Wenn Deramas wants to shoot Bekikang sequel abroad

Director Wenn Deramas will start shooting the Metro Manila Film Fest entry Girl, Boy, Bakla, Tomboy after the Halloween season. Vice Ganda will portray quadruplets in this film while Maricel Soriano is cast as the mother of the four characters.


Nagpakita ng suporta ang celebrity friends ng box-office director na si Wenn Deramas sa kanyang first public appearance sa special screening ng Bekikang sa Trinoma last Tuesday pagkatapos niyang lumabas ng hospital dahil sa pneumonia.

Balik trabaho na ngayon si Direk Wenn.
Kailan magsisimula ang shooting ng movie niya para sa Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan ni Vice Ganda?

“Yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy talagang stop kami kasi humingi ng one week na rest si Vice dahil doon sa competition nila sa Showtime. Nagkataon na yun yung time na nasa ospital ako. Ngayon naman na ready na ako to shoot, magbabakasyon lang muna ata sila ng Undas. Pagbalik ng Undas, tamang-tama naman na recovered na ako.”

Sa MMFF entry na Girl, Boy, Bakla, Tomboy, si Vice Ganda ay gaganap sa quadruplets na may magkakaibang sexual preferences. Si Maricel Soriano ang gaganap bilang ina ng quadruplets.

Alin ang uunahin niyang idirek once magsimula na ulit siyang magtrabaho?

“I think Girl, Boy uunahin ko gawin ko pagbalik sa trabaho. Basta mag-uusap sila. Yung Galema, nakapasok pa rin ako. May meeting ako with Galema people pagdating sa script. Kasi ako yung nakakaalam ng kwento, e. So, hindi ako pwede totally mawala.

“Sa ngayon, bahay-ospital muna ako. At saka eto [special screening ng Bekikang]. Kailangan pagbigyan ko ang sarili ko dahil papasok na si Thor. Mamaya mawalan ako ng sinehan at to show people rin na hindi talaga ako na-stroke.”

Happy ba siya sa kinita sa takilya ng Bekikang?

“Siyempre, ang iniisip ko na lang hindi siya malulugi. Definitely, hindi siya malulugi. Tapos ang nakakataba ng puso ay yung ganda ng reviews. Iniisip ko na lang if I have Sisterakas, Praybeyt Benjamin, Tanging Ina series, meron din ako na pang-kaluluwa ko naman. And that’s Bekikang, ‘di ba? Yung sometimes hindi natin mapagme-merry lahat, e.
“Not everyday naman makakagawa ka ng P300 million na kita sa takilya na pelikula. E, hindi rin naman lagi makakagawa ka ng ganito ka-puso na pelikula. So, bigay na natin sa akin yun. Ang maganda kay Boss Vic [del Rosario, producer], hindi malulugi ‘yan. Tiyak sa nakikita ko’ng figures ngayon? Hindi malulugi.
“Ang maganda nito may, na-i-launch natin si Joey [Paras] na isang mahusay na actor,” diin niya.
Sa kabila nito, posible ba ang plano niya na part 2 ng Bekikang?
“Oo, posible. Medyo kailangan ko lang na ng tulong ng ibang ano kasi medyo mahal na yung part 2, e. Hindi lalaki yung anak ni Bekikang. Medyo mahal lang yung ano, may abroad kasi yung part 2.”
What if ipasok niya sa December film fest ang Bekikang 2?
“Pwede,” ngiti niya.
Any plans in the future?
“Basta ako looking forward ako dahil Galema at Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Pagkatapos ko nu’ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy, magga-Galema lang muna ako. Natanggihan ko na yung tatlong pelikula.
“Yung kay Maricel [Soriano], kay Zanjoe [Marudo] at yung Maria Leonora. Kailangan, e. Health ko [inaalagaan ko], e.
“Tinanggihan na hindi ko muna gagawin. Kasi naka-schedule siya ng Enero, e. Ang balak ko pagkatapos ng Galema, pelikula. Pagkatapos ng pelikula, teleserye. Yung hindi na pagsasabay-sabayin. Para at least, may every other day ako na pahinga. Ang ganda-ganda ko para mamatay agad, ‘di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN