Sapi star Meryll Soriano was scared while shooting footage of people being possessed by spirits


Malaking karangalan para kay Meryll Soriano na maging bida sa horror-drama film na Sapi kasama sina Dennis Trillo at Baron Geisler.

Ang Sapi ay tumatalakay sa isang babae na posess ng espiritu. Ang footage na ito ang pinag-aagawan ng dalawang rival TV stations. Ipapalabas ang Sapi sa Philippine cinemas simula November 6.

(READ: Dennis Trillo, Meryll Soriano, and Baron Geisler witnessed possessions and exorcisms for Brillante Mendoza's Sapi)


Bago pa man ipalabas sa Pilipinas ang Sapi na idinerehe ng Cannes award-winning director na si Brillante Mendoza, naipakita na ito sa iba’t ibang international film festivals.

“Ang sarap sa pakiramdam na may ginawa kang pelikula na ipinapalabas internationally,” sabi ni Meryll nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa October 22 presscon na ginanap sa Chantilly Villas sa Mandaluyong City.

“Nakakatuwa na bago ang showing nito dito sa atin on November 6, naipalabas na ito sa Busan International Film Festival, sa SITGES International Film Festival, sa Rio de Janeiro International Film Festival, at sa Asia-Pacific International Film Festival.

"And then recently, nagkaroon din ito ng European premiere sa Spain. And it will be shown also sa Brisbane, Australia, and then sa Taiwan, tapos sa Switzerland.”

Ginagampanan ni Meryll ang role bilang segment producer ng isang documentary show tungkol sa mga taong sinasaniban o napu-possess. Si Dennis naman ang host ng show ni Meryll at si Baron ay cameraman sa rival TV station.

“Actually, na-challenge kaming lahat sa pelikulang ito. Kasi ito ‘yong movie na wala kaming sinusunod na script.

“Pumupunta kami talaga sa mga lugar na may mga taong totoong nakakaranas na masaniban. Actual na ando’n kami mismo habang dinu-document ‘yong pangyayari.

“Nakakatakot. Nando’n ‘yong fear na… baka pati kami, saniban din.

“Kaya nga before and after ng mga eksena namin, we always pray. Kasi, hindi nga namin alam kung ano ba ang mangyayari.

“And bilang paghahanda ko rin for my role, I talked to my friends who are segment producers, who are also working on TV, as well as ‘yong mga writers.

“Direk Brillante also make sure that we were immersed. We had a two day immersion with the TV crews.

“We didn’t have a script so we really have to focus on our characters as actors. So we did our assignments.

“And we were on the set. We were very ready because it’s always on call.
“On call kami kapag may sinasapian. We’re always in character when we’re all together,” pagtukoy niya sa mga co-stars sa Sapi.

“The whole team is very supportive of each other. So it was good.”

Dahil kaliwat-kanan ang independent films na ginagawa niya, puwede na nga siyang matawag na Indie Queen.

“Hindi. Indie Princess lang!” natawa ulit na reaksiyon ni Meryll.

Sino ba ang Queen of Indie Films para sa kanya?

“Si Irma Adlawan. Walang kakabog sa kanya. Para sa akin, ha!

“Ako naman, masaya ako sa takbo ng career ko ngayon na puro magagandang projects ang dumarating sa akin.

“Hindi lang basta magagandang proyekto kundi magagaling na mga artista at director rin ang nakakasama ko.

“I’m happy. I feel blessed,” panghuling nasabi ni Meryll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN