Rocco Nacino says MMFF movie Pedro Calungsod will show how the young saint dealt with temptation



Bagama't isang Born-Again Christian, hindi nagkaroon ng conflict sa pananampalataya ni Rocco Nacino ang pagganap niya bilang si Pedro Calungsod, ang martyred Catholic saint.

"I'm a Born-Again Christian, pero hindi naman nagka-conflict. Nadagdagan pa nga, in the sense, na naniniwala na ako ngayon kay Pedro Calungsod."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media si Rocco sa grand presscon ng Pedro Calungsod, Batang Martir noong November 28 sa Area 05 (dating Ratsky's), Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Si Rocco ang gumaganap sa title role ni Pedro Calungsod, ang pangalawang Filipino saint (kasunod ni San Lorenzo Ruiz) sa pelikulang kalahok sa 39th Metro Manila Film Festival. Mapapanood ito nationwide simula December 25, 2013.

Ang direktor ng pelikula ay ang debuting filmmaker na si Francis O. Villacorta, na siya ring sumulat ng screenplay base sa kanyang extensive research on the life and martyrdom ng naturang santo.

Rocco feels blessed na siya ang napiling gumanap sa papel ni Pedro Calungsod.

"Ilang beses na akong na-bless dahil sa kanya," malugod na wika pa ng Kapuso actor.

Taliwas naman ito sa paniniwala ng kinasasalihan niyang Born-Again community, na ayon kay Rocco, "Hindi sila naniniwala [sa mga santo at santa].

"Ako, hindi naman sa naniniwala, pero nagpapasalamat ako sa kanya [San Pedro Calungsod] dahil lahat ng ito, galing sa kanya 'yan.

"Aside from God's, may blessing ang mga ito ni San Pedro."

Hindi ba nahirapan si Rocco na humingi at magkamit ng approval ng mga Born-Again Church elders, para sa pagganap niya sa papel ng isang Katoliko?

"Hindi naman... walang pressure."

Truth is, "May mga nagsasabi, na huwag ko daw gawin [ang pelikula], pero ano naman...[naipaliwanag din na trabaho lang ito]," pag-amin din ni Rocco.

At ang naging bunga, mas positibong outlook daw sa buhay ni Rocco.

"Very positive," confirmed Rocco, sabay-biro, "tingnan mo, may grand presscon pa nga ngayon!"



SENSE OF OPTIMISM. Ayon kay Rocco, ang isa pang magandang ibinunga ng pagganap niya sa katauhan ng martyred Filipino saint: "Optimistic ako ngayon..."

Dagdag pa niya, "Mas nakilala ko pa si Pedro Calungsod; mas na-inspire ako."

Napatunayan din daw ni Rocco ang mabuting bunga ng pagka-optimistic niya, sa pagkakaroon nila ng smooth-sailing na pagta-trabaho.

"We had 11 to 12 shooting days; medyo mabait sa akin ang producer namin [from HPI Synergy group]. They gave way to my schedule.

"Meron kasi akong Akin Pa Rin Ang Bukas [his ongoing GMA primetime series], meron pa din akong Titser [mini-series on GMA News Channel] noon.

"But they allowed my other schedules. Ginagawa ko ito, in-between my tapings for Akin Pa Rin Ang Bukas and Sunday All Stars."

Ano ang pinakamahirap na ginawa ni Rocco sa kabuuan ng pelikula?

"Yung scene na pinatay kami, tapos inilubog kami sa tubig," banggit ni Rocco.

Nabanggit rin ni Rocco sa presscon proper na nahirapan siya habang nakalubog sa tubig para sa underwater scenes nila. At one point, he had to come out of the water fast, kung hindi'y posibleng malunod siya.



ON BEING "SECOND" CHOICE. Batid ng publiko na hindi si Rocco, kundi si JM de Guzman ang unang choice na gumanap sa title role na Pedro Calungsod, Batang Martir.

"It doesn't matter, kasi 'eto na..." nangiting sambit ni Rocco.

Sa darating na MMFF 2013, nag-e-expect bang manalo ng Best Actor award si Rocco?

"Ah... sigurado, all the actors are expecting, kahit papa'no.

"But then... although may bit of chance nga, nag-e-expect ako, pero mas 'showcase' lang ang award na yan.

"Gaano ba kadalas na magkakaroon ka ng movie...as important [as this]?

"Para sa akin, yung finished product... mas mahalaga ang ginampanang papel.

"Mas mahalaga itong movie na ito ay mapanood ng mga tao, at ma-enlighten sila, sa gitna ng mga nangyaring calamity.

"Sana, mas lumakas pa ang faith nila sa Diyos."

Bukod dito, mahalaga raw ang pelikula, sa kasalukuyang panahon.

"Siyempre, yun ang kailangan natin, e. Ang faith natin, kailangan, malakas din."



OF FALLING INTO TEMPTATION. Hindi ito ang unang pagkakataon na ginampanan ni Rocco ang true-to-life role ng martyred Filipino saint.

Matatandaang naunang isinahimpapawid ng GMA News Channel, early this year, ang docu-drama mini-series on Pedro Calungsod, with Rocco Nacino playing the title role.

"Pero mas deep at mas detalyado ang movie," Rocco informed. "At mas mahaba, siyempre."

Sa kuwento, na base sa ni-research ng team ni Direk Francis Villacorta, ay may pagtukoy sa panahon na naharap din si Pedro Calungsod sa tukso o pagsubok sa kasalanan.

"Tinatanong yung sex life [ni Pedro Calungsod], di ba?" pagtukoy ni Rocco.

"Sabi ko, he was faced with temptation.

"That was one of the commandments, [about] falling into temptation."

The scene calls for a teenage Pedro Calungsod to enter a "house of whores" na ang may-ari ay ginagampanan ng dating bold star na si Isadora.

That was during the 16th century, noong bago pa lamang sa bansa ang mga Spanish missionaries na nagpapalaganap ng pananampalatayang Katoliko.

"Du'n na-test yung faith niya kay God," paliwanag ni Rocco, "when he was faced with temptation, with lust, sex, women..."

Ipinakita raw sa kuwento ang pagiging "tao" ni Pedro Calungsod, na hindi iba sa karaniwan.

Pero kahit humarap siya sa tukso, hindi nasira ang pananampalataya ng binata.



REAL-LIFE RELATIONSHIP. Sa pelikula ay walang love interest si Rocco bilang Pedro Calungsod.

Ganito rin ba ang sitwasyon sa totoong buhay?

"Wala rin. Wala akong oras, e... ang dami kong ginagawa!" bahagyang natawa ang binatang aktor.

Ano na ba ang real score sa pagitan nila ng young Kapuso actress na si Lovi Poe?

Nangiti si Rocco. "We have a special relationship."

Bakit hindi "real special relationship"?

Sagot ni Rocco: "Why not? Pero..."

Bakit nga ba hindi?

Rocco explained: "We both know our priorities. At alam naming it has to be like this muna.

"Hindi naman kailangang magmadali; we have all the time in the world.

"So kung ganitong masaya kami, du'n na muna.

"Kasi, kung iri-risk naman namin yung friendship namin, over something na hindi naman matutuloy, sayang yung pagkakaibigan namin.

"I consider Lovi to be my closest friend talaga..."

At mutual ang feeling nila ni Lovi sa isa't isa; masaya ang aktres kapag nababanggit sa interviews niya si Rocco.

"I take it as a compliment, na ganon ang tingin niya sa akin.

"Actually, maraming instances na magkasama kami... nakakatuwa!" banggit pa ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN