Sarah Lahbati did not have any complaints using a harness in suspense-thriller Basement

Sarah Lahbati (left), Louise delos Reyes (right), and other Kapuso stars topbill Basement, which is currently being screened in cinemas.




Ayon kay Direk Topel Lee, mga walong full-length movies na ang nagagawa niya para sa GMA Films.

Kasalukuyang ipinapalabas ang horror film niya na Basement.

Bago ang Basement, idinerehe niya ang Amorosa na tulad ng Basement ay isa ring pelikula ng katatakutan.

“Suspense-thiller,” ang deskripsyon ni Direk Topel sa Basement.

(To learn more about Basement, CLICK HERE)

“Actually one year in the making, ang tagal na, last August 2012 pa namin na-shoot ito.

“The story is parang, it’s a one set-up thiller, na sa isang basement na ang nangyari is that during a typhoon, nagkaroon ng emergency shut-down yung mall, pinasara for some reason, and then may mga na-trap na mga shoppers tapos hindi nila alam may kasama silang na-trap na isang creature,” kuwento ni Direk Topel nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng naturang pelikula.

"Mythical creature siya ng Pilipinas, mala-aswang.”

Star-studded ang naturang pelikula na tatampukan nina Louise Delos Reyes, Enzo Pineda, Kristoffer Martin, Sarah Lahbati, Kevin Santos, Ellen Adarna, Jan Manual, Betong Sumaya, Dion Ignacio, Dex Quindoza at si Mona Louise Rey.

May guest role naman sa pelikula si Aljur Abrenica.

Inamin ni Direk Topel, sa schedules ng kanyang mga artista siya nahirapan kaya natagalan ang pagtatapos ng pelikula.

“Dun kami nagtagal, because the matching of the schedule ng mga actors, halos lahat sila may soap, e. So ang hirap pagtagpuin ang mga skeds nila so we try to compromise some of the scenes, parang pinagpapaliban namin ito, ito muna.”

Paano niya nagawang balansehin ang exposure ng mga artista sa pelikula?

“Originally naman we base it on the script kung ano talaga yung takbo ng story. It was this parang person, this woman who fought the creature, si Louise ito.”

Si Louise ba ang bida sa pelikula?

“Hindi naman, may tulong sila nina Kristoffer Martin at Sarah Lahbati.”

Matagal na raw natapos ni Sarah ang mga eksena nito sa Basement, bago pa umalis ng bansa si Sarah.

“Wala na, before the incident na nangyari sa kanya, natapos naman na namin.”

Hindi raw siya naka-encounter ng kahit na anong problema habang nagsu-shooting si Sarah.

“Wala naman.”

Sa Indio noon ay nagkaroon ng isyu na ayaw diumano ni Sarah na mag-harness sa isang eksena, pero sa Basement ay walang naranasang ganitong problema si Direk Topel.

“Hinarness namin siya [sa Basement], hindi naman siya nagreklamo. I think that was maagang-maaga siguro kaya game pa siya, hindi siya nahirapan. Energetic pa siya.”

Sa tingin ba niya ay makakaapekto sa outcome sa takilya ng Basement ang mga kontrobersiyang pinagdaanan ni Sarah?

“Puwede ring makatulong, sana makatulong,” at tumawa si direk Topel.

“Actually I think it’s the story really that will pull the movie, for the viewers to watch the movie.”

Sa mga artista sa Basement, sino ang masasabi niyang nag-stand-out?

“I think for me si Louise talaga, e. And also Kristoffer who really showed different types of, parang hindi ko na-predict yung acting nila, malawak pala.

“At first I would tell them lang na, ‘Natatakot ka dito,’ but they would improvise. So natutuwa ako kasi si Louise talaga...sobrang galawgaw niya e, she’d walk, run and then suddenly biglang iiyak.

“Takot kung takot.

“Si Kristoffer naman, sa script kasi, minor lang yung role pero he kinda showed ano e, parang nag-stand out siya because of his acting, e.”

Mahusay namang child actress si Mona Louise, lalo bang napiga ni Direk Topel ang pag-arte ng bata sa pelikula?

“Yes magaling, magaling! Dito nakuha ko yung emotion niya ng pagiging takot.”

Bakit nalilinya si direk Topel sa horror films?

“I think because effective siguro ako dun sa pananakot. Kasi matatakutin ako so kung ano yung, kung saan ako natatakot, iyon ang ginagawa ko. It worked to my advantage, defnitely.

“Kasi iyon nga, mag-blackout lang medyo natatakot na ako ng ganyan, so in-implement ko dito, nagkaroon ako ng blackout scene, mga ganun. Effective naman so far.”

Hindi naman raw siya nahihirapan na mag-shoot ng mga ganoong klase ng eksena kahit natatakot siya.

“Pag maraming tao kasi. Kung ako lang siguro hindi ko kaya,” at muling tumawa si Direk Topel. “Baka pass muna ako.

“Pero when shooting naman, I feel safe and hindi ako natatakot.

“During the ano lang, alone time, pag mag-isa lang siguro sa kuwarto.”

Ano ang dream project si Direk Topel?

“I’m working on some scripts right now and I wanted to do, this is a personal movie na medyo close sa akin kasi nga I had a kidney transplant so I’m working on a parang medyo may pagka-drama and action type of movie.”

Sino ang mga artista na gusto niyang isama sa kanyang dream movie?

“Madami. I’ve wanted to work with Dingdong Dantes, hindi ko pa nakakatrabaho si Dingdong.

“Because he’s a good friend of mine din tapos nakita ko yung mga works niya, maganda.

“And also si John Lloyd [Cruz] din, which for me I’m happy kasi si Direk Erik Matti is a close friend of mine and kasama ako sa Reality Films.

“He’s doing a lot of things now like, even doing a John Lloyd movie na action.

“Sa babae naman actually nakatrabaho ko na halos lahat ng mga okay na babae which is like si Judy Ann [Santos], sina Iza [Calzado], si Rhian [Ramos], si Jolina [Magdangal].”

Nakatrabaho ni Direk Topel ang mga nabanggit na aktres sa pelikulang Ouija.

Hindi pa rin daw niya nakakatrabaho si Marian Rivera.

“I wanna work with her. Actually I’d love to work with Dingdong and Marian.

“Siguro isa pang babae siguro si Anne Curtis. Kasi right now I feel like she’s doing one, parang isang structure lang ng genre ang ginagawa niya so baka puwede ring gawan ng isang genre.

“Si Piolo [Pascual] naka-work ko na pero sa movie hindi ko pa siya naka-work so I want to work with Piolo. Sa commercials naka-work ko si Piolo so sabi ko, ‘Piolo, gawa tayo ng pelikula,’ and he said naman, ‘Sige, Direk!’

“He’s willing din. If a find a good script daw, I can show it to him.”

Freelancer si Direk Topel, at si Dondon Monteverde ang manager niya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN