Dennis Trillo dazzled by directorial style of Brillante Mendoza in the horror-drama Sapi

Dennis Trillo is cast as a TV broadcast journalist in Brillante Mendoza's horror drama Sapi. The actor admitted, “No’ng una na sinabi sa akin na gagawin ko ang pelikulang ito, medyo natakot ako at nagdalawang-isip. Dahil kumbaga, parang susugal kami dito dahil itataya namin ‘yong mga katawan namin. Paano kung kami naman ang sapian?" Produced by Solar Entertainment and Centerstage Productions, Sapi will be sho


Ipinagmamalaki ni Dennis Trillo na napasama siya sa cast ng bagong pelikula ni Brillante Mendoza na Sapi. Tampok rin sa naturang horror-drama film sina Meryll Soriano at Baron Geisler.

Ginagampanan ni Dennis ang role bilang host ng isang TV show na nagdu-document ng mga taong sinasapian.

“Happy ako sa role ko bilang TV journalist,” ani Dennis nang makausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

“Meron kang freedom na mag-explore. Makausap ‘yong iba’t ibang klase ng tao.

“Magandang experience, marami kang matututunan. Dahil magri-research ka.

“Makikisalamuha ka. Pupunta ka sa iba’t ibang klase ng lugar.

“Kaya masasabi ko na isang marangal na trabaho at saludo ako sa mga journalists at sa mga reporters natin.”

Ano ‘yong dati ay hindi niya naiitindihan sa mga miyembro ng media na ngayon ay nalinawan dahil sa pagpu-portray niya ng role bilang isang broadcast journalist?

“Kasi itong pelikula namin, hindi lang basta horror. Meron itong social relevance.

“Sa totoo lang, medyo matapang ang pag-approach ni Direk [Brillante Mendoza] sa temang nito. Dahil ipinakita niya ‘yong mga nangyayari sa buong eksena ng mga media men… ng mga journalists na meron ngang mga ganitong bagay na nangyayari sa likod.

“'Yong mga hindi natin nakikita na inire-report ng mga tao... sa mga personal na buhay. At maging sa mga under the table [deals] na nangyayari, makikita nilang lahat sa pelikulang ito.”

First time ni Dennis na makatrabaho si Direk Brillante. How was it?

“No’ng nalaman ko na makikipagtrabaho ako sa kanya sa pelikula, ang naramdaman ko… punumpuno ng intimidation.

“Nakaka-intimidate ‘yong pangalang Brillante Mendoza. Dahil siyempre, award-winning tapos internationally acclaimed.

“Multi-awarded siya. Kilalang director sa iba’t ibang bansa. At ‘yong tumatak sa akin ay natalo niya si Quentin Tarantino.

“Iyon ang tumatatak sa akin. So parang nakakatakot siyang katrabaho. Parang gano’n ang dating niya sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na sa 62nd Cannes Film Fest, nanalo si Direk Brillante bilang Best Director para sa crime drama na Kinatay (2009). Natalo niya ang mga sikat na mga direktor tulad nina Quentin Tarantino at Ang Lee, among others.

Iba ang style ni Direk Brillante. Paano siya nag-adjust?

“Malaking pag-a-adjust po ang ginawa ko. Dahil ako po kasi, nagri-rely ako sa script.

“Ako ‘yong artista na binabasa ko nang maigi ‘yong script bago ako mag-taping o bago ako mag-shooting.

“Kaya no’ng nalaman ko na wala kaming script, sa si Direk lang pala ang may hawak ng script, sabi ko… 'Paano ‘yon? Ano ‘yong gagawin namin?'

“So malaking adjustment ang ginawa ko dito. Dahil talagang kailangang ibigay mo ang one hundred percent mo.

“And at the same time, ibigay mo ‘yong tiwala mo sa director na gano’ng klase ang style sa paggawa ng pelikula.”

Sa panahon na sinu-shoot nila ang Sapi, talagang nagpupunta sila sa mga lugar na napapabalitang mga mga insidenteng nangyayari tungkol sa mga taong sinasapian at actual silang nagsu-shoot ng footage nito.

(Read: Dennis Trillo, Meryll Soriano, and Baron Geisler witness spirit possessions and exorcisms for Brillante Mendoza's Sapi)

“No’ng una na sinabi sa akin na gagawin ko ang pelikulang ito, medyo natakot ako at nagdalawang-isip.

"Dahil kumbaga, parang susugal kami dito dahil itataya namin ‘yong mga katawan namin. Paano kung kami naman ang sapian?

“Kasi totoong mga sinasapian ‘yong doon sa pinupuntahan naming mga lugar. At saka mga nakakasalamuha naming tao.

“Kaya nakakatakot talaga. Nakakatakot na project.

“Pero siyempre dahil sa pagtitiwala namin kay Direk, tinanggap namin. Dahil may tiwala nga kami sa kanya at alam naming kaya niyang ma-pull-off ‘yong ganitong klaseng proyekto.

Nangyari ba na may totoong nasapian sa kanila?

“Marami kaming na-witness na mga gano’ng pangyayari sa pelikulang ito. Dahil ‘yong gusto talaga ni Direk, ipakita ‘yong totoong nangyayari kapag merong sinasapian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So marami kaming mga pinuntahang lugar. Pumunta kami sa malalayong probinsiya para lamang puntahan ‘yong lugar ng mga manggagamot.

“May pinuntahan din kaming mga eskuwelahan na may mga sinasapiang mga bata.

“Ibang klase talagang experience habang ginagawa namin itong Sapi. Ako dahil do’n sa takot at intimidation na nararamdaman ko, naging tatanga-tanga ako no’ng first day ko.

“Dahil hindi nga namin alam kung ano ‘yong ginagawa namin. Wala kaming script na binasa.

“Basta kung ano lang ang maisip ni Direk na ipagawa sa amin, ipinapagawa niya. So on-the-spot din ‘yong mga lines, ganyan.

“Dahil sa pagkataranta ko, hindi ako masyadong naka-deliver mo’ng araw na iyon. Pero iyon pala ang gustong ma-capture talaga ni Direk.

“Na hindi namin alam kung ano ang gagawin namin. Kaya iba talaga ‘yong experience doing this project.

“Isa ito sa hindi ko makakalimutang pelikula na ginawa ko sa buong career ko.”

Nagkaroon ito ng world premiere sa Toronto International Film Festival. Umikot at ipinalabas na rin ito sa maraming international film festivals tulad ng Busan International Film Festival sa South Korea at Sitges International Fantastic Film Festival sa Spain. Ipapalabas rin ito sa Taipei, Taiwan; Rio de Janeiro, Brazil; Rome, Italy, at Brisbane, Australia.

Produced by Solar Entertainment at Centerstage Productions, ang Sapi ay ipapalabas sa Pilipinas simula November 6.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagkakaroon nito ng screening at premiere sa iba pang mga bansa.

“Nakakatuwa na naging parte ako ng pelikulang ito. Dahil ‘yon nga… hindi lang ito makikilala dito sa bansa natin kundi iikot din siya sa iba’t ibang countries para i-showcase sa mga film festivals.

“Sobrang nakakapoud para sa amin iyon. Dahil siyempre, first time kong makatrabaho si Direk.

“Tapos ‘yong unang pelikulang ginawa ko sa kanya, napanood na ng maraming tao sa ibang bansa bago pa dito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa na mas nauna abroad bago natin mapanood dito sa atin. Dahil siyempre by that, makikita ng mga tao na… 'Uy, okay ‘yang pelikulang ‘yan dahil na-showcase sa kung saan-saang bansa.'

“Ang sarap ng pakiramdam na gano’n.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN