Vice Ganda considered getting breast implants for movie role

For the Metro Manila Film Fest entry Girl Boy Bakla Tomboy, Vice Ganda considered getting breast implants for his Girl character but director Wenn Deramas discouraged him. The comedian also wanted to bulk up for his Boy character but Direk Wenn said there wouldn't be enough time to reach his goal.



Apat ang karakter na ginagampanan ni Vice Ganda sa pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy, ang entry ng Star Cinema at Viva Films sa 39th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa apat na katauhan niya, aminado si Vice na sa karakter ng tomboy siya pinaka nahirapan.

“Mas nahirapan ako sa tomboy.

“Kasi may tendency siya na magkapareho yung acting ng tomboy at saka lalaki.

“Kapag tinigasan ko siya, maaaring magkapareho ang tomboy at lalaki.

“Kaya kailangang ma-differentiate or mabigyan ko ng linya yung pagkakaiba ng dalawang character.”



BREAST IMPLANTS FOR VICE? Kung nahirapan naman daw si Vice sa lalaki/tomboy, pinaka-paborito naman niya ang girl na karakter niya.

Aniya, “Favorite ko yung girl kasi siyempre, dream ko maging ganoon kaya excited ako.

“Kapag kukunan ng eksena ang girl, kapag magba-blond na ako, magbu-boobs na ko, pinaka-favorite ko ang girl.”

Naisip din ni Vice na sa halip na maglagay ng pekeng boobs, magpapalagay na lang daw siya ng totoo (breast implants) para sa Girl na karakter niya, pero pinigilan daw siya ni Direk Wenn Deramas.

Kuwento ni Vice, “Sabi ko nga, tapusin muna natin lahat ng eksena ng babae para totoo yung dede, papalagay ako.

“Tapos, madali lang naman yun, puwede namang tanggalin anytime mo gusto.

“E, ayaw niya. Sabi niya, ‘’Wag na, magkasakit ka pa riyan.’ E, gusto ko.

“Gusto ko pa nga sa lalaki, kapag kinunan ang lalaki, gusto kong magpalaki ng katawan para lalaki talaga.

“Sabi niya, maganda ‘yang pina-plano mo, pero hindi ‘yan kaya ng panahon."

Biro pa ni Vice: “Sa bakla, gusto ko sanang patanggal muna ng bird, then, palagay na lang ulit.

“E, ayaw niya, hinarang niya lahat ng plano ko.”


Nang tanungin si Vice kung sino ang "peg" niya para sa Girl character niya, inamin niya na ino-obserbahan niya si Ruffa Gutierrez, na co-star rin niya sa MMFF entry na ito.


Ani Vice, “Si Ruffa po, pinapanood ko po—oo lagi. Kung O.A. [overacting] na si Ruffa, mas O.A. na O.A. na Ruffa pa ang ginawa ko.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Girl Boy Bakla Tomboy ayistorya ng mga quadruplets na ipinaghiwalay sa isa’t-isa noong sila ay mga sanggol pa lamang.


Dalawa sa magkakapatid, ang Team Girl-Boy, ay lumipad sa Amerika kasama ang kanilang ama habang ang dalawa naman, ang Team Bakla-Tomboy, ay naiwan sa Pilipinas kasama ang kanilang ina.

Magsisimula ang problema nang madiskubre ng magkapatid na naka-base sa Amerika na isa sa kanila, ang lalaking kapatid ay may sakit sa atay at kailangang mag-undergo ng transplant. Malalaman din nila may mga kapatid sila sa Pilipinas na maaring may liver na mag-mamatch sa kapatid nilag may sakit. Mapipilitan silang umuwi ng Pilipinas at mag-reconnect sa kanilang mga kapatid at ina.

Maghaharap-harap ang Team Girl-Boy and Team Bakla-Tomboy sa kauna-unahang pagkakataon at dito na magsisimula ang mga kakatwang eksena na maaaring bumuo sa kanilang nasirang pamilya.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN