Miles Ocampo excited to do her first horror movie with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

Miles Ocampo (in photo) co-stars with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla in the Metro Manila Film Festival entry Pagpag, Siyam na Buhay. (To learn more about this movie, CLICK HERE)



Aminado ang teen actress na si Miles Ocampo na malaking suwerte ang pagdating sa kanya ng youth oriented show na Luv U ng ABS-CBN.

Nang sinimulan daw nila ito ay hindi nila alam kung ano talaga ang mangyayari. Kaya nagpapasalamat siya sa magandang pagtanggap dito ng televiewers.

“Sobrang suwerte na po namin, kasi parang… noong sinimulan po namin itong Luv U, experiment lang po talaga na hindi namin alam kung ano ang magiging reaksiyon ng mga tao, hindi namin alam kung ano ang mangyayari,” panimulang saad ng 16-year-old actress nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). Dumalo si Miles last November 24 sa AFP Theater, Camp Aguinaldo para sa 27th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club.


Dagdag pa niya, “So, masaya po kami na hanggang ngayon, pangalawang taon na ng Luv U, tapos ay pangalawang taon na din na nabigyan kami ng parangal ng PMPC, kaya masayang-masaya po kami.”


Ang Luv U ang itinanghal na Best Youth Oriented Program sa gabing iyon. Tinalo nito ang Teen Gen ng GMA-7.


Ang iba pang cast members ng Luv U ay sina Nash Aguas, Alexa Ilacad, Kiray Celis, Igi Boy Flores, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, Sophia Baars, Kobi Vidanes, Smokey Manaloto, at iba pa.


Dumating din ba ang panahon na nag-alala siya na pagkatapos maging bagets ay baka maging matumal ang project dahil nasa alanganing stage siya ng pagdadalaga?


“Actually, super thankful po ako kasi iyong ibang tao, dumadaan sila sa parang awkward stage. Kaya super thankful po ako na parang alaga ako na nabibigyan ako ng mga magagandang roles na nagagawa ko talaga siya,” tugon ni Miles.


Nang sinimulan niyo ba ang Luv U, inaasahan mong magiging ganoon kainit ang pagtanggap ng fans?


“Hindi po talaga, kasi noong nagsimula po kami, gaya nga po ng sabi ko, parang lahat po talaga ay experiment, lahat po kami ay first time magkakatrabaho, bukod po iyong sa mga kasama ko sa Goin’ Bulilit dati. So masaya po, masaya na iba ang pagtanggap ng mga tao sa amin.”


Bakit siya matagal na nawala sa Luv U?


“Kailangan po kasi ay mabago iyong story namin, dahil kumbaga, ‘pagka iyong mga old na po, baka magsawa iyong mga tao. Siyempre, kailangan po nating gawin yung mga changes.


“So iyong mga bata, sina Nash na from Goin' Bulilit din po, sina Sharlene ay napunta po sa Luv U.


“Pero ngayon po ay pabalik na po kami ulit, na parang magme-merge na iyong high school at college na Luv U.”


Sinabi rin ni Miles na pinakamalapit siya kay Igi Boy sa Luv U to the point na napapagkamalan silang magdyowa, pero close lang daw talaga sila nito.


“Pinaka-close po ako kay Igi Boy, kasi magmula ng bata pa lang kami, bago magsimula iyong Goin' Bulilit talaga, siya na po talaga iyong kapatid-kapatid ko.


“So, hanggang ngayon ay close kami, lagi nga po kaming napagkakamalang magdyowa ni Igi Boy e,” nakangiting sagot niya.


Hindi ba nagkaka-developan sina Kiray at Igi Boy na magka-partner sa inyong show?


“Hindi ko po alam, pero kung ano sila sa Luv U, ganoon din po sila sa totoong buhay.”


Bukod sa Luv U, abala si Miles sa pelikulang Pagpag, Siyam na Buhay na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Ang Pagpag ay entry sa forthcoming Metro Manila Film Festival this December.

(To learn more about Pagpag, CLICK HERE)


Kasali rin si Miles sa sitcom na Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na magsisimulang umere sa Kapamilya Network by January 2014.


Kamusta naman sila sa shooting ng Pagpag at ano naman kaya ang inaasahan niyang magiging pagtanggap ng mga tao sa pelikula nilang ito?


“Masaya, masaya po ang paggawa namin nitong Pagpag, lalo na sa akin na it’s my first time to do a horror film po. Kaya excited po ako, tapos ang mga kasama ko pa po ay mga kaibigan ko.


“Parang… nandoon po siyempre iyong pressure, pero nagdadasal na lang kami na sana ay tanggapin ng mga tao itong pinaghirapan namin,” nakangiting saad ni Miles.


Ano ang masasabi mo sa love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?


“Wala po akong masasabi sa dalawang iyon, sobrang sweet n’ung dalawa. And kung ano sila sa on-cam ay ganoon din sila kapag off-cam. Kaya siguro lalong nagwo-work ang love team nilang dalawa.


“Sobrang sarap nila katrabaho, kaibigan ko kasi sina Kathryn at Daniel. Kaya kapag nagtatrabaho kami, parang nag-e-enjoy lang din kami. Kasi, kumbaga, parang nae-enjoy namin na kasama iyong mga kaibigan namin sa trabaho.


“Lalo na po iyong Pagpag, kasi, it’s a horror film na barkada siya…”


Patuloy pa ng dalagita, “Ang role ko po rito, isa sa kaibigan ni DJ [Daniel] dito, na parang kumbaga… sa lahat sa grupo, ako iyong pinaka-OA [overacting] sa grupo nila, e. Ako iyong pinakamaarte na may crush sa isa sa katropa namin doon sa movie.”


Matatakot ba ang mga manonood dito?

“Ay, marami po silang mararamdaman siyempre, iyong takot po kasi sa movie’ng ito, hindi ito iyong parang mae-expect mo na takot e. Na parang, ‘oo, maghahanda na ako, matatakot na ako.’ Parang… magugulat ka na lang na nandirito na pala iyong takot.


“At saka, mayroon din pong kilig sa movie namin at iyong hindi namin ine-expect na matatawa kami, matatawa kami talaga.”


May mga nagsasabing malaki ang chance na makapasok ang pelikula ninyong Pagpag sa Top 3 sa MMFF this December, ano ang comment mo rito?


“Top three? Makakasama po kami sa top three?” excited na sagot-tanong niya. “Naku, kapag nangyari po iyon, bongga! Sobrang bongga talaga!” nakatawang saad pa ng dalagita.


Ano ang message niya sa fans?


“Siyempre, maraming-marami pong salamat sa patuloy nilang pagsuporta. Sa lahat ng suportang ibinibigay nila sa show namin, super thankful ako. Kasi pangalawang taon na ng Luv U, tapos ay may mga bagong nadagdag po sa pamilya namin, kaya masaya kami na nag-go-grow yung family ng Luv U.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN