ER Ejercito says about Boy Golden leading lady:"Malaki ang laban ni KC [Concepcion] sa best actress award!"

ER Ejercito brings life to Arturo Porcuna (a.k.a. Boy Golden) in the Metro Manila Film Fest entry Boy Golden: Shoot-To-Kill. KC Concepcion is cast as Maria Dee, the wife of Boy Golden. To access PEP’s microsite on the 39th MMFF, CLICK HERE.



Sa ikatlong pagkakataon ay gumaganap si ER Ejercito sa papel o karakter na hango sa totoong buhay, bilang si Arturo Porcuna, a notorious criminal in the '50s and early 60's.

Noong 2011, gumanap na dati si ER ng gangster sa MMFF entry na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story at Presidente naman ng Pilipinas ang ginampanan niya sa El Presidente: The General Emilio Aguinaldo Story (2012).

Ngayong 2013, isang gangster ang muling bibigyang buhay ni ER.

Sa ilalim ng direksiyon ni Chito Rono, ang Boy Golden: Shoot-To-Kill ay official entry sa 39th Metro Manila Film Festival.

ER, who is Laguna Governor Jeorge Estregan Jr., is once again inspired to tackle the true-to-life role of Arturo Porcuna a.k.a. Boy Golden.

Naipakita na ang biopic na ito sa pamamagitan ng markadong pagganap ng mga yumaong aktor na sina Lou Salvador Jr. in the '60s, and Rudy Fernandez in the '70s.

Tulad ng nabanggit, si Arturo Porcuna na nakilala sa "alyas" nitong Boy Golden, ay high-profile crime leader noong 1950's. Naging kaaway siya ng batas dahil sa kanyang mga nagawang paglabag and nagkaroon ng "shoot-to-kill" order para sa kanya mula sa Philippine Constabulary-Criminal Investigation Service (PC-CIS).

Boy Golden was shot to death on December 24, 1963.

Limampung taon na ang nakalipas mula noon. Bakit napiling isabuhay ni ER ang kuwento ni Boy Golden?

"Hindi siya nakilala ng new generation," sabi ni ER sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tulad sa naunang kuwento ni Asiong Salonga, ang "Crime does not pay" adage holds true and magandang leksiyon ito para sa lahat kaya raw mahalaga ang pagsasa-pelikula ng kuwento ni Boy Golden.

"Ang mabuhay sa baril, sa baril din mamamatay," pagtukoy pa ng aktor at gobernador, sa kinasapitan ng pangunahing karakter na kanyang ginagampanan.

Ayon sa mga news reports na na-publish sa mga leading broadsheets noong early '60s, tulad ng The Manila Times at The Manila Chronicle, si Arturo Porcuna ay namatay sa kamay ng pitong assasins na sina: Antonio Razon, Reynaldo Sebastian, Maximiano "Mianong" Magat, Eddie Luz, alyas Archie (anak ng dating Mayor ng Lipa City); Juanito "Boy" Soriano (anak ng dating Cabanatuan City Judge); Bobby Ner (alyas Pirate), at Arthur de Leon.

Sa pelikula, hindi tahasang in-identify ang mga pagkatao ng naulat na mga salarin.

"Ginamit namin ang mga apelyido, to protect the interests of their respective kins and other relatives," ani ER.

Maging ang abugado ni Boy Golden na si Atty. Sagalongo ay kasamang pinaslang.

Atty.Sagalongo is portrayed in the biopic by multi-awarded veteran actor Eddie Garcia.

May kaparehang veteran actress si Eddie—si Gloria Sevilla—na gumaganap bilang isang female gangster, na mahilig mag-ballroom dancing.

Ang iba pang aktor na may mga mahalagang papel sa obra ay sina: Tonton Gutierrez bilang Philippine Constabulary-Criminal Investigation Service (PC-CIS) Officer Col. Maristela; John Estrada as Tony Razon; Baron Geisler alyas "Albayno" (isang anak-araw) kaya ginamitan ng special body/facial make-up). Sina Jhong Hilario at Leo Martinez ay kasama rin sa pelikula.

Ang asawa ni Boy Golden na si Maria Dee ay ginagampanan ni KC Concepcion.

Nasa Manila Chronicle files ang larawan ni Dee, na hysterical noong gabing napatay ang kanyang asawa.

"Malaki ang laban ni KC sa best actress award!" sambit pa ni ER. "Sulit itong project para sa kanya."

Tatlong magkakasunod na taon na may malalaking entry sa MMFF si ER. Ang dalawa dito, ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2011) at El Presidente (2012), ay nagwaging best picture at best director.

Pero nabigo naman si ER na masungkit ang Best Actor awards (na napunta kay Dingdong Dantes).

"Ayoko nang umasa sa awards!" pahayag ni ER.

Gayunman, masaya ang actor-politician sa pagwawagi ng dalawa niyang naunang pelikula sa iba't ibang kategorya sa MMFF at iba pang award-giving groups tulad ng PASADO, Gawad Tanglaw, FAMAS, Film Academy of the Philippines-Luna Awards, at Star Awards for Movies.

"Nanalo kami ng 42 awards for Asiong Salonga; 44 awards for El Presidente...sabi ko kay Chito Roño [the director of Boy Golden], 'Give us 50 awards!'"

Ano naman ang reaksiyon ni Direk Chito?

Natawa naman daw sa pagbibiro ni ER ang veteran filmmaker. "'Na-pressure naman ako!'" reaksiyon daw ni Chito Rono, kuwento ni ER.

Bakit si Chito Roño ang napiling magdirek ng Boy Golden: Shoot-To-Kill?

"Okay si Chito... napanood ko ang mga pelikula niya, tulad ng Dekada '70 [2002] at Yamashita [The Tiger's Treasure, 2001].

Ang parehong pelikula ay MMFF award-winning entries.

Going back to his leading lady, KC Concepcion, nabanggit din ni ER sa interview na walang ibang young actress na nai-consider para sa papel ng wife ni Boy Golden.

"Sa meeting pa lang, nag-crop up na ang pangalan niya... si KC talaga ang kinunsider," sabi pa ni ER.

Bilang katuwang ng notorious crime leader, ang karakter ni KC ay sasabak din sa mga bakbakan, doing martial arts at hahawak ng high-powered guns.

Nagsanay raw si KC sa mga maaaksiyong eksena ng

pelikula.

Bukod do'n, marami ring maiinit na tagpo si KC bilang kapareha ni ER.

Napapayag nga ba talaga ang actress-mom ni KC na si Sharon Cuneta na gawin ng kanyang unica hija ang mga ginawa nito sa Boy Golden biopic?

"Hindi pa niya [Sharon] alam... sorpresa 'yon," birong sambit uli ni ER.

Meanwhile, pabor naman daw at may "go signal" ni Pagsanjan, Laguna Mayor Maita Sanchez-Ejercito ang pakikipag-niig ng kanyang actor-politician husband sa bago nitong leading lady.

"Trabaho lang," nangingiting sambit pa ni ER.

In the same way na mayroon din siyang "intimate scenes" with former leading ladies, like Carla Abellana in Asiong Salonga at Cristine Reyes in El Presidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN