Kiko Matos describes Mumbai Love leading lady Solenn Heussaff as an "example of elegance, intelligence and glamour”

Kiko Matos has Solenn Heussaff as his leading lady in romantic comedy Mumbai Love, which was shot in India.




Magkasama sina Kiko Matos at Solenn Heussaff bilang lead stars ng pelikulang Mumbai Love na ipalalabas na sa bandang January 2014.

Sa pamamagitan ng Facebook, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko. Nagbigay siya ng ilang detalye sa pelikulang ito na idinerehe ni Benito Bautista, na nakilala para sa kanyang award-winning film na Harana.

“Mga two weeks po kaming nag-shoot sa India, everyday po iyon for two weeks.

“Ako po yung lead sa Mumbai Love. Leading lady ko si Solenn,” panimulang saad ni Kiko

Ano ang role mo rito?

“I'm an Indian who contradicts his tradition in search of true love.

“Ito po ay isang feel-good romantic comedy film na iba din ang treatment, kasi directed ito by an award-winning director [Benito Bautista]. Confident po ako na hindi siya yung usual love story.”

Paano mo ide-describe si Solenn bilang leading lady?

“I would describe Solenn in the essence of professionalism and beauty. She is very easy to work with, I say that because at first I was so mesmerized and overwhelmed on the first days working with her.

“Beauty in a sense, that comes from the inside and out. She is beautiful in every way and every little thing that she does, including her habits, choice of words, and her perception of life.

“She's definitely one of a kind as a leading lady in this generation,” pahayag pa ng 23-year-old actor na unang napanood sa Cinemalaya entry na Babagwa.

From 1 to 10, paano mo ire-rate ang beauty ni Solenn?

“Eleven, Hahaha!” nakatawang pahayag niya.

“Iba po talaga si Solenn, e,” dugtong na sagot pa niya.

Would you say na si Solenn ay sexy na at maganda, talented pa?

“Not just sexy po, but very, very sexy talaga.

“She's very talented! She's not just a pretty face but an example of elegance, intelligence and glamour,” sabi pa niya tungkol kay Solenn.

Ayon pa kay Kiko, nag-enjoy siya sa pakikipagtrabaho sa Kapuso actress.

“Nag-enjoy akong katrabaho si Solenn. She's every guy’s dream girl and sobrang swerte ko po na maging leading man niya sa Mumbai Love at makatambal si Solenn Heussaff.”

Mayroong ba kayong kissing scene o love scene ni Solenn dito?

“Abangan na lang po natin ang pelikula at tignan natin kung meron ngang kissing scene.”

Mayroon ka bang foreign blood?

“Hindi naman po ako Indian pero lumaki po ako dito sa Pilipinas na napagkakamalan na Indian. Iyon ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para mag-audition sa lead role bilang taga-India.

“My father is a Portuguese from Lisbon, Portugal and my mother is a Kapampangan from Tarlac.”

Bakit Kiko Matos ang naisipan mong screen name?

“Kiko Matos po ay name ko talaga. Short for Francisco Matos.”

Inusisa rin ng PEP kay Kiko kung sa palagay niya ay mag-e-enjoy ang mga Pinoy sa pelikulang Mumbai Love.

“Opo! Tiyak na magugustuhan po ito ng mga kababayan natin. Ang istorya po ng movie namin ay isang love story, modern day romance, travel and culture…

“Kapag nag-travel ka sa isang foreign land na wala kang kakilala, wala kang alam tungkol sa bansa at munting salita nila ay hindi mo alam… ‘tapos ay napa-ibig ka. At oras na mangyari yun ay hindi mo pipigilan ang sarili mong ma-in love, you would give in to love.

“Mumbai Love is also a 'cross cultural film, modern day romantic comedy film' na kung saan idi-discuss ang co-existence ng kultura natin at ang kulturang Indian/Filipino. Maraming pangyayari rito sa pelikulang ito na hindi pa po napapanood sa Philippine cinema.

“Isa rin sa makikita rito ang buhay ng mga kababayan natin at kung paano sila natutulungan ng Indian community.

“Ang Mumbai Love po ay para sa lahat, bata, matanda, boyfriend and girlfriend, pang pamilya, at pang sports pa!” pabirong wika pa ni Kiko.


Nang itanong namin kung sino ang mga artistang pangarap niyang makatrabaho sa hinaharap, ito naman ang naging reply niya sa amin:

“Gusto ko pong makatrabaho ang mga batikan na aktor at aktress. Mula kay Anne Curtis hanggang kay Jericho Rosales, Eddie Garcia hanggang kay Nora Aunor, Christopher de Leon, Jessy Mendiola at marami pang iba. Gusto ko pong matuto sa kanila.

“Para sa akin po ay pangarap ko po talagang umarte at ‘pag napagbigyan po ako ng pagkakataon na umarte sa mainstream, kakagatin ko po. Ang indie naman po ay first love ko at hindi po ako mawawala sa independent cinema.”

Kung sakali, anong klaseng role ang gusto mo?

“Lahat po pwede! Gusto ko masubukan ang action, drama, and sexy. Ito pong Mumbai Love ay comedy na po, e.”

Ano ang kanyang dream role?

“Ang dream role ko po ay isang character na malayo po sa pagkatao ko.

“Gusto ko pong subukan na maging isang probinsiyano sa pelikula, na kapag nagsalita ay may punto. Gusto ko rin po maging tambay na kung magsalita naman ay parang lumaki sa kalye, na parang tipong astig na barumbado… ayun po.

“Interesado po ako sa mga klase ng roles na malayo sa pagkatao ko at itsura ko, at gagawin ko pong convincing ito at ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko lalo, sakaling mabigyan ng chance.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos maging bida sa Mumbai Love, ang next project ni Kiko ay isang pelikulang ididirek ni Ronnie Lazaro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN