Vice Ganda talks about his difficulties portraying quadruplets in MMFF entry Girl Boy Bakla Tomboy

In the Metro Manila Film Fest entry Girl Boy Bakla Tomboy,Vice Ganda brings life to the quadruplet children of Maricel Soriano's character.


Pagkatapos ma-ospital ang director na si Wenn Deramas, puspusan na raw ngayon ang shooting ng Metro Manila Film Fest entry na Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang bida ng pelikula na si Vice Ganda sa benefit show niya sa Laffline Comedy Bar kamakailan.

"Bongga na, e. Nae-excite na ako kasi ito 'ng pinaka-nakakatawa ko'ng pelikula. Hindi ko alam kung ito yung pinakamagandang istorya pero eto yung pinakanakakatawa ko'ng pelikula."

Totoo ba ang balita na may cut-off na raw si Direk Wenn na nine in the evening?

"Ah, nu'ng last na shoot namin inabot kami up to twelve [in the morning]," sambit ni Vice.

Sa tingin niya aabot naman sila sa deadline ng MMFF?

"Kinausap ko siya [Direk Wenn]. Sabi ko, 'Kaya ba nating matapos?' Sabi niya, kaya naman.'

"Sabi ko, 'Sure ka?' Sabi niya, 'Yun lang ang kaya ko'ng isagot.' Hehehe! Pero siyempre, hindi naman kami papayag na hindi matapos.

"Hanggang first week of December pa ang shooting namin. Keri namin 'yan.

“Hello?! Ang Sisterakas ginawa namin ng isang buwan, ‘no! Nakakaloka!"

But unlike Sisterakas, isa lang ang character ni Vice Ganda sa 2012 Metro Manila Film Fest entry na pinagbidahan nina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas. Ang naturang comedy film ay idinirek rin noon ni Wenn.

This time, quadruplets ang ginagampanan ni Vice Ganda sa Girl, Boy Bakla, Tomboy.

"Oo, katulad noong Thursday, may isang sequence na tinapos ko ng eight hours. Kasi yung apat na magkakapatid, yung girl, boy, bakla, tomboy nagbugbugan. Ang hirap noong eksenang yun. Gusto ko nang umiyak.

"Sabi ko kay Direk [Wenn], 'Direk, last na 'to, ha. Parang hindi ko na kayang gawin pa 'to.' Sabi niya, 'E, bakit? Sino ba ang nakaisip ' Sabi ko, 'Ikaw! Day, ang hirap!'

"Yun lang nag-uusap kayo na dalawa, e, ang hirap. Mag-usap pa kaya kaming apat, ganoon din. E, 'yun nagbugbugan kami? Nagsusuntukan kami? Ang hirap!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga part na hindi kami pwedeng mag-double. Kaya kailangang kabisaduhin ko kung ano 'yung kinikos ko kasi lalabanan ko yun mamaya.

“Dapat alam ko kung saan siya nakatingin, saan siya nakahawak, hirap na hirap ako. Gusto ko nang umiyak. Pero nu'ng nakita ko yung rushes, ang ganda. Naaliw ako."

Ngayon pa lang ay hinunulaan na magiging number one ang movie na ito sa box-office race.

"Malakas 'to! Malakas 'to! Ang galing ni Inay Marya [Maricel Soriano]. Ang galing ni Kiray.

“Kahapon meron kaming shinoot na eksena na pagkatapos napalakpakan talaga lahat. Ang galing ni Inay Marya at ni Kiray. Nilamon nila ako ng buong-buo."

Nagpalamon ka kay Maricel at Kiray pagdating sa pag-arte?

"Kasi hindi ko kaya 'yung ginawa nila. Kasi, 'di ba, mga dramatic actresses sila? Yung eksena nagbre-breakdown kaming tatlo, e, heavy drama. Pero yung dialogue, comedy. Yung dalawa serious, umiiyak, hagulgol. Pero comedy yung linya.

“Ang galing ni Kiray. Tulo ang luha, breakdown sila ni Maricel. Confrontation pero comedy ang linya."

Ano ang role ni Kiray sa movie?

"Ampon ni Inay Marya. Kapatid ko. Tapos ako hindi ako makaiyak kasi tawa ako nang tawa.

"Nirekomenda ko talaga si Kiray sa movie bilang anak-anakan ko 'yan.

"Si Ryan [Bang] din. Tapos, nag-shoot na si Ryan. Pero ang nakakaloka kay Ryan kasi akala mo siya yung bida, mas mahirap pa yung schedule niya kesa sa akin. Kaya natanggal siya doon sa movie. Maliit lang naman ang part niya doon."



NEW HOUSE FOR VICE? Noong huli naming nakausap si Vice plano niya na bumili ng mas malaking bahay kumpara sa townhouse with five bedrooms na tinitirhan niya ngayon na nagkakahalaga ng P15 milyon.

Kasama ni Vice Ganda na nakatira sa townhouse niya ang mga kaibigan at personal staff niya gaya ng PA (personal assistant) niya, make-up artist, hairstylist, at stylist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga kaibigan at staff niya ang nagsabi sa kanya na sana may swimming pool ang bahay niya.

Kaya agad naman naghanap ang komedyante ng bagong bahay na may swimming pool.

Nakabili na ba siya ng bagong bahay niya na may swimming pool?

"Hindi pa. E, kasi 'di ba nga, mabibili ko yun kapag pumirma na ako ng bagong kontrata. Sa December pa ako pipirma.

“Nakahanap na ako, nakausap na. Hinihintay na lang yung bayaran."

Ayaw sabihin ni Vice ang halaga ng bahay at kung saan. But definitely, may swimming pool daw.

"E, 'di ba nga yun ang dream ko, may swimming pool. Kasya mga tatlong pating, haha!

”Papakita ko yun sa inyo, siyempre dream ko yun, 'no. Pinaghirapan ko yun."

Nabenta na ba niya ang townhouse na tinitirhan niya ngayon pandagdag sa pambili ng bagong bahay?

"Hindi pa. Baka hindi ko ibenta kasi ang lapit sa trabaho ko."

Kailan siya pipirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN?

"December, oo nga, pwedeng dapat nakapirma. Kaso, ang daming ganap, nakakaloka.

“Alangan namang makipag-anuhan pa ako, 'Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN channel head] magpirmahan na tayo,' haha. E, siyempre aligaga lahat para sa mga nasalanta kaya okay lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN