Pagpag Director Frasco Mortiz on Daniel Padilla: "Naha-handle naman niya yung kasikatan nang tama."

Director Frasco Mortiz is all praises for Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, the lead stars of the Metro Manila Film Fest entry Pagpag: Siyam na Buhay.


Si Frasco Mortiz ang direktor ng Pagpag: Siyam na Buhay, ang official entry ng Star Cinema at Regal Entertainment Inc. sa 39th Metro Manila Film Festival.

Bida sa Pagpag ang loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nasubaybayan ni Frasco ang transformation ni Kathryn dahil nakatrabaho niya ito noon sa Goin' Bulilit ng ABS-CBN. Natutuwa ang direktor ng Pagpag at Goin' Bulilit dahil hindi nagbago ang ugali ni Kathryn.


“First time na nakasama ko si Kathryn Bernardo after Goin' Bulilit. Andoon na naman yung weird feeling after maka-work ko noon si Julia Montes sa Reunion, si Kat naman ngayon.


“Talagang iba yung feeling na idirek mo siya ngayon, iba yung material, tapos may konting kilig factor sila ni Daniel kasi huli ko siyang nakatrabaho. Nine years pa lang siya. Pa-graduate pa lang siya noon sa Goin' Bulilit, so ibang-iba.


“Nakita ko siya na nag-grow as an actress. Very happy ako for her kasi talagang siya yung tipo ng artista na natutuwa ako. At her young age, parang alam niya yung ginagawa niya. Nag-aaral siya ng college ngayon, hindi niya pinababayaan ang studies niya.


“Natutuwa ako kasi yung mga pangaral namin before noong mga bata sila na huwag kayong magkaka-attitude, huwag lalaki ang ulo ninyo kapag sumikat na kayo, kahit papaano at least ganoon siya. Nagbunga rin pala yung mga pangaral namin noong mga bata pa sila."



ON WORKING WITH DANIEL. Pagpapatuloy naman ni Direk Frasco tungkol sa lead actor, "Si Daniel naman, first time ko siya na nakatrabaho. Siyempre, kinakabahan ako dahil hindi ko pa siya nakaka-work before. Hindi ko alam kung paano ba siya, yung pagka-bad boy image niya, ganoon ba rin in real life pero nang na-meet ko siya, kalog, maloko rin.


“Hindi naman kasi ako direktor na nag-i-impose sa mga acting nila. Hindi ako actor’s director na ganito yung gawin mo, gayahin mo ako. Hinahayaan ko sila na gawin kung papano nila i-aatake ang role. Nagti-tweak na lang kami kung feeling ko hindi babagay doon sa karakter.


“Saka si Daniel, parang ini-enjoy niya kung ano ang meron siya ngayon. Natutuwa ako kasi kung sa ibang bata siguro, baka talagang nag-out of control na. Talagang biglang sobrang sikat.


“Nu’ng nakita ko siya, naha-handle naman niya yung kasikatan nang tama. Siyempre with proper guidance pa ’yan kasi ilang taon na ba si DJ? At his age, sobrang bilis ng pagsikat niya.


“First shooting day namin, yung eksena sa Dangwa, hindi namin natapos kasi hindi kinaya ng crowd control yung mga tao dahil inabutan na kami ng afternoon, uwian ng mga estudyante. Wala, patay na kapag gumalaw kami, kahit saan kami mag-pan, talagang may mga tao, may tilian, may mga nagpupumilit pumasok so wala kang anggulo na walang tao na makikita.


“Nandaya kami ng part sa ibang lugar na lumusot naman—the magic of moviemaking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikita ko naman sobrang gentleman si DJ. Nang makita ko nga, action star na action star. Alam mo yung action star na treatment sa leading lady? Ganoon. Ito pala yung nakikita ng girls kay Daniel.

“Ibang-iba, kumbaga, lalakeng-lalake siya. Hindi mo makikita na, hindi sa inaano ko yung ibang mga hunk actors natin pero siya yung tipong, feeling ko, hindi mo makikitang naka-brief sa billboard. Cool lang siya.



BIG CHALLENGES. Ano ang mga challenges ng pag-direk ng MMFF entry na ito?


"Nu’ng in-offer sa akin ang project, nu’ng sinabi nila na MMFF, sabi ko, naku po, parang ang laking burden agad. Yung expectations kapag filmfest, gusto nila, malaki yung kitain, marami ang manood.


“Saka ang challenge doon, horror siya pero dapat makagawa ako ng isang horror movie na puwede for everybody. As much as possible, PG [parental guidance] siya. Nalilimitahan ka sa puwede mong ipakita.


“Siyempre, yung kuwento may mga namamatay. So yung challenge, naka-cross fingers kami palagi na sana kapag napanood ng management okey sa kanila. Hindi katatakutan na baka [magkaroon ng problema] sa MTRCB [Movie and Television Review and Classification Board].


“Dumagdag pa doon, noong in-offer, KathNiel, e, hindi pa sila pumapayag. Nang pumirma na sila, ‘yon pangalawang challenge na naman na sana hindi ko ma-disappoint ang fans nila kasi hindi siya romantic movie.


“Sana matanggap ng fans yung ganoong klase ng chemistry ng dalawa. Hindi siya kilig movie. Sana magustuhan nila kasi si DJ [nickname of Daniel] din, very active, may mga action scene siya, may mga habulan.


“Si Kathryn, ngayon lang ulit siya makikita in a horror movie na talagang ganito kalaki. Hopeful ako na matatanggap ng fans. Every shooting namin, may mga grupo sila ng fans na nandoon. Natutuwa naman sila.


“Sinasabi nila na ‘Direk, okay yung materyal para maiba naman.’


“May conscious effort din kami na lumayo sa kilig dahil yun na ang ibinibigay ng Got to Believe everyday.


"Ang lakas-lakas ng loveteam nila kaya may effort kami na ilayo natin nang konti para iba naman yung mapanood sa pelikula. Hindi yung nakikita sa TV.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN