RK Bagatsing joins Singaporean TV series Point of Entry

RK Bagatsing (in photo), the brother of Raymond Bagatsing, plays a homosexual for the comedy film Slumber Party. RK shot a kissing scene with Sef Cadayona for this indie film, which will open in cinemas starting November 27.


Si RK Bagatsing, ang nakababatang kapatid ni Raymond Bagatsing, ay naging parte ng isang Singaporean TV show.

Tumungo papuntang Singapore si RK last November 9 upang i-shoot ang Point of Entry, isang police drama.

Kasama niya ang GMA-7 actress na si Bela Padilla sa fourth season ng naturang TV series.

"May shooting ako sa Singapore, parang teleserye. English TV series nila. Kasama ko si Bela Padilla. Kami ang dalawang Pinoy ang napili doon. Fall guy ako. Fallback na talent," kuwento ni RK.

"Yung main actor nila nagkaroon ng problema sa schedule. Nag-shoot na yung guy kaso dahil sa schedule kailangan niyang mag-pullout. Pilipino siya, may pangalan na rin siya rito.

"Tapos nu'ng time na yun kailangan ila ng ipe-present sa Singaporean director. So, may tatlong actors na ipre-present, isa ako roon.

"Yung dalawang big stars, [November] 9-20 hindi sila pwede dahil may committment silang iba. Ako na lang ang natira, kaya ako na ang kinuha nila. Hahaha!

"Lucky for me, 'di ba? Para sa akin po talaga. So, yun tsumamba. Kaya may raket ako, hahaha!"

Pagpapatuloy niya tungkol sa Singaporean TV series, "Ten days ako doon. Naka-season three na po yun. May mga Singaporean actors.

“Yung kasama ko lagi sa eksena Hollywood actors, isa si Jack Yang. Hollywood actor siya na based doon pero Asian siya.”

Si Jack ay naging parte ng American TV shows tulad ng Grey’s Anatomy at Law & Order.

“Nag-shoot na ako rito ng five days sa Manila,” ani RK. “May eksena rito at meron din sa Singapore. So, suwerte."

Noong 2012, si Karylle at Simon Ibarra ay naging parte naman ng third season ng Point of Entry.



PLAYING GAY IN SLUMBER PARTY. May corporate jobs na noon si RK Bagatsing nang magdesisyon siya na bumalik ulit sa showbiz.

Ang kanyang biggest break so far ang pagiging isa sa lead stars ng indie film na Slumber Party. Directed by Emman dela Cruz, ang Cinema One entry na ito ay unang pinalabas noong 2012 ngunit ngayong 2013 lang gagawin ang nationwide run nito simula November 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano napasama si RK sa pelikulang Slumber Party?

"Nabalitaan ko lang sa Facebook. Nakita ko lang sa mga post nila. Tapos sabi ko, sige punta ako doon. Tapos nag-audition talaga ako para sa role ni Jonel [played by Sef Cadayona in the movie].

"Kasi alam ko po talaga yung lead role puro babae. Hindi ko alam na gays pala. Kasi nakita ko sa Facebook, babae. Siguro nagkamali ako, so, sabi ko, wala akong ma-audition dito.

“E, siyempre kapag wala ka'ng work kahit ano'ng makita ko, puntahan ko, e. Kahit nga yung mag student film, alam mo yung mga estudyanteng may thesis? Puntahan ko 'yan kahit pasulpot-sulpot lang," paliwanag ni RK.

May nakita siya na role ng isang frat guy na pwede niyang i-audition sa movie kaya pumunta na rin siya.

"Pag punta ko sa venue, naisip ko, 'Tama ba 'tong lugar na 'to?’ Kasi, puro beki yung nandoon. Sabi ko, bakit ganoon, puro beki? Naisip ko na lang siguro may magandang role for beki. E, talagang maraming beki. Sabi ko, bahala na.

“Umakyat na ako. Magbabasa ako kay Jonel. Pag akyat ko nakita si Direk.

"Tapos sabi lang nila, A, yung kuya mo [Raymond Bagatsing] magaling sa beki role. ' Sabi ko, ‘A, oo.' Sabi nila, 'Gusto mo ba'ng subukan mag-audition for the beki?' Sabi ko, 'Sige, nandito na po tayo, e.'

“Ayun, nagbasa. And then, after noon kinalimutan ko na. Kasi parang hindi na ako umasa.

"Ganoon na ako kasi sa tagal-tagal ko nang nag-a-audition. Ayoko nang mag-expect. Kaya noong time na yun kinalimutan ko na.”



KISSING SCENE WITH SEF CADAYONA. Aminado si RK na ang akala niya ay may sexy theme ang pelikulang Slumber Party.

Ngunit, ang Slumber Party ay isang comedy tungkol sa tatlong bakla na nag-overnight sa isang bahay upang panoorin si Venus Raj sa Miss Universe pageant. Habang nanonood sila

Si RK ang gumanap na isa sa tatlong bakla samantalang sina Markki Stroem at Archie Alemania naman ang mga kasamahan niya.

“Lagi ko'ng sinasabi before, yung stereotype ko ng gay film sa atin yung parang sobrang strong, sobrang sexy ng man-to-man scenes, yung mga ganoon. Kaya noong time na yun na nandoon ako, sabi ko, hindi ‘ata para sa akin ang film na 'to. Kaya kinalimutan ko na rin,” pag-amin ni RK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And then, one day naka-receive ako ng tawag. Kinu-consider daw nila ako for a role.

“Sabi nila, basahin ko raw yung script and tell me what you think about it. So, binasa ko and it turns out na sobrang iba roon sa ini-imagine ko na gay film. Kaya na-excite ako.

“Noong time na tinawag nila ako hindi pa ako tanggap. So, kinailangan ko'ng mag-screen test, mag-audition ulit. Chemistry test. Ang dami ko'ng pinagdaanan. Lugi talaga sa pamasahe lalo na hindi ko alam kung saan ko huhugutin."

May kissing scene si RK at co-star niya na si Sef Cadayona sa Slumber Party.

Hindi ba siya nahirapan sa eksena nila ni Sef?

"Uminom ako noon, e. Red Horse, hahaha! Isang bote lang pero straight.

“Kinabahan ako siyempre dahil first time ko’ng hahalik ng lalaki.

“Pero nabasa ko naman ‘yung script. Hindi ko alam na that day kukunan yung kissing scene.


“Pero hindi naman siya naging ano talaga, kasi na-train kami ni Emman [director of Slumber Party], to focus on the character. Hindi naman si RK ang humahalik, e, it’s the charcter. At meron naman pinanggaaglingan yung character," paliwanag niya.


Anim na beses daw nilang ginawa ang kissing scene.

"Six takes yun, rehearsal-take. Kasi they want to capture yung essence ng ano, not because a guy is kissing a guy. It’s their emotions, e. Bakit nila hinalikan ‘yung isa’t isa?"

After gawin niya ang kissing scene sa pelikula, paano kung alukin naman siya ng mga proyekto kunsaan required siya to show some skin, payag ba siya?

"Ngayon hindi, " diin niya. "Hindi dahil takot ako dahil 'di maganda ang katawan ko. Parang feeling ko, hindi naman too soon. Siguro, hindi ko masabi, e. Tingnan natin.

“Sabi ko nga dito sa Slumber Party, ayoko ng gay role nu’ng una but I got it. Tapos it turned out to be a good film pa. Hindi ko rin sigruo masabi. Ngayon sinasabi ko hindi ko kaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago nakuha si RK for Slumber Party may bit role siya sa indie film na pinagbidahan ni Alfred Vargas, ang Supremo.

"Sobrang one scene lang ako. Ako si Ladislao Diwa. [Nakita ako] nung nagme-meeting lang sila. Ako meron lang ako'ng scene at isang line ako."



PROFILE OF RK. Ramon Khino Bagatsing ang complete name niya ngunit RK ang ginagamit niyang showbiz name.

Magkapatid sila ng aktor na si Raymond Bagatsing.

Wala silang magkakapatid sa kanilang ama na si Ramon Bagatsing Jr., anak ng dating Mayor ng Maynila na si Ramon Bagatsing.

"Sa dad ko walo kami, pangalawa ako sa bunso. Tatlo kaming lalaki. Dalawa kami sa mother ko and the rest sa dad ko. Very Bagatsing si daddy," ngiti ni RK.

Tumira raw silang lahat sa iisang bahay at ang ina na niya ang naging stepmom ng kanyang half-siblings.

"Nasa Australia ang mom niya [referring to Raymond]. Nauna yung mother niya sa dad namin. Close kaming lahat, yung walo. At yun nga, mommy is taking care all of us.

Bakit nag-artista siya ulit?

"I've been around pero ngayon lang talaga dumating ang ganitong chance. I'm 24 now.


“Pumasok ako two years ago. Kasi…long story.

"Nag-showbiz na ako before, bata ako, mga 12 or 13 years old. Yung Best Friends ni Kuya Germs [Moreno] dati.

"Andu'n ako, batang maliit, makulit.

"RK na rin ako noon. Siguro mga walo kaming kids doon. Kami nina Rodjun at Rayver [Cruz]. Kami yung lagi lang naglalaro noon.

"Nagkaroon kasi noon ng go-see, e, nag-audition ako. Si Kuya ko, Raymond Bagatsing na siya noon."

Si Raymond ba ang nag-encourage sa kanya na bumalik sa showbiz?

"Ako lang po. E, kasi siyempre, growing-up seeing them, si Kuya, e, si ate ko rin, si Monina doing her own stuff. Ayun, kaya sabi ko, gusto ko ring maging ganyan."

Nabalitaan lang din daw niya na may audition para sa Best Friends. Pero tumagal lang din daw siya sa show ng isang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi that time being a kid hindi mo naman alam ang priority mo pa, e. So, doon sa show naglalaro lang kami. Gusto ko lang makita ang mga kaibigan ko. And after that, parang na-realize ko gusto ko. Kasi nag-stop ako sa studies ko noon, e.

"Nag-aaral ako that time sa St. Francis sa Las Piñas. So, grade five po ata ako noon. Incoming high school hindi ako nakapag-aral agad kasi I was doing Best Friends.

"At the same time nong bata ako nagge-guesting na ako sa mga GMA show sa hapon gaya ng Pira-Pirasong Pangarap, Kahit na Magtiis, Maynila, mga ganoon. Kaya hindi na ako makapasok.

“Then, eventually, parang sabi ko, na-realize ko, parang palit-palit ng gusto. Gusto ko nang pumasok. Gusto ko nang mag-aral. Gusto ko nang mag-basketball.' Naging varsity player din ako noon.

"E, siyempre, ang parents, gusto nila mag-aral ka lang din. Sabi nila, 'O, sige, tara. Aral ka na.' Tapos ayun, nakalimutan ko na ang showbiz. Parang dumaan lang ako, naglaro lang, ganoon.

"After ko mag-aral, nagtrabaho ako sa call center. Undergrad ako, Nursing. Kasi, it's a long story pero ayoko nang pagbayarin ang parents ko ng tuition ko before. Sabi ko, magta-trabaho na ako. So, nag-trabaho ako sa corporation.

"Nag-University of Makati ko nu'ng nagti-take ako ng Nursing course.

“But prior to that, kasi 'di ba nag-basketball na ako? Naging UE [University of the East] Warrior player ako. Kasi yung coach ko dun sa UE naging coach ko noong high school sa San Beda Alabang. Doon ako nag-high school. So, ayun sabi ko, gusto ko nang mag-trabaho para ano eventually siguro balik ako.

"And then, tumagal ako sa corporate industry. Andoon ako sa Microsoft as sales and licensing, yung mga sa server. Business to business, e.

“Ako yung nagha-handle nu'ng mga IT infrastructure nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga lisensya nila sa software, hardware, ako yung mga ganoon and then, how to improve their infrastrusture, mga ganoon.

"That time, okay ako. I was earning good money pero parang hindi ako masaya. So, sabi ko, parang ayokong tumanda dito sa ganitong trabaho. So, sabi ko, tingnan ko nga ulit ang acting."

Sino ang una niyang nilapitan?

"Ano, e, parang sariling ano rin sikap. Ginawa ko, gusto ko kumo-commercial muna. So, maraming VTR, auditions, casting, laging ganoon. Tapos yun nga, nagasgas na.

“Maraming rejections. Hindi ganoon kadali. For the longest time, a, yung amount of auditions ko sa nakukuha ko'ng project, sobrang layo. Eventually, nakakakuha ako ng pa-isa-isa."

Nakagawa rin daw siya ng ilang TV commercials.

"Prior to Slumber Party may commercial ako na Benadryl. Alam mo yung humahatsing na guard? Ako po yun. Kaya ako kinuha, e, malaki ilong ko, haha! Tapos pasulpot-sulpot lang like BPI."

Saan siya kumukuha ng pamasahe kapag may go-see siya na pinupuntahan?

"Binenta ko yung kotse ko. Mura lang, Mazda ang tatak. E, ang mahal din kapag nagko-kotse ka.

"Hindi ko rin masyadong mapapakinabangan kaya binenta ko na lang. Ayun ang ginamit ko ring pamasahe."



STRIKING OUT ON HIS OWN. Hindi ba siya humingi ng tulong kay Raymond na isama siya sa mga projects niya? In good terms ba sila ni Raymond?

"A, paano ba? Gusto ko kasi to make it on my own. Kasi siya, sumikat naman siya sariling sikap."

Kahit papano ang pagiging Bagatsing niya ay nakakatulong rin sa kanyang career.

"O, yun na nga, e. Being Raymond Bagatsing's brother, malaking tulong na sa akin kahit papano. Napapakilala ako sa mga tao.

“Yun pa nga lang sasabihin ko ako si RK Bagatsing, 'Ano mo si Raymond?' 'Kapatid ko po.' 'Ah, ok, sige nga...'

"Pero tumira ako sa kanya for one year…nu'ng time na bumalik na siya ng Pilipinas, bago pa siya nagpakasal sa Amerika. Tumira ako sa kanya kasi siya yung nagpa-aral sa akin sa Nursing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, nu'ng time na yun, siyempre sumasama rin ako sa mga taping niya. Hindi ako nagpa [tulong] na mag-guest-guest kasi iba ang priority ko noon. Nag-aaral ako noon, e.

"Tapos after ng one year umalis na siya, pumunta siya ng Amerika. Nagsolo na ako. Nu'ng bumalik siya, nagkita ulit kami, reunite. Sama-sama ulit sa mga taping niya.

"Pero dati nagta-trabaho pa ako sa corporate industry kaya wala pa rin sa utak ko. Pero at first, alam din naman niya 'yung dream ko na somehow nandiyan pa rin yung dream ko na umarte.


“Tinuturuan niya ako."

May pagsisi ba siya ngayon na iniwan niya ang kanyang stable job for a career in acting?

"Actually, may mga time na nagsisisi ako.

"Kasi mapo-promote na ako noon sa corporation, e. Pero sabi ko hindi nga ako masaya. Kaya may mga time na ganoon lalo na kapag hindi ka nakuha sa ganoong project. Made-depress ka for a period of time. Pero mawawala rin yun eventually.

"Gusto ko rin talaga i-push ang sarili ko sa acting.

"Pero may ganoong stage na, [tinatanong ko] 'Bakit ko ipinagpalit yung stable job ko sa pag-arte?'"

RK'S LOVELIFE. May girlfriend ba siya ngayon?

"Meron, non-showbiz. Doctor siya. Dati sa Makati Med [Makati Medical Center] siya, ngayon sa Manila. Magde-derma [dermatology] siya, cosmetics. Matagal na kami."

Baka siya na lang ang hinhintay ng girlfriend niya to get married?

"'Yun nga, sabi niya, 'Ano ba? Kailan na ba?’ Haha!

“Mag-iipon pa rin naman siya, e. Para sa amin! Hahaha! Sabi ko nga, 'Ayusin mo 'yan, ha, para buhayin ako.' Hahaha! 'Ayusin mo 'yan, ipro-promote ko na lang ang clinic mo.' Hahaha!"


Dumami ba ang offer sa kanya after ng Slumber Party?

"Hindi masyado. Pero natuwa ako kasi marami ang nagustuhan 'yung film. Ang daming nagko-congratulate sa akin.”

Ano pa ang ibang proyekto ni RK?

“Meron akong ginawa for Cine Filipino [Film Festival]. Yung story ni Jose Maria Sison [titled The Guerilla is a Poet].

(Read: MOVIE REVIEW: The Guerilla is a Poet)


Bukod dito, naging bahagi rin si RK sa Sitio, isa sa entries ng 9th Cinema One Originals Festival.

(To learn more about Sitio, CLICK HERE)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ani RK, “Ayun, paisa-isa. So, hoping na magkaroon ng ibang offer. Saka kasi konti lang din nakapanood ng Slumber Party sa one week na release last year.

“Hopefully, mas marami na ang makapanood on November 27."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN