Angelica Panganiban gets a sprain while shooting Alamat Ni China Doll

In Alamat Ni China Doll, Angelica Panganiban plays a woman placed in a witness protection program. (To learn more about this Cinema One entry, read: PEP Guide to 2013 Cinema One Originals Plus)


"Salamat po sa mga nanood... hindi ko po naintindihan ang pelikula!" kuwelang sambit ni Angelica Panganiban pagkatapos ng gala night ng kanyang indie film titled Alamat Ni China Doll.

Ito ang statement ng lead star na si Angelica sa Trinoma kagabi, November 14, nang mapanood niya ang pelikula na idinerehe ni Adolfo Alix Jr.

Ang naturang drama film ay isa sa 15 entries ng 9th Cinema One Originals Festival na ongoing until November 19.

Ang ibang co-stars ni Angelica sa Alamat Ni China Doll ay sina Phillip Salvador, Cesar Montano, at Anita Linda, among others. May special participation rin sina Carlo Aquino at Cherry Pie Picache.

Kumusta naman ang experience ni Angelica sa pagtatrabaho niya sa nasabing indie film?

"Ibang-iba, e. Mas simple siguro. Simpleng atake, simple yung mga kasama mo, ka-trabaho mo, walang pressure, magaan, mabilis. Iba [kaysa mainstream movies]," sabi ng young actress nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media.

Ayon sa synopsis, ganito ang kuwento ng Alamat Ni China Doll:

"Si Helen (Angelica Panganiban) at ang kanyang lola (Anita Linda) ay tahimik na naninirahan sa isang liblib na isla, sa katimugan. Sa edad niyang 27, malapit nang magtapos sa high school si Helen, at makapagsisimula na siya ng panibagong buhay.

“Pero nagkaroon ng pagbabago ang mga pangyayari nang isiwalat ng isang mamamahayag na si Perry Nanali (Cesar Montano), sa pamamagitan ng isang artikulo sa dyaryo, ang katotohanan tungkol kay ‘China Doll.’"

“Mula noon, ang nakaraan ni Helen na nais na niyang talikuran ay tila isang bangungot na nanumbalik at ayaw siyang patahimikin."

Nang tanungin si Angelica tungkol sa pahayag niya na hindi niya naintindihan ang pelikulang, binaggit niya ang kakaibang estilo ng pelikula.

Sumang-ayon dito si Phillip Salvador at ipinaliwanag ng aktor na "binaligtad po niya [referring to director Adolf Alix Jr.] ang kuwento."



WHO IS CHINA DOLL? Ni-restructure ni Direk Adolf ang naratibo, upang magmistulang isang "jigsaw puzzle" ang mga pangyayari na na umiikot sa isang kontrobersiyal na tauhang may alyas na “China Doll.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang screenplay ng Alamat Ni China Doll ay sinulat ni Lav Diaz, isang award-winning director na kilala para sa kanyang mga pelikula na may mahahabang running times.

Ang eight-hour Lav Diaz film na Melancholia, na tungkol sa mga biktima ng summary executions, ay nanalo ng Grand Prize-Orizzonti award sa 2008 Venice Film Festival.

Ayon kay Direk Adolf, ang Alamat Ni China Doll ay base sa mga eksplosibong pangyayaring sangkot ang mga Chinese nationals.

"First time ko ito, na medyo political [ang tema]," aniya.

Noon, naging kontrobersiyal ang isang state witness na Chinese na tinaguriang Rosebud. Ito ba ang naging reference nila sa pagsusulat ng Alamat Ni China Doll?

"Si Lav ang mas makakasagot niyan," saad ni Direk Adolf. "Sabi lang niya sa akin, parang composite ito ng lahat ng mga nakilala niyang state witnessess.

"Sinulat at ibinigay niya sa akin ang script, five years ago pa."

Sa hiwalay na panayam kay Direk Adolf sa PEP, pinaliwanag nito, “Noong 2007, jury member si Lav Diaz for Cinema One at napanood niya ang Tambolista.”

Ang Tambolista ay ang pelikula ni Direk Adolf tungkol sa isang bata (na ginampanan ni Jiro Manio) na nais magkaroon ng drum set kung kaya tinangka niya na magnakaw mula sa kapitbahay.

“Birthday ko nun tapos binigay niya sa akin ang script,” kuwento ni Direk Adolf. “Sabi niya kasi nung napanood niya ang Tambolista, parang pareho ang feel ng dalawang pelikula.”

Sinabi ni Direk Adolf na nag-aral ng Mandarin si Angelica at veteran actress Anita Linda para sa pelikulang ito. Si Anita ang gumanap na lola ng karakter ni Angelica.

“Nag-aral sila ng kaunting Mandarin kasi gusto na nilang kalimutan ang Chinese past nila kasi they wanted to start anew.”




GETTING A SPRAIN ON THE SET. Nang tanungin ng PEP kung may action sequences si Angelica, inamin nito na may physically challenging scenes na ginawa ang aktres.

“May konti siyang action scenes. May isang eksena sa pagtakbo niya na na-sprain siya pero tinuloy pa rin niya ang shooting,” kuwento ni Direk Adolf.

Ginanap ang shooting ng pelikula for three days sa Ternate, Cavite.

Para naman kay Angelica, "very hands-on" ang deskripsyon niya sa director na si Adolf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabilis siyang mag-trabaho. Alam niya kung ano yung gusto niya, so ang sarap sa pakiramdam na gano'n yung mga ka-trabaho mo, o yung lider n'yo sa set."

Kung sa mga taga-produksiyon ay walang gaanong pressure, iba naman daw ang naging karanasan ni Angelica sa pakikipag-trabaho sa mga aktor na tulad nina Phillip Salvador at Cesar Montano.

Si Phillip ay gumanap bilang NBI agent na naging "handler" ng kaso ni Helen, na isa sa mga nadakip na terorista sa Maynila noong panahon ng Martial Law.

Si Cesar naman ay ang journalist na si Perry Nanali, na nagsulat ng exposé tungkol sa buhay ni China Doll.

"Nakaka-pressure lagi, pag nandiyan sila," banggit ni Angelica.

"So, ayun, tumatahimik na lang ako dahil...parang pag nando'n na ako sa harapan nila, natatakot na ako, dahil, baka mamaya, ma-judge nila ako.

"Sa isip nila, [baka] sabihin nila, 'Ano ba naman itong ka-eksena ko?!'... so medyo kinakabahan ako."

Sa kasalukuyang ginaganap na Cinema One Originals Film Fest ay hinuhulaang may malaking laban sa best actress award si Angelica.

"Talaga? Gano'n ba?" nakangiting sambit niya.

"Hindi naman. Masaya lang ako at napanood na siya ng mga tao.

"Sa ngayon, yun na lang muna ang happiness na meron ako.

"Masayang-masaya lang ako at nag-enjoy yung mga kasama natin ngayon."

Ang Alamat ni China Doll ay nasa ilalim ng Cinema One Plus category na binigyan ng budget na P2 million. Ang apat pang kalahok sa Plus category ay ang Blue Bustamante ni Miko Livelo; Sitio ni Mes de Guzman; Woman of the Ruins ni Keith Sicat; at Kabisera ni Alfonso “Borgy” Torre III.

(Read: PEP Guide to 2013 Cinema One Originals Plus)

Ang Cinema One Currents category naman ay binigyan ng budget na P1 million each. Ang mga entries dito ay ang mga sumusunod: Angustia ni Kristian Cordero; Islands ni Whammy Alcazaren; Iskalawags ni Keith Deligero; Saturday Night Chills ni Ian Loreños; Bukas Na Lang Sapagkat Gabi Na ni Jet Leyco; Philippino Story ni Benji Garcia; Shift ni Siege Ledesma; Ang Pagbabalat Ng Ahas ni Timmy Harn; Bendor ni Ralston Jover; at Riddles of My Homecoming ni Arnel Mardoquio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ang mga Cinema One entries sa mga sinehan ng Glorietta, Greenbelt, at Trinoma hanggang November 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN