My Little Bossings director Marlon Rivera on Ryzza Mae Dizon: “Walang boring moment with her.”

Director Marlon Rivera (left) on child star Ryzza Mae Dizon (right): “I’ve been in this profession of directing children in TV commercials for more than 20 years. Alam ko na may mga mood swings ang mga bata kapag napapagod na. Pero si Aling Liit, wala akong naramdaman na nag-tantrum siya sa shooting namin. She is always lively—walang boring moment with her. Kapag sinabi sa kanyang kukunan na siya, she is more than ready kaya nakakatuwa siyang katrabaho.&


Sobrang bumilib kay Ryzza Mae Dizon ang TV commercial director-turned-film director ng My Little Bossings na si Marlon Rivera.

Hindi raw niya inakala na matutuwa siya at hindi mahihirapang katrabaho ang child star na kilalang-kilala na ng marami dahil sa morning talk show nitong The Ryzza Mae Show, at sa pagiging mainstay niya sa noontime show na Eat Bulaga!

Sanay na raw kasi si Direk Marlon na makipagtrabaho sa mga bata dahil sa kanyang trabaho bilang TV commercial director. Iba-iba raw ang personality at moods ng mga bata. Pero iba raw si Ryzza sa lahat ng kanyang mga nakatrabahong bata.

“Magaan katrabaho si Aling Liit,” patukoy ni Direk Marlon kay Ryzza nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng My Little Bossings sa 55 Events Place, Quezon City, last November 27.

“Wala akong naging problema sa kanya kasi mabilis siyang pumik-up ng directions, and Aling Liit is such a natural.

“I’ve been in this profession of directing children in TV commercials for more than 20 years. Alam ko na may mga mood swings ang mga bata kapag napapagod na.

“Pero si Aling Liit, wala akong naramdaman na nag-tantrum siya sa shooting namin. She is always lively—walang boring moment with her.

“Kapag sinabi sa kanyang kukunan na siya, she is more than ready kaya nakakatuwa siyang katrabaho.”

INGREDIENTS OF A BOX-OFFICE HIT. Hindi raw nagdalawang-isip si Direk Marlon na tanggapin ang project para sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Alaw daw niya kasing suportado ng maraming fans at ng mga ini-endorse nilang mga produkto ang mga bida ng My Little Bossings.

“First of all, sikat na sikat si Aling Liit. She’s what my friends and other people talk about in social media.

“Kahit na sa advertising world where I come from, kilala nila si Ryzza kaya doon pa lang, alam ko nang malaki na ang support group niya in terms of fans and sa advertising.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos sinamahan mo pa nila Vic Sotto, Kris Aquino and her son Bimby Aquino Yap. Sa kanila na lang, alam mong wala na kaming magiging problema.

“Tapos lahat pa sila very professional at napakadaling katrabaho. So I really enjoyed doing this movie,” masaya niyang kuwento.

POTENTIAL TOP-GROSSER? Sa palagay ba ni Direk Marlon ay magiging top-grosser ng MMFF ang My Little Bossings?


Makakalaban nito sa takilya ang comedy film entries nila Eugene Domingo na Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel at Vice Ganda na Girl, Boy, Bakla, Tomboy?

Pag-aanalisa niya, “To ask me if our movie will be the top-grosser of the MMFF? I can say that there is a potential that we can be the top-grosser.

“Hindi lang naman dalawa ang kalaban namin sa box-office ngayong December 25, e. Marami kami. But for me, we can be number one because of the the huge followings of our stars.

“Hindi ko naman kukuwestiyunin ang kakayahan nila Uge and Vice Ganda when it comes to their movies. Pareho silang crowd-drawers and it’s proven naman na.

“But I cannot also question the bankability of my stars, like Vic and Kris. And of course si Aling Liit, siya at si Bimby ang aabangan nila sa My Little Bossings.”

Unang pagsabak sa paggawa ng pelikula ni Marlon Rivera ay ang indie film ni Eugene Domingo na Ang Babae Sa Septic Tank noong 2011.

Nasundan naman ito ng pelikula ni Rufa Mae Quinto na Ang Huling Henya.

Napanood din si Direk Marlon sa indie film na Ekstra: The Bit Player, kunsaan gumanap siya bilang direktor ng isang teleserye na isang ekstra ang papel ni Batangas Governor and Star For All Seasons Vilma Santos-Recto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN