Will Brillante Mendoza do another movie with Nora Aunor?


Ayon sa Cannes award-winning director na si Brillante Mendoza, sa ngayon ay wala siyang balak na gumawa ng pelikula tungkol sa trahedyang dulot ng super typhoon Yolanda.

"Ang take ko kasi diyan, there are so many things that happened; ang daming mga naapektuhan... actually, I want to let it pass. Ayokong makisawsaw. Ayokong makihalubilo.

"Ayokong i-exploit ang issue ng nangyaring disaster.

"I want to see it from the point of view of an ordinary citizen," sabi ng premyadong direktor sa mga guro at estudyante na dumalo sa paglulunsad ng Brillante Mendoza Film Festival noong November 20 sa SM Manila cinema lobby.

Kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga naging saksi sa paglulunsad.

Ang festival ay may layunin na i-encourage ang kabataan at iba pang manonood na tangkilikin ang mga alternatibong pelikula. Ito ang ikatlong taon na isinasagawa ng SM Cinemas ang naturang proyekto.

Kabilang sa mga pelikulang na-produce at dinirek ni Brillante na may screenings sa SM Manila ay ang mga sumusunod: Kaleldo (2006), Manoro (2006), Foster Child (2007), Lola (2009), Captive (2012), at Thy Womb (2012).

Pero may pasubali rin si Direk Brillante na hindi maiiwasan ang pagtalakay sa onslaught ng bagyong Yolanda (na kilala sa buong mundo bilang typhoon Haiyan).

Libu-libo ang namatay at marami rin ang nawalan ng mga pag-aari dahil sa naturang super typhoon.

Matapos ang bagyo, maraming tulong ang bumuhos mula sa mga Pilipino at pamahalaan ng iba't ibang bansa.

Ngunit, naging issue ngayon ang naging mabagal na proseso ng pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta.

Sabi ni Brillante, "If ever, siguro many, many years from now, when everyone has already forgotten this, when everyone has already settled and moved on [that's the time I can do a film about the tragedy]...

"At this point in the time, the right thing to do is, siguro, like what we are doing now, we share our films, we share our talents, our craft.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As an artist, it's the best thing to do. In terms of doing a film about Yolanda, about the typhoon, siguro hindi muna because there are a lot of stories; so many things are going on right now.

"So I'd rather step aside."

SAD REALITY. Sa Q & A, nabanggit ni Direk Brillante na isang malungkot na pangyayari ang mahinang pagtangkilik sa mga alternatibong pelikulang Pilipino.

"Of the 100 million Filipinos, there are only forty percent who watch mainstream films, Hollywood... halo-halo na.

"Of the forty percent, only a fraction—not even one percent—watch independent films.

"And at this point in time, mas marami ang ginagawang alternative, kaysa mainstream [movies].

"But the majority of our audience go for Hollywood and mainstream movies.

"So, kilala [ang indie films], kung kilala...but patronizing it is a different thing.

"Ibig sabihin, wala siyang audience."

Ngunit, sa nakalipas na ilang taon, may napatunayan na ring patuloy na sumusuporta sa local indie film fests tulad ng Cinemalaya, Cinema One Originals Festival ng Cinema One cable channel, at ang Digital Lokal category ng Cinemanila International Film Fest. Ngayong 2013, sinimulan rin ang Cine Filipino Film Fest na sponsored ng TV5 at ang QCinema, isang film festival na sponsored ng Quezon City government.

Bukod pa rito ang Sineng Pambansa All-Masters Edition at Sineng Pambansa Regional Film Fest na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).




CRUCIAL ROLE OF STUDENTS. Pero aware rin si Direk Brillante, tulad ng ibang taga-industriya, na hindi ang pagkakaroon ng mga festivals na ito ang garantiya para sa long-term sustainability ng industriya.

Anupa't nakakatulong ng malaki ang mga film fests sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga filmmakers na ipakita ang husay ng Pilipino sa larangan ng paggawa ng pelikula.

Paliwanag ni Direk Brillante, "Don't be deceived by Cinemalaya and other indie film fests kasi ang mga festivals na ito, nangyayari sila for one week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And one film will have about [just a few] screenings. Siyempre, mapupuno 'yon, let's say, buong estudyante sa Maynila, e, manonood doon for one week.

"Pero ilagay mo yung mga pelikula sa isang commercial screening, for one week, na yun lang ang pinapanood... you don't have the audience anymore, after that.

"Kasi ang audience niyan, na-consume na, du'n pa lang sa screening [sa indie festival].

"You have a few audience here and there, but that would not sustain four screenings a day, for one week.

"So that's the sad reality. And that's where you come in as students, kasi kumbaga, kayo yung magtutuloy; ang magdudugtong ng buhay.

"Without you patronizing these films, we cannot make films [for a wide market] kasi producers invest millions in these films."

NOT READY FOR LGBT FILMS. Handa na rin bang gumawa si Brillante ng mga pelikulang nauukol sa trannies o transgenders/bisexuals?

"Meron na kasing gumawa lately," banggit ni Direk Brillante.

Tinutukoy niya ang Quick Change (2013) by writer-director Eduardo Roy Jr. Nanalo ito ng Special Jury Prize, Best Actor, Best Sound, at Best Screenplay sa 9th edition ng Cinemalaya.

(To view the list of winners in the Cinemalaya 2013, CLICK HERE)

"There's nothing wrong about doing these kinds of films. Pero wala pa akong major research about that,” pagtukoy niya sa lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community.

"I don't mind doing something about that in the future kapag meron na akong major research.

"Kailangan ko munang malaman yung mundo na ‘yon, e.

"Hindi ako puwedeng basta gagawa ng pelikula, based on a script lang na nakita ko, o sinabi sa akin.

"Once I am attracted du'n sa isang issue, o istorya, kailangan ko munang ma-immerse do'n, para malaman ko yung mundo na 'yon.

"Para mas maintindihan ko, at para mas klaro siya 'pag ikinuwento ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At this point, marami kaming nire-research na mga kuwento. I also have researchers or writers who do these for me.

"Putting all these together, matagal na proseso yun."



ANOTHER FILM WITH NORA AUNOR? May Nora-Brillante follow-up movie ba na dapat abangan ang mga manonood?

"Well, actually, after doing Thy Womb, naging malapit kami sa isa't isa ni Ms. Nora Aunor," pag-amin ni Direk Brillante.

"Alam nating lahat na nu'ng ginagawa namin ang Thy Womb, hindi talaga kami nagkaroon ng kahit ano'ng problema sa production.

"That in itself is a good sign of a continuous collaboration."

But the Cannes award-winning director is non-committal about the project he might do again with Nora.

"Kasi, alam niyo naman dito, involved din ang investments.

"Bilang mga artists, gusto naming gumawa nang gumawa, lalo na kung makakasundo mo yung mga katrabaho mo.

"Maraming mga kuwento na babagay kay Ms. Nora Aunor, kaya lang kailangang maghanap ka rin ng tamang investor sa ganitong mga klase ng pelikula."

Positibo naman ang direktor na magkakaroon siya ng susunod na proyekto with the Superstar.

"Huwag kayong mag-alala," he told the students na nakikinig sa kick-off ceremony. "Definitely, magkakaroon pa ng kasunod ang Thy Womb.

"Hindi ko lang alam kung this year, o mga next year, o in the coming years.

"But, definitely, magkakaroon ng kasunod ang Thy Womb."


ADVICE TO ASPIRING FILMMAKERS. May kabataang mag-aaral sa audience na nagpahayag ng interes na maging isa ring filmmaker.

Ano ang advice ni Direk Brillante sa mga nangangarap maging movie director?

"Kahit sino puwedeng gumawa ng pelikula, basta meron kang mahalagang kuwento, na nanggagaling sa puso mo.

"Pero bago ka magkuwento, isipin mo na yung kuwento mo. Meron ba itong magagawa na mapag-iba yung isip ng makakapanood?

"Minsan, may mga kuwento tayo, na tayo lang ang may gusto.

"Dapat, as filmmaker, meron kang gustong sabihin sa pelikula mo, na makakaapekto sa mga taong manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi man marami, at least, the few people who watch your films, makakaapekto sa kanila at makakapagpabago ng mga bagay-bagay."



GREATEST COMPLIMENT. Ano para kay Direk Brillante ang “greatest compliment” na natanggap niya sa dami ng nakuha niyang recognition, locally and internationally?

Sagot ni Brillante, "The greatest compliment I get is that every time I do a film screening and the students approach me and they would say, 'I was touched by your film...'

"And that, they would also say, 'Your film lingers in my mind... gonna take your film with me for the rest of my life...'"

"That is priceless!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN