Chris Martinez on Jessica Zafra's comments about Status It's Complicated: "Unfair naman talaga to judge a movie which she hasn’t seen."

A few days before Status: It's Complicated was shown in Philippine cinemas, Jessica Zafra wrote on her website that she did not want to watch the film because "there is no way the remake could possibly live up to our expectations."

In an interview with director Chris Martinez (in photo), he said, “Parang attack naman ang ginawa niya kasi hinusgahan agad niya ang pelikula na hindi pa naman niya napapanood. Unfair naman talaga



Hindi napigilan ni Chris Martinez ang sarili na magbigay ng reaksiyon sa sinulat ng kolumnistang si Jessica Zafra na nagsabing wala itong balak panoorin ang Status: It’s Complicated.


Si Chris ang nag-direct ng naturang pelikula, na remake ng Ishmael Bernal film na Salawahan (1979).

Starring Jake Cuenca, Paulo Avelino, Maja Salvador, Solenn Heussaff, and Eugene Domingo, ang Status: It’s Complicated ay isang sex comedy tungkol sa dalawang lalaki na may magkakaibang pananaw sa relationships at sex.


Ito ang sinulat ni Zafra noong October 29 sa kanyang website (published as is):

“It’s like that remake of Ishmael Bernal’s Salawahan, entitled Status: It’s Complicated. We’re not even going to watch it, because we are so fond of Salawahan, there is no way the remake could possibly live up to our expectations. The trailer alone is annoying. It is neither arch, ironic, nor fabulous—the three essential adjectives for Salawahan."





Ang Status: It's Complicated ay ipinalabas sa mga sinehan simula lamang noong November 6, o mahigit isang linggo mula nang nagkomento si Zafra.


Sa press preview ng Status: It’s Complicated, na ginanap sa Gateway Platinum Cinema noong November 2, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Chris at hiningi namin ang kanyang reaction sa sinulat ng kolumnista.

“Parang attack naman ang ginawa niya kasi hinusgahan agad niya ang pelikula na hindi pa naman niya napapanood.

"Unfair naman talaga to judge a movie which she hasn’t seen.

"It was not a criticism but an attack,” pahayag ng director ng award-winning musical movie na I Do Bidoo Bidoo.

“I was upset kasi kilala ko siya kasi kaibigan ko siya. So parang galing dun sa sobra siyang fan ng Salawahan.

"Pero sana hinintay muna niya mapanood ang pelikula bago siya nagsulat ng ganoon.”

Noong November 4, nagpadala ng email ang PEP kay Ms. Zafra upang hingin ang kanyang sagot sa sinabi ni Direk Chris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong November 6, nagpadala rin ang PEP ng text message sa publisher ni Zafra kung pwede siyang ma-interview tungkol sa naturang isyu.

Ngunit ipinarating lamang ng kolumnista ang "No comment."

Nang tanungin naman si Direk Chris tungkol sa bago niyang pelikula, excited niyang sinabi na matagal na niyang gustong gumawa ng remake ng Salawahan.

Mabuti na lang daw gusto nina Mother Lily Monteverde at ng anak niyang si Roselle Monteverdo-Teo (of Regal Films) na gawan ng bagong bersyon ang Salawahan.

“Tawang-tawa ako sa pelikula sa tuwing napapanood ko siya sa cable channel.

"Fan talaga ako ni Ishmael Bernal kasi, bukod sa mga drama films niya like Relasyon, Broken Marriage, Pahiram ng Isang Umaga, fan din ako ng mga comedy films niya, like Pabling, among others.”

How different is Status: It’s Complicated from Salawahan?


“Well, I can say na ang message ng Salawahan ay akmang-akma pa rin sa message ng remake. Sa panahon ngayon, yung mga 20-30 years old, naghahanap ng boyfriend-girlfriend relationship.

"Napaka-classic ng tema ng Salawahan. Nag-transcend siya.

"Ang ginawa namin, mas mabilis ang pacing ngayon. Iba na ang attention span noong araw at iba rin ngayon, pero I made sure that the elements that made Salawahan successful, we retained here.

"Nariyan pa rin, like mabilis na dialogue, mabilis na usapan. Rapid fire ang delivery ng mga linya,” sagot ni Direk Chris.

More than him being challenged as a director, Chris believes it was the stars who were challenged.

“Ang hahaba talaga ng mga linya nila. Si Jake [Cuenca] at si Paulo [Avelino], when they got the script, nakita nila na four to five pages ang kailangan nilang i-memorize.

"So, paulit-ulit ang rehearsal. Like yung breakfast scene, siguro mga buong araw namin kinunan iyon, hiwalay pa yung pag-akyat nila sa itaas ng kwarto.

"Bukod sa kailangan nilang mag-memorize, kailangan nilang maipasok ang rhythm na kailangan sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yun ang style ng movie, saka yung titingin sa camera, tapos magsasalita,” pahayag pa niya.

First time niya nakatrabaho sina Paulo at Jake, pero pasok na pasok daw agad ang dalawa sa characters na pino-portray nila.

Nakatulong din daw na magkaibigan ang dalawa sa totoong buhay kaya ang rapport at closeness ng magkaibigan ay kuhang-kuha ng dalawang Kapamilya actors.

“Hindi na kailangan na mag-workshop pa sila o mag-bonding kasi magkilala sila at magkaibigan, kaya yung friendship na central doon sa relationship nila bilang artista ay nandoon na. Lumabas na kaya okay sila,” pag-obserba niya.

Ayon pa sa mahusay na direktor, naunang sinabi sa kanya nina Mother Lily at Roselle na gusto nilang gumawa ng bagong version ng Salawahan.

Nang mag-casting sila, lumabas daw agad ang mga pangalan nina Maja Salvador, Solenn Heussaff, Paulo, Jake, at Eugene Domingo bilang artista sa pelikula.

“Working on this film is a pleasant experience kasi I am working on a movie na iba naman ang point of view nito. Kasi naka-focus sa mga lalaki, kasi sila ang talaga yung engine ng pelikula.

"Sa kanila nagsisimula ang kuwento. Karamihan kasi sa mga pelikulang nagawa ko, ang central character ay mga girls. Dito iba naman kasi male point of view, saka ensemble acting.”

Kasalukuyang pinapalabas ang Status: It’s Complicated sa mga sinehan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN