John Prats is proud of his first indie film, the psychological thriller Sitio

John Prats (seated) stars with Arnold Reyes, Biboy Ramirez, and RK Bagatsing in the psychological thriller Sitio. The movie will be screened during the 9th Cinema One Originals Film Festival that will run from November 11-19, 2013.



Hindi itinago ni John Prats ang pagkasabik niya sa paggawa ng kanyang unang indie film. Bahagi ang aktor sa Sitio na dinirehe ni Mes De Guzman.

Ang Sitio ay isa sa mga entries ng 9th Cinema One Originals Film Festival, na gaganapin mula November 11-19, 2013.

Ang mga Cinema One Originals entries ay ipapalabas sa mga sinehan ng Glorieta, Trinoma, at Robinsons Galleria.

(Read: PEP Guide to 2013 Cinema One Originals Plus)

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John, inamin niyang naghanap siya ng outlet upang ipakita ang kanyang pagiging isang aktor.

Saad niya, “For the past four years lahat ng ginawa ko puro telebisyon, e. Naghu-host ako, nagba-Banana Split ako.

"Yung last movie ko was from Regal Films e, Manay Po, comedy. So, gano'n katagal. Kaya na-miss ko yung konsepto na gumawa ng pelikula.

“Kaya parang gutom na gutom ako, na parang first movie yung ginawa ko ngayon. Kaya bigay-buhos-buhay talaga.”

Ang Sitio ay isang psychological thriller, kung saan gumanap si John sa papel ng isang city boy na nagpunta ng probinsiya ng Nueva Vizcaya.

Bilang mainstream actor, may special treatment ba sa kanya ang mga kasamahang indie actors habang sinu-shoot ang movie?

“Ay, wala. Pero, one thing for sure ay talagang blessed ako, gusto ko yung ka-trabaho ko. Yung wife ni Direk Mes kasi, sobra kaming binusog sa shooting.

"Tama yung sinasabi ni Direk Mes, masaya lang kami, pantay-pantay.

"Sabay-sabay kaming kumakain kasama yung crew kaya naging pamilya kami nang buong linggo sa shooting namin," kuwento ni John sa PEP sa October-29 presscon ng Cinema One.

Sa interbyu sa 9501 Restaurant, ELJ Building ng ABS-CBN compound, inamin ni John na gusto niyang maulit muli ang paggawa ng indie film dahil sa kakaibang karanasan niya dito.

Tinanong namin ang Kapamilya actor kung posible bang siya naman ang mag-produce ng indie film?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naiisip ko. Masaya, e. Masaya talaga, e. Sobrang happy ako, sobrang high ako right now...

"Nakaka-miss kasi ang tagal kong hindi na-experience.

"Ang yabang ng pakiramdam mo, kasi alam mong maganda yung pelikula mo, alam mong in good hands ka, at alam mo yung kalaban ng pelikula mo, magaganda rin.

"Tapos kabilang ka dun at yung mga kahilera mo, magagaling, mga tiga-theater.”

Pati ang kasintahan niyang si Isabel Oli ay enthusiastic daw sa pagsuporta sa mga independent films.

“Oo naman, every night, every time bago kami matulog, pag magu-good night na kami. Talagang kuwentuhan kami.

“Gusto rin niyang gumawa [indie film], nung ibinabahagi ko na sa kanya [yung experiences ko]. Gusto rin niyang gumawa.

"E, si Direk Mes is interested in getting her. Kasi gano'n ang gusto niya, yung features na medyo Pinay.”

Hindi raw nagawang bisitahin ni Isabel si John dahil malayo ang location shoot nila sa Nueva Vizcaya.

Dagdag pa ng aktor, “Ako rin siguro, mas gusto kong ako lang, wala akong ibang iniisip kundi ako lang at yung trabaho.

"Tatawag pag may time. Pero gusto ko, naka-focus lang ako sa trabaho.”

Posible bang magsama sila o mag-team up ni Isabel sa isang indie project?

“Feeling ko. Gusto ko ni Direk Mes na makagawa siya, na magkasama kami.

"Gusto rin ni Liv, e [palayaw ni Isabel]. Ako lang yung medyo na, teka lang baka… hindi ko ma-picture.

"Kasi, iba kami, para kaming mag-barkada. Baka kasi pag magka-eksena kami, magkailangan kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN