Eugene Domingo recalls warm reception of viewers to Barber's Tales at Tokyo International Film Festival

"Kampante ako na Pilipino ako at meron tayong puwesto pagdating sa Asian cinema o sa world cinema," says Eugene Domingo (left), the star of Barber's Tales. Directed by Jun Lana (middle), Barber's Tales recently had its world premiere at the Tokyo International Film Festival. They are joined in this photo by Perci Intalan (right), producer of the film.


Bumalik sa Pilipinas nuong Lunes, October 21, si Eugene Domingo matapos dumalo sa Tokyo International Film Festival sa Japan. Limang araw siya doon para makibahagi sa 26th edition ng Tokyo IFF na ongoing until October 25, 2013.


Si Eugene ang bida sa Barber’s Tales na nagkaroon ng world premiere sa Tokyo International Film Festival. Kabilang rin ito sa main competition section ng naturang film fest.

Written and directed by Jun Robles Lana, ang pelikulang ito ay pinag-usapan dahil sa kissing scene na ginawa niya with Iza Calzado.


(Read: Eugene Domingo talks about kissing scene with Iza Calzado for Barber's Tales)


Bida rin sa pelikula sina Edgar Allan Guzman, Eddie Garcia, Gladys Reyes, Daniel Fernando, Shamaine Buencamino, at ilang mahuhusay na stage actors.

“I play the role of Marilou,” simulang pahayag ni Eugene nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Celebrity Bluff noong October 22.

“Isa siyang mahiyain at conservative na babae na sumusunod lamang sa kanyang asawa. And dumating sa isang punto na kailangan niyang magdesisyon at ipaglaban ang kanyang pinaniniwalaan bilang isang babae at bilang isang Pilipino.

“This is my first full-length drama. So I’ll forever be indebted to Direk Jun for entrusting me with this kind of material.”

Hindi ba siya nahirapan na puro comedy ang projects na ginagawa niya tapos biglang serious na drama naman ang tema?

“E, na-challenge!” nangiting pag-amin ng TV host-comedienne.

“Hindi naman mahirap. Kasi tutulungan ka naman, e.

“Tinulungan ako ng direktor ko. Tinulungan ako ng mga kapwa ko artista.

“At one hundred percent, nagustuhan ko ‘yong material. Parang napapanahon sa pangangailangan ko bilang artista, bilang babae, at bilang Pilipina.”

Kinilala bilang Best Supporting Actress dati si Eugene para sa Pisay (2007), isang pelikula tungkol sa buhay-estudyante ng Philippine Science High School. Sa naturang pelikula, gumanap si Eugene bilang guro sa naturang paaralan. Maituturing na dramatic actress na siya bago ang kanyang pamamayagpag bilang isang bankable comedienne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, sabi nga nila… kung ikaw ay isang artista, dapat matuto kang maging flexible o versatile.

“Alam mo ang importante naman diyan… lahat naman ng artista, alam kong may kakayahan.

“At ang importante lang naman talaga ay ‘yong mabigyan sila ng chance. Kaya ako, I acknowledge the blessings na ibinibigay sa akin ng Diyos at ng mga kapwa ko kasama sa showbiz.

“Iyon ang hindi ko makakalimutan. In fact, sabi ko nga, kung saka-sakali nga na sabihing… alam mo ‘yon?

“[Kung sasabihin nila], 'O, ‘yan na ang last film mo.' Gano’n-gano’n. Hindi sasama ang loob ko.

“Naiisip ko lang naman na it’s truly worth it ‘yong dinaanan naming sakripisyo sa pagsu-shooting ng Barber’s Tales.

“Kasi, locked in kami sa Tanay, Rizal, for fifteen days.

“Walang signal. Walang kuryente. Shooting lang nang shooting.

“E, di ba… sa modern ways natin, napaka-high tech, ganyan. Na lahat ng bagay, instant.

“Doon lahat, pinagtatrabahuhan namin. Ultimo pagpunta sa location, tatawid kami ng dalawang ilog. Back to basics.

“Lahat ‘yon, it’s all worth it no’ng napanood ko ito sa Tokyo. Lalo na no’ng narinig ko ‘yong reaksiyon ng mga tao na… pumapapalakpak, nagku-congratulate, naiiyak.

“At natutuwa ako for Direk Jun kasi ang dami niyang following sa Tokyo. Inabangan talaga itong pangalawa niyang pelikula.”

Unang pelikula ni Direk Jun Robles Lana ang internationally acclaimed drama film na Bwakaw kunsaan bida si Eddie Garcia.

Babalik ba si Eugene sa Japan para sa awarding ceremony?

“Ipinagdadasal ko na bumalik ako!” tawa ulit ni Eugene.

Kampante ba siya sa naibigay niyang performance? Umaasa ba siya na mananalo siya ng acting award?

“Kampante ako na… may pagmamahal kaya maganda ang kinalabasan. Do’n, kampante ako.

“Kampante ako sa importanteng ginawa ni Direk Jun. Kampante ako na Pilipino ako at meron tayong puwesto pagdating sa Asian cinema o sa world cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ‘ika mo, sa competition… may mga judges ‘yan. May jury ‘yan, di ba? Kanya-kanya silang panlasa.

“So manalo o matalo, pakiramdan ko… panalo ang Pilipinas.”

STATUS: IT'S COMPLICATED. Kung sobrang seryoso at heavy drama ang tema ng Barber’s Tales, kabaligtaran naman ito ng pelikula niyang Status: It’s Complicated, which will open on November 6. Sa trailer pa lang, nakakatawa na ang mga ipinapakitang eksena nila ng leading man niyang sina Paulo Avelino at Jake Cuena, pati na rin ang co-stars niya na sina Maja Salvador at Solenn Heussaff.

“Happy ako na maganda rin ang feedback sa movie na ito, lalo na ng producer namin,” pagtukoy ni Eugene sa Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

“Nabalitaan ko na si Mother no’ng nanood siya, hindi siya nakatulog. Tuwang-tuwang-tuwa raw siya.

“Kaya… nakakatuwa naman at napaligaya namin si Mother. At sure na sure ako na sa kapilyahan ng pelikula, makikiliti kayo.”

Isang sex thereapist ang character na ginagampanan ni Eugene sa Status: It’s Complicated. Paano niya pinaghandaan ito the fact na wala naman siyang lovelife sa matagal nang panahon?

“Gano’n yata talaga!” napabungisngis na sabi ni Eugene. “May mga bagay-bagay na kaya mong gawin sa pelikula.

“Sabi ko nga, kung magkakaroon ako ng isa pang personality or sa susunod na buhay ko, gusto ko ‘yong personality ng character na ginampanan ko.

“Gusto kong maging si Marian [name ng karakter niya] na isang sex therapist. Isang love expert.

“Of course, ang pinakagusto ko kasi do’n, kapag naghaharutan kami Paolo Avelino at saka ni Jake Cuenca.”

Ang layo ng role niyang ‘yon bilang si Marian sa totoong siya, di ba?

“Oo nga, e. Sana mailapit ko!” tawa ulit niya.

Tinatapos din ngayon ni Eugene ang Kimmy Dora 3 na isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival sa December.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re almost done sa aming shooting, sa awa ng Diyos.

“At excited na kaming lahat para sa MMFF. Malapit na ang Pasko, di ba? At magandang pamasko ito para hindi lang sa moviegoers natin kundi sa amin din na cast ng pelikula.”

Marami na raw silang nagawang nakakatawang eksena para sa pelikula kunsaan si Sam Milby ang leading man niya.

“Ang hirap magsabi kung ano ‘yong sa akin ay mga pinaka-nakakatawang mga scenes. Ang dami talaga.

“Mahirap ding mag-compare. Pero natutuwa ako dito sa third and last installment ng Kimmy Dora.

“I can hear already the reactions of the people on the set. I can already hear the very, very positive feedbacks.”

Until December magiging very busy talaga siya. May mga naka-schedule pa siyang ilang trips abroad hanggang bago matapos ang kasalukuyang taon.

“Because of the festivals. Kasi merong Abu Dhabi International Film Festival for Barber’s Tales pa rin.

“At meron ding Golden Horse International Film Festival sa Taipei. Tapos may sa Dubai pa.”

International actress na talaga siya. Puwede ring siyang matawag na "Queen of International Film Festivals."

“Ay, thank you!” sabay ngiti ni Eugene.

“Totoo! Nagti-thank you ako. Kasi ano, e… gusto ko talagang maging instrumento na makilala tayo sa Asian cinema.”

She works really hard at madalas, halos wala na siyang tulog sa dire-diretsong pagtatrabaho.

How does she reward herself naman?

“Alam mo, kapag pumunta ka sa festival, dalawa ang purpose no’n: attending a festival and then having a vacation.

“So, kumbaga… nasasagot na ‘yong pamasahe ko. At saka ‘yong accommodation ko.

“Ang galing, di ba?”

So kahit tumagal pang wala siyang lovelife, okay lang ba sa comedienne?

“Basta! Ang status ng lovelife ko… it’s still complicated!” napahalakhak na huling nasabi ni Eugene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN