Jeffrey Jeturian says Be Careful With My Heart movie version to push through next year

Be Careful With My Heart director Jeffrey Jeturian says about the characters of Richard Yap and Jodi Sta. Maria (in photo): "Ie-ere ang kasal ngayong November. Then next year, honeymoon, mabubuntis, magkakaanak.”


Nilinaw ni Jeffrey Jeturian ang tunay na dahilan ng pagkaka-pullout Be Careful With My Heart sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre. Si Jeffrey ang direktor ng top-rating morning drama series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

“Kasi hindi kaya ng schedule ng mga artista. Kasi yung sa TV namin hand-to-mouth kami, e. Wala kaming pondo for airing. So, in the end nag-decide na ang management na instead na mag-suffer yung dalawa, I mean, yung movie at yung TV, pumili na lang ng isa na aalagan at hindi mako-compromise,” lahad ni Direk Jeffrey nu’ng makausap namin siya sa Nuvali Short Film Competition/Outdoor Cinema sa Nuvali, Laguna kung saan ipinalabas ang 2013 Cinemalaya entry niya na Ekstra.

Pabor ba siya na ituloy ang pelikula kasabay ng serye sa TV?

“Sa akin pareho, e, either way. Kung ituloy ang movie kasi exciting naman dahil, ang dami ngang nanghihinayang kasi sabi nila potential na number one, ‘di ba? Kung natuloy, okay lalaban. Pero kung hindi natuloy, okay din kasi yung kakayanin ng mga artista, yung kakayanin ng director, yung daily na routine.”

Nalungkot ba siya na hindi natuloy ang movie version ng Be Careful With My Heart sa MMFF?

“Hindi naman. Fifty-fifty ako. Kasi sa akin keri lang ako. Kasi nga, at least, maalagaan din yung TV [show].”

It could have been Direk Jeffrey’s second time na mapasama ang pelikula niya sa MMFF. Ang una niyang pelikula sa MMFF ay ang Bridal Shower (2004) produced by Seiko Films.
“In a way disappointed ako kasi exciting yung ano, e, may entry ka sa filmfest. Kasi nu’ng sa Bridal Shower natuwa rin ako dahil lumalaban din siya sa box-office.”

Dagdag pa sa problema ng schedule ng mga artista ng teleserye niya ang pagkakasakit ng ilang major cast members ng programa.

“Oo, nagka-dengue na nga si Jodi. Pero kasi aksidente talaga yun, e. Pero hindi namin alam kung sa shooting ba siya nagka-dengue o sa ibang lugar.”

Matatapos na ba this year ang Be Careful With My Heart?

“Parang hindi, haha! Oo, tuloy pa rin,” ngiti niya.

Kumusta naman ang ratings ng show?

“Ah, malakas pa rin. Consistent naman kami. Maintained yung rating. Ah, kung dati kasi ang ano namin, ang regular rating namin nasa 24. Ngayon nasa 22 kami, 20. So, hindi naman masyadong naapektuhan ng katapat namin.”

May mga nagsasabi na nakaapekto raw sa show ang ‘di masyadong kagandahang takbo ng kwento ngayon ng Be Careful With My Heart. Ano’ng masasabi niya rito?

“E, kasi lahat in preparation for the wedding. Pero ikakasal naman na, e. Ie-ere ang kasal ngayong November. Then next year, honeymoon, mabubuntis, magkakaanak.”

Ang naturang kasal nina Maya at Sir Chief (ang mga karakter ni Jodi Sta. Maria at Richard Yap) ay nakatakdang umere sa November 15.

Kahit ‘di natuloy sa MMF this year, may possibility ba na matuloy pa rin ang movie version ng Be Careful With My Heart next year?

“Ah, oo. Hindi naman binibitawan yung plano na magka-movie.”
Isasali ulit nila sa MMFF next year?

“Hindi ko alam. Pwedeng sa regular run or sa filmfest.”

What’s the best date for him na ipalabas ang movie version ng Be Careful With My Heart?

“Valentine's, pero mahihirapan din kami,” nakangiting bawi ni Direk Jeffrey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN