Piolo Pascual and Rhian Ramos to be paired in romance thriller Silong

by Mell T. Navarro
Jan 2, 2014
Now it can be told. ABS-CBN actor Piolo Pascual teams up for the first time with GMA Network actress Rhian Ramos in an upcoming romance thriller titled Silong.
Last year, tahimik na tinapos i-shoot ang buong pelikula ng unang tambalan nina Piolo at Rhian, dahil ayaw pa itong i-announce publicly ng mga producers ang naturang proyekto.
Si Piolo rin mismo ang isa sa executive producers, along with Angelo Santos, at producer si Darlene Catly Malimas (producer rin ng Aparisyon, a Cinemalaya 2012 entry starring Mylene Dizon at Jodi Sta Maria).

Kahapon, January 1, New Year's Day, ay nagbigay na ng go signal sa Philippine Entertainment Portal (PEP) ang produksiyon upang i-anunsiyo ito sa publiko.



Rhian Ramos and Piolo Pascual

Ang Silong ay debut film din as full length film director ni Jeffrey Hidalgo, with Roy Sevilla Ho as co-director. Si Jeffrey ay nakilala bilang member ng Smokey Mountain singing group.
Sinubukan ni Jeffrey na isali ang isa pa niyang proyekto (a musical film) ngunit hindi ito nakapasok sa isang local film fest.
May naunang tweet na raw kasi si Rhian tungkol sa proyekto, kaya pumayag na silang i-announce publicly ang balitang ito na wala talagang nakapagsulat among the press, kahit alam ng author na ito ang mga detalye. Pero dahil sa pakiusap ng production, thru Direk Jeffrey, ay hindi namin pinangunahan.
Isa ito sa mga proyekto ni Piolo for 2014, matapos mapanood sa successful film niyang OTJ (On The Job) last year with Gerald Anderson and Joel Torre.

Nakatakda ring mapanood si Piolo sa isang movie with Toni Gonzaga titled Starting Over Again.
Narito naman ang logline ng Silong: “A widowed country doctor rescues a badly beaten woman and struggles with finding love again after the death of his wife.”
Magkaiba man ng mother studio, at least, in one movie project ay magkakasama sina Piolo at Rhian.
Kasama rin sa cast sina Angel Jacob at Guji Lorenzana. Debut film din ito ni Raymond Concepcion na ama ni Sam Concepcion.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Read More Stories About
Piolo Pascual, Rhian Ramos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results