Pokwang stars in family film initially slated for Sharon Cuneta

Hindi raw kaso kay Pokwang kung ang pelikulang Call Center Girl na kanyang pinagbibidahan ay unang nai-offer kay Sharon Cuneta.


Naging tampulan ng biro si Pokwang ng kanyang co-stars na nagsasabing parang last movie na niya ang pelikulang Call Center Girl.

"Sinasabi nila na parang last movie ko na [kasi] itinodo ko na," sabi ni Pokwang nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bloggers' conference ng pelikula na ginanap sa Star Cinema office, ABS-CBN compound, noong November 18.

Pero dagdag niya, "Hindi lang naman ako... lahat ng mga kasama ko, tumodo kami nang bongga para mapaganda.

"Kasi ang saya-saya sa set.

"Sabi nga, nakabuo kami ng bagong pamilya, bagong kaibigan, dahil sa sobrang pagmamahalan namin sa set, nagawa namin ng tama."

Kasama ni Pokwang sa Call Center Girl sina Jessy Mendiola, Enchong Dee, Alex Castro, at John "Sweet" Lapus.

Ang paniniwala ni Pokwang ay sinegundahan ng direktor ng pelikula na si Don Cuaresma.

Sabi ni Don, "Bilang direktor, para yang vendo [machine]. Yung gusto mo, ibibigay nila.

"Sa kanila, nilalagpasan pa nila. Ito ang ine-expect ko, umaakyat pa na unexpected.

"Tawa ako nang tawa."

Si Don ang direktor ng dating toprating primetime series na Ina, Kapatid, Anak.



"POKWANGIZED." Nabanggit sa bloggers' conference na ang Call Center Girl ay pagbibidahan dapat ni Sharon Cuneta.

Pero hindi ito natuloy dahil lumipat ang Megastar sa TV5.

Sinabi ni Pokwang na alam niya ang tungkol dito, pero hindi raw ito isyu sa kanya.

"Ako naman, bilang maganda naman yung proyekto po, e, bakit mo tatanggihan, di ba?

"Kung marami ka namang mapapasayang tao..."

Ipinaliwanag naman ni Hyro Aguinaldo, isa sa scriptwriters ng pelikula, hindi na ito ang orihinal na script na dapat sana ay kay Sharon.

Sabi ni Hyro, "Marami na kasing pinagdaanan yung project na ito.

"Originally kasi drama siya, then nakita na potensiyal kasi siya sa comedy.

"Then minatch talaga in terms of humor and in terms of delivery sa personalidad, or sa kakayahan ng mga comedian natin, lalo na kay Mamang [palayaw ni Pokwang].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can say na ang character talaga ni Terry [Pokwang] dito ay tailor-fit po."

Dagdag pa ni Direk Don, "One thing is, if you're going to make a movie about call center, it should be comedy.

"Baka mamaya maantok sila pag drama, hindi ba?

"From the Sharon Cuneta script, iniba talaga... 'pinkowangized' yung material para mag-fit sa kanya."

"It's a heartwarming comedy, pero comedy siya.

"Si Pokwang kasi can do drama and comedy at the same time.

"I'm not saying Sharon does not do comedy, she is just not known for that.

"But Pokwang is is an actress, who can do drama and comedy.

"Yung range niya as an actress, pinakita talaga rito."

Ang Call Center Girl na handog ng Star Cinema at Skylight films ay magbubukas sa mga sinehan sa November 27, 2013.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN