Joem Bascon finds fulfillment in portraying a father in Cinema One entry Blue Bustamante

Joem Bascon (right) plays an OFW in the 2013 Cinema One Originals entry Blue Bustamante. The OFW suddenly finds himself jobless in Japan, which is why he agrees to be a body double for Blue Force, a superhero character in a fictional Japanese superhero show. Joem is joined in this photo by Jun Sabayton (left), his co-star in Blue Bustamante.


Isang ama ang papel na gagampanan ni Joem Bascon sa latest indie film niyang Blue Bustamante, na idinirihe ni Miko Livelo.

Ang naturang pelikulang ito ni Joem ay kabilang sa 9th Cinema One Originals Film Festival na tatakbo mula November 11-19, 2013.

Ang Blue Bustamante ay isang family drama-comedy film. Si Joem ay gumanap na isang OFW na naghahanap ng trabaho sa Japan.

Mawawalan siya ng trabaho, kung kaya't papasukin niya ang trabaho ng pagiging body double sa Blue Force, isang superhero character sa isang upcoming Japanese superhero show.

Para sa shooting ng key scenes ng pelikula, nagpunta sa Kofu, Japan, si Joem, at nagtagal roon ng limang araw.

(To learn more about the other entries, read: PEP Guide to 2013 Cinema One Originals Plus)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Joem, sinabi nitong kakaibang fulfillment ang naramdaman niya sa paggawa ng movie na Blue Bustamante.

Paliwanag ni Joem, “Ang fulfillment ko rito ay yung dad-and-child relationship. Nung ginawa ko yung role na daddy, nakita ko yung longing ng anak sa ama niya.

"And nakita ko yung longing ko sa daddy ko.

“Alam mo yung '90s? 'Yan yung mga daddy na laging nagta-trabaho, laging nawawala. So, nakikita ko sa bata na lagi kong hinahanap yung tatay ko.

“Though, hindi naman OFW ang daddy ko. Businessman siya na lagi siyang gabi and madaling-araw umuuwi, tapos aalis siya nang umaga.

“So, nakikita ko sa bata yung longing sa daddy niya. Tapos yung daddy niya gusto niyang patunayan na hindi siya gumagawa ng kung anu-ano.

“Ginagawa niya ang magtrabaho nang husto para sa anak niya, para mabuhay kayo ng maayos ng mommy mo.”

Nagbago ba ang pagtingin niya sa paghihirap ng daddy niya noon para sa kanya?

“Oo naman. Feeling ko talaga, nag-trabaho yung daddy ko for us... for me to be here right now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aside from my work, siguro yung values, yung education na ibinigay niya sa amin, yun ang kinabibiliban ko sa daddy ko,” saad niya.

Hindi ba siya nanghinayang na hindi niya ginamit yung tinapos niya sa college dahil pumasok siya sa showbiz?

“Yung course ko Electrical Engineering, e. Pero, I’m happy naman and I’m making people happy with the films na ginagawa ko. I’m just happy na happy sila sa mga ginagawa kong projects,” dagdag pa niya.




WILL HE DO SEXIER ROLES? Ang huling indie film na ginawa ni Joem Bascon ay ang Lihis, kunsaan gumanap siya bilang gay lover ni Jake Cuenca.

Naging kontrobersiyal ang pelikula dahil sa mga love scenes na ginawa nina Joem at Jake.

Titigil na ba si Joem sa paggawa ng mga daring roles gaya ng Lihis? Hindi kaya hanapin ng mga fans ang pagpapa-sexy niya sa big screen?

“Hindi. Why not for the next project? Bigyan na muna natin ng space muna... or cool off or cool down? Tignan natin in the next few months."

Bakit?

“Baka next year bigla tayong magpasabog na mas daring na role. Hindi natin alam.

"Baka talagang ipakita na natin... or ipakita na lahat. Why not, di ba? Bakit hindi? Tignan natin.”

Bumaba na ba ang Lihis factor sa kanya? O hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang kanyang mga ginawa sa movie?

“Hindi pa, e. It’s still there, e. Hindi naman ako, yung ibang tao. They still love the movie.

“Alam mo, kasi more than yung pagiging gay, it’s more on the love story ng dalawang taong nagmamahalan despite of everything na may mga nangyayari.

“Alam mo yung direktor ko [referring to Blue Bustamante director Miko Livelo] lagi nilang sinasabi sa akin, even while doing Blue Bustamante, ang sinasabi lang niya sa akin, Lihis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang yun ang tumatak sa amin ngayong taong ito and, I think, for generations to come.”

Ano ang reaksyon niya sa pagkalat ng movie stills ng love scene nila ni Jake?

Kumalat ang mga ito sa mga gay websites and social networking sites.

“Why not? E, nakita naman na nila sa movie. Kung nakita nila sa movie, okay lang na makita nila sa stills,” pakli niya.

Okay lang sa kanya na ma-expose ang mga revealing shots nila ni Jake Cuenca sa Lihis?

“Bakit hindi? I’m just happy and I made someone happy. Bakit ko naman ipagkakait yung kasiyahang yun?

"Ayokong maging malungkot sa ginawa ko, dahil ginawa ko yun.

“And it’s a new generation now, e. Open na tayo sa third sex, e.

"Hindi na tayo yung taboo, na lahat na lang kailangan nating i-censor. And they have to accept and realize na may third sex.

“And as long as you're contributing to society, at hindi ka nakakasakit ng ibang tao, okey lang.”

Napanood na ba ng family niya ang Lihis?

“Feeling ko, napanood nila, pero ayaw lang nilang sabihin sa akin. Hindi namin pinag-uusapan and I didn’t bother to ask. Pero feeling ko napanood na nila,” wika niya.

Napanood na rin ba ng girlfriend niya yung movie?

“Feeling ko, napanood na rin niya!” sabay tawa niya.

Magiging mas busy daw si Joem sa mga susunod na linggo dahil sa patung-patong na acting assignments.

Kabilang si Joem sa dalawang Metro Manila Film Fest entries: ang 10,000 Hours starring Robin Padilla at ang Boy Golden starring ER Ejercito.

Kasali rin si Joem sa upcoming ABS-CBN teleserye nina Angel Locsin at Jericho Rosales, na pinamagatang The Legal Wife.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN