Direk Joel Lamangan predicts Judy Ann winning best actress


Judy Ann Santos is one of the strongest contenders for best actress in this year's Metro Manila Film Festival



Natuwa ang young superstar na si Judy Ann Santos nang malaman ang sinabi ni Direk Joel Lamangan na malaki ang chance niyang manalo ng best actress award sa darating na awards night ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito ay para sa performance niya sa Joey Reyes film na Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema kung saan katambal niya ang kanyang real-life boyfriend na si Ryan Agoncillo.

Si Direk Joel ang nagbigay ng unang dalawang best actress trophies ni Juday nang idirek niya ang young actress sa Sabel two years ago. Para sa pelikulang ito, nanalo si Juday sa Urian Awards at sa Golden Screen Awards.

"When I hear people say na baka manalo ako ng award for this movie [Kasal, Kasali, Kasalo], tapos galing pa kay Direk Joel whom I worked with in Sabel and in the comedy I Will Survive, nakakataba ng puso. Kasi he was the first director who gave me an acting award," pahayag ni Juday sa press con ng Kasal, Kasali, Kasalo noong Martes, December 19, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Dagdag pa niya, "I am very thankful to him because he trusted me that I could tackle a serious role like the one I did in Sabel. Whenever he tells me I did well, nakakatuwa at nakaka-inspire na gumawa ako ng iba pang pelikula dahil may nakaka-appreciate sa ginagawa ko."

Ipinahayag din ni Juday ang pagnanais niyang makatrabaho ulit si Direk Joel, na siya namang direktor ng dalawang entries sa 2006 MMFF—ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh at Mano Po 5: Gua Ai Di.

Ayon kay Juday ay malaking sorpresa pa rin para sa kanya na marinig na sinasabi ng ibang tao na puwede siyang manalo ng acting award.

"Sana magdilang-anghel kayo dahil napakagandang regalo sa akin ngayong Pasko kung magkakaroon ako ng award. Nagkataon din lang na si Ryan ang kasama ko ngayong Pasko at magiging masaya nga ako kung mananalo ako ng award," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi ni Juday sa performance ni Ryan sa unang pelikula nilang dalawa?

"Nang ginawa namin ni Ryan ang movie, hindi kami umarte at all," sagot ni Juday. "Hindi na kinailangan ni Direk Joey na i-motivate kami. Ang kailangan lang i-motivate sa amin ay yung mga characters na pinu-portray namin. We were having fun on the set.

"Tungkol sa acting ni Ryan, natural na sa kanya ang pag-arte. Hindi na siya kailangan pang i-motivate kung ano ang dapat niyang gawin ‘pag malungkot siya, ‘pag galit siya. ‘Pag may eksena kaming ginagawa, hindi na kami paulit-ulit kasi alam na niya kung ano ang dapat niyang gawin," very proud na sabi ni Juday.

Naniniwala rin si Juday na puwedeng ma-nominate si Ryan sa kanyang acting sa Kasal, Kasali, Kasalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN