Sunshine Cruz hands-on line producer of 'Ligalig'


Sunshine Cruz is not only the leading lady of her husband but is also the line producer of "Ligalig."



Businesswoman na ang aura ni Sunshine Cruz ngayon. Aside kasi sa pagiging isa sa mga artista ng Ligalig—a film starred, written, produced, and directed by her husband Cesar Montano—line producer din si Sunshine ng Metro Manila Film Festival entry ng CM Films.

As a line producer, siya ang punong-abala sa pag-asikaso ng mga kung anu-ano tungkol sa produksiyon ng naturang project.



Kuwento ni Sunshine, noong nasa Amerika pa ang kanyang mister na si Cesar ay siya ang namahala sa pag-aasikaso ng trailer at pakikipag-usap sa MTRCB para lang maipalabas na ang trailer ng Ligalig.



"Naku, ilang beses akong pabalik-balik sa MTRCB para lang makiusap at alamin kung puwede na ba naming ipalabas ang trailer. Twice kasing nabigyan ng X-rating ang trailer ng Ligalig kaya kailangang i-reedit at tanggalan ng ilang mga eksena," kuwento ni Sunshine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press screening of Ligalig yesterday, December 19, at the The Podium.

"Tapos yung kabuuan pa, kailangan din naming magbawas sa mga eksena na medyo mabibigat kasi ang target namin is R-13 para maipalabas kami sa SM Cinemas. Kasi kapag nabigyan kami ng R-18, hindi kami qualified na maipalabas sa SM Cinemas. E doon pa naman ang pinakamaraming sinehan, ‘di ba?" patuloy ni Sunshine.

"Kaya super-nawindang ako sa pag-asikaso ng lahat. Pati mga posters, pakikipag-usap sa mga investors at sa post-production... Sabi ko nga kay Buboy [palayaw ni Cesar] na para na akong si Mother Lily [Monteverde]. Naiintindihan ko na kung bakit laging mainit ang ulo ng mga producers kasi hindi pala biro ang gumawa ng pelikula. Bukod sa gastos, marami pang kung anu-anong problema.



Dagdag pa niya, "Pero na-survive naman naming lahat ‘yan. Pang-second movie [after Panaghoy Sa Suba] na namin ito for CM Films at naka-adjust na kaming lahat sa pagod at gastos."



Ayon naman sa mister ni Sunshine na si Cesar, umabot daw ng P20 million ang budget ng Ligalig. Kasama na roon ang promo at publicity na siyang tinututukan ng mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kasi nga late na kaming nakapaglabas ng trailer kaya double time kami sa promo," paliwanag ni Cesar. "Mabuti na lang at si Sunshine ay natuto na rin sa pag-handle ng CM Films. Mas organized nga sa akin ang misis ko. Mas tutok siya sa mga perang pumapasok at lumalabas.



"Mahusay nga na line producer ito [Sunshine]. Ako mismo nagulat na kaya pala ni Sunshine ang ganitong trabaho. Mapagkakatiwalaan mo na siya talaga kaya wala na akong worries if ever na iwan ko sa kanya ang CM Films," pagmamalaki pa ni Cesar.

Kanina lang ay nakatanggap ang PEP ng text message mula kay Sunshine upang ibalita na Rated A ng Cinema Evaluation Board ang Ligalig.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN