Eugene Domingo on Sam Milby’s kiss: “Malapit-lapit doon sa pinto ng langit.”

Rodin (played by Sam Milby) offers to suck jellyfish poison from the leg of Kimmy (played by Eugene Domingo) in Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel.


Sa Plaza Ibarra sa Timog Avenue, Quezon City ginanap ang press conference ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel noong December 2. Ang last installment ng Kimmy Dora franchise ay isa sa 8 official entries para sa 39th Metro Manila Film Festival.

Iisa ang halos naging reaksiyon ng entertainment press nang tawagin na ang bida ng pelikula na si Eugene Domingo. Suot ang t-shirt na naka-tuck-in at isang fit na pantalon, kapansin-pansin na malaki na talaga ang ipinayat ni Uge (palayaw ni Eugene).

Halos lahat, iisa ang naging reaksiyon habang bumababa siya, “Ang payat na ni Uge.”

Pero nang tanungin na si Uge sa malaking ipinayat na niya, pabiro lang itong sumagot nang, “Kaya naman maganda ang pangangatawan ko ngayon, kasi, mahal ang girdle ko.”

Dagdag niya, marami raw fight scene sa Kimmy Dora kaya kinailangan din niyang mag-training para rito.

Nagkaroon daw siya ng tatlong araw na training ng Muay Thai at yung pang-mala-Bruce Lee effect na fight scene.

“Sam [Milby] and I, we had to rehearse on the set, kasi, pareho kaming busy. Everybody was patience, waiting for me to learn the fight scene. Kung hindi magaling si Sam Milby sa action, siguro hindi ko maitatawid. Ngayon ko lang na-realize na si Sam Milby ay hindi lang pala pogi, marami siyang kayang gawin.

“Lalo na ang fight scene.

“Sa tingin ko, siya lang ang kayang sumipa ng ganoon kataas na hindi siya napapagod. But you will know more about the fight scene when you see the movie.”

Nakikiusap naman si Uge na kung puwede raw, i-share ang trailer ng pelikula nila sa mga social networking sites tulad ng Facebook at Twitter dahil wala raw silang TV network na maaaring paglabasan ng trailer.

Aniya, “Please share our trailer. The truth is, wala kaming masyadong TV spot. And the best way to promote a movie is, of course, by showing your trailer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabuti na lang, may social network. Please, please share our trailer.”

ON WORKING WITH SAM MILBY. Unang beses na maka-pareha ni Uge si Sam sa Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, na isinulat at idinirehe ni Chris Martinez.

Pero nakasama rin daw niya dati sa pelikula si Sam sa You’re The One (2006).

Kamusta katrabaho si Sam ngayon?

“He’s very hardworking, he’s very friendly at saka, every day, he studies Tagalog. Meron siyang mga tongue twisters, nakakabilib.

“At saka, akala mo, malakas ang dating niya, pero, mahiyain siya. Mahiyain pa siya niyan ha. At saka, parang marami pa siyang gustong ma-achieve bilang artista na okay lang naman kasi, bata pa siya.”



COMPARISON WITH DINGDONG AND ZANJOE. Naitanong rin si Uge kung paano niya ikukumpara si Sam sa dalawa niyang naunang leading men na sina Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes.

Ayon kay Uge, “Mas nauna si Zanjoe at saka si Dingdong kay Sam. Hindi mo sila maiko-compare. Meron silang similarities, lahat sila, nakakatawa. On and off [cam] kaya lang, palagi silang nabibigyan ng drama.

“Well, in fact, they are really funny in real-life. Just like Joel Torre [isa ring cast member ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel].

“Si Joel Torre, palagi siyang nabibigyan ng drama but he’s really funny in real life. So, yung mga nakikita niyong magaling mag-drama, mas nakakatawa sila sa totoong buhay.”

Dugtong pa niya, “And I’m really lucky to have Sam Milby for third and last installment ng Kimmy Dora kasi, he’s the perfect actor for the role.”

Sa trailer, may nakitang kissing scene sina Uge at Sam.

Marami ba silang kissing scene ng bago niyang leading man?

“Alam niyo, hindi naman talaga kami love team dito. Wala namang love team-love team sa istoryang ito. Pero, I can say, the best kiss ever is from Sam.

“‘Di ba, ang dami ko ng na-kiss, pero, sa lips. Masarap pala dito, o, sa legs. Malapit-lapit doon sa pinto ng langit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro pa niya, “Aba, take three, take three. Kasi, may kailangan siyang sipsipin. The best! Thank you Direk!”

Sinasabi ba niya sa mga past leading men niya, si Sam na ang “the best”?

“Wala, wala akong sinasabi na the best ang halik nila, dini-describe ko lang. Ito talaga, the best.”

Sa naturang trailer, makikita na nasa beach ang mga karakter nina Uge at Sam. Ayon kay Kimmy (played by Uge), mayroong jellyfish na nag-sting sa kanya kung kaya’t nag-offer si Rodin (played by Sam) na sipsipin ang poison mula sa kaliwang binti niya.



BEST INSTALLMENT OF KIMMY DORA. Para kay Uge, kahit dalawang Kimmy Dora na ang naunang napanood ng mga tao at pareho namang naging malakas sa takilya, naniniwala itong ang prequel nila ngayon ang pinaka-magandang instalmentng naturang franchise.

“I think this is the best Kimmy Dora,” saad ni Uge.

“Pagdating sa istorya, the challenge is, prequel siya. Papaano pa natin [pahahabain] ang isang istorya na kilalang-kilala na ng audience ang one and two. It’s very interesting to know na meron pa pala siyang istorya behind the two stories na napanood nila.

“Number two, magandang-maganda ang kanyang filmmaking. May bago siyang ini-introduce na craftsmanship. We used Modula, motion-controlled camera. This camera is very sophisticated camera kunsaan it’s very necessary para makapag-shoot ka ng kambal and we were dependent on the counting.

“It’s hard, pero kapag napanood mo ang pelikula siguro sa Hollywood or mas advance technology sa kahit anong bansa sa Asia and I’m very much proud of that because, pinush talaga ni Direk Chris Martinez that we use that camera called Modula na ang meron lang sa Pilipinas ay Unitel.

“So, with that, I can say na this is the best Kimmy Dora. If you don’t agree with me, I will not make another movie again.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon lang nila nilaban sa MMFF ang Kimmy Dora.

Gaano sila ka-confident na lalaban nga ng husto sa iba pang mga entry ng MMFF ang Kimmy Dora?

“Baka hindi naman talaga lalaban ang tamang term. Pero, kumbaga, we’re just taking advantage of the fact na every Christmas, December 25, puro Tagalog movies lang ang pinapalabas. So, napakalaking chance na kasama ka sa papasukin.

“Hindi ba, pagkatapos mong kumuha ng aginaldo, tatlong pelikula ang pinapanood nila. Meron silang top 1, top 2, top 3, ganyan. Ang pinapanalagin ko, sana, kasama kami sa top 1, top 2, top 3 at saka, matagal ang run namin.

“This is a movie na beautifully made by Chris Martinez. It deserves to be seen. Gusto ko siyang makita ng lahat ng tao. At gusto ko lang dagdagan, kasi, puro puri naman lahat sa amin. Nakakahiya naman. Hindi naman po porke’t award-winning, e, anak ka na ng Diyos pagdating sa pag-acting.

“Naku, table-tabla lang kami pagdating sa puyatan. Kahit siguro baguhan o beterano, tabla-tabla lang. Pagdating ng alas-dos, nakalimutan mo ang dialogue mo, ako rin, nakalimutan ko. So, I think, an actor can only do so much.

“We still need a beautiful material and a very good director.”

At dahil pangatlong Kimmy Dora na niya ito, ang tanong nga kay Uge, mas tumaas na raw ba ang talent fee nito ngayon.

“Hindi po,” natatawang sagot niya.

“Hindi po talaga. Sa tingin ko, ang artista, ang bread and butter is doing soap [opera] kasi, three times a week ‘yan. E, hindi po ako nakakagawa ng soap.

“Sa totoo lang, matipid lang ako kaya hindi nauubos ang iniipon ko. So, tama lang naman po sa pang-araw-araw kong gastusin ang kinikita ko.”

Kamakailan, nanalo si Uge bilang Best Actress sa Japan para sa drama film na Barber’s Tales.


(Read: Eugene Domingo named Best Actress in 26th Tokyo International Film Festival for Barber's Tales)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


May mga naniniwala na posible siyang manalo muli bilang Best Actress sa MMFF.

Nae-excite pa rin ba siya kung sakali at manalo nga siya ngayon sa festival?

“Sa totoo lang, ang sarap-sarap manalo sa Metro Manila Film Festival kasi, may cash.

“Sa totoo lang, oo! Kapag Best Actress yata, P100,000. Kapag present ka sa awarding at present ka sa dinner. Kapag absent ka sa awarding, fifty percent lang ang ibibigay.

“So, present po ako. Ina-announce ko na.

“At doon sa kung mananalo ako, wala naman yatang kuwenta kung iisipin ko kung mananalo ako o hindi. Kasi, meron namang jury para riyan, sila na lang ang mag-isip, ‘di ba? Tapos, gusto ko sana talagang mangyari, bukod doon sa mananalo ng kung ano-ano ay talagang maraming-maraming manood, una sa lahat, yun muna.”

Mas nae-excite ba siya dahil may cash at hindi dahil sa trophy na puwede niyang matanggap?

“A, a, oo, e!” sabi ni Uge na ikinatawa ng lahat sa press conference.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN