayon sa katotohanan, o di kaya'y produkto lang ng imahinasyon, malinaw sa pahayag ni Direk Brillante na may positibong tunguhin ang Sapi, bilang isang "more commercially" successful endeavor, as compared to his previous [other] films.

"Sa Toronto, maganda yung reviews; tapos, marami kaming inquiries about distribution. Hopefully, ipapalabas na siya sa ibang bansa—sa North America at sa Europe.

"After Toronto, nagpunta na siya ng Busan [Korea]; after Busan,pupunta ako ngayong Thursday [October 10], sa Sitges, sa Spain.

"Magku-compete ang Sapi sa Sitges; tapos it will also be shown in Taiwan, sa Taipei International Filmfest.

"Ito yung mga festival [na sasalihan]; sa Rio de Janeiro [Brazil], Asiatica Filmediale [Rome, Italy], then, sa Brisbane [Australia].

"Then, next year, 2014, sa Switzerland," natutuwang lahad pa ni Brillante.

Sa Brisbane, Australia, ginanap last December, 2012, ang Asia-Pacific Screen Awards (APSA), kung saan nagwaging Best Actress si Nora Aunor at Best Director si Brillante Mendoza para sa Thy Womb (2012).

Mapantayan kaya ng Sapi sa APSA ngayong taon ang naging tagumpay ng collaboration nila ni Nora sa Thy Womb?

"It's being considered now. Pini-preview na nila [sa Brisbane/APSA] ang Sapi.

"Hopefully, mag-figure siya [Sapi], for awards," hiling ni Brillante.


SOCIAL COMMENTARY. Bukod sa elemento ng katatakutan, ayon din kay Direk Brillante, may malalim na mensahe o komentaryo ang Sapi sa mga kasalukuyang kaganapan sa ating social at political environment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang gano'n... sino ba talaga ang napu-possess? Ano ba talaga ang kinatatakutan natin... mga evil [occurences]?

"Basically, yun ang gusto nating sabihin dito," sabi ni Direk Brillante, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 8, sa kanyang Chantilly Villas garden-residence.

Na-interview ng PEP ang internationally renowned indie filmmaker matapos ang series of retrospective screenings ng kanyang mga pelikula sa iba't ibang lalawigan sa bansa, na ang pinakahuli ay sa Davao City.

Natutuwa si Brillante dahil maganda ang pagtanggap ng mga manonood na estudyanteng Pilipino sa kanyang mga obra; sa paraang ito raw ay nakaka-reach out siya sa mas maraming manonood, lalo na ang mga kabataan.

"Nakaka-encourage, kapag nakikita mo na nag-e-enjoy at natututo ang mga estudyante sa pinapanood nila," sabi niya.

At sa latest obra niyang Sapi, may komentaryo hinggil sa bahagi ng media bilang instrumento ng kaalaman o pagkabatid na pan-lipunan.

"The media, especially the major networks, [can be] manipulative," pagtukoy ng direktor, "in the sense na, kung ano yung gusto nilang sabihin, yung gusto nilang ipakita...

At the expense of the truth?

"Nati-twist ang truth," Brillante agreed. "Kung ano lang yung gusto nating [media] sabihin, di natin nasasabi, at naipapakita ang totoo.

"So yun ang parang comparison, na sinasabi natin, 'Ito lang yung mga bagay na kinatatakutan natin.

"Unfortunately, marami tayong bagay na dapat katakutan, na tinatanggap na lang natin as part of our lives," sambit pa ni Direk Brillante.

PDAF-SCAM RELATED? Ugnay sa kasalukuyang mga kaganapan, halimbawa sa pulitika o pamahalaan o sa iniimbestigahang kaso ng 'pork-barrel' o PDAF (Priority Development Assistance Fund), may epekto ba kay Direk Brillante ang pangyayari?

Dapat ba niyang katakutan ang posibleng implikasyon din ng isyu, halimbawa, sa kanyang pagkaka-ugnay sa ilang politicians, tulad ni Senator Loren Legarda?

Sa ilang mga ginawa niyang dokumentaryo, kabilang ang tungkol sa climate change, ay si Legarda ang naging pangunahing tagapagsulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa kasalukuyan, kabilang si Senator Legarda sa nabanggit ng isang witness na diumano'y "nakapagbigay" ng kanyang 'pork-barrel' funds sa itinuturong "mastermind" ng PDAF-scam na si Janet Lim-Napoles.

Without going into details of the controversial issue, sabi ni Brillante: "Sa akin kasi, of course, as an ordinary citizen, kahit papa'no, hindi natin sasabihin na hindi ka naaapektuhan.

"Pero kasi, sa akin, kumbaga, ang corruption kasi... okay, as far as I'm concerned, kahit pa nu'ng way, way back pa, nu'ng nag-uumpisa pa lang ako... alam ko naman kasing maraming corruption na nangyayari.

"Kaya lang, aware ako sa mga corruption. Ngayon, siyempre, nagkaroon na nang ganyang klaseng exposure; nalalantad na't lahat, parang nabigla lang tayo.

"Ang nakakabigla pa kasi dito, parang... ang dami-daming dapat gawin; ang daming dapat tulungan; ang daming dapat paglaanan ng pera...

"Kumbaga, ang nakikinabang lang ay yung mga ano lang... hindi talaga napaglalaanan [ang dapat mapaglaanan]."

MARGINALIZED. Pahayag pa ni Brillante, "Kung makikita mo, ako, sa kakaikot ko, sa paggawa ng documentary, sa pagre-research, kumbaga, nakakausap ko at nakakasalamuha ko ang iba't ibang klaseng tao.

"At nakikita ko talaga yung kahirapan nila; ang mga nangyayari sa buhay nila. Marami rin akong nakakausap na tao, na sobrang hirap talaga sa buhay. Talagang... sobrang 'marginalized', na hindi mo na [maipaliwanag ang kahirapan].

"'Pag umaakyat ka sa bundok, 'pag nakikita mo yung mga tao, na halos hindi kumakain... walang matulugan.

"And then, you realize, na parang, actually, it's not... hindi talaga sa sarili ko, e. Di ba? More of yung sa ibang tao," diin ni Brillante.

"Kasi, ako, kahit papaano, hindi ko naman talaga nararanasan yung nararanasan ng iba. Kaya nga tayo gumagawa ng ganitong [mga] klaseng pelikula," lahad pa ni Brillante.

Bukod sa Sapi, na may mensahe tungkol sa puwersa ng kababalaghan at katotohanan, Direk Brillante is proud of the fact that he was also able to do a film, Tirador, in 2007, about the marginalized sectors of Philippine society.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bahagi rin ng kuwento niyon, ang tila "mapagbalatkayong" kaugnayan ng mga pulitikong nangangakong maiaangat ang antas ng pamumuhay ng mga dukhang kababayang Pilipino, na gumagawa ng labag sa batas tulad ng pagnanakaw, bilang source of livelihood.

CULTURE OF CORRUPTION. Going back to Sapi, ayon din kay Brillante, naging positibo ang mga review na natamo ng pinakahuli niyang pelikula.

"Basically, ang sinasabi nila [foreign critics], nakuha din nila yung message na gusto kong iparating sa pelikula... [na] ito yung mga kinatatakutan natin.

"Mga bagay na hindi naman talaga natin nakikita, o nawi-witness, pero natatakot tayo.

"'Pag pumasok tayo sa loob ng sinehan, we are ready to get scared. Natatakot tayo sa mga katatakutan, pero ang daming bagay na nakakatakot sa paligid natin, na tinatanggap lang natin ang mga ito, as part of our lives; of our lifestyle.

"Katulad ng mga nangyayari sa atin ngayon, which is political in nature."

Tulad ba ng rampant corruption sa ating gobyerno?

"Exactly!" agreed Brillante.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN