Kim Chiu to portray a "very aggressive" woman onscreen; says, "Ako yung halik ng halik at yakap ng yakap kay [Xian Lim]."



Matapos mapanood sina Kim Chiu at Xian Lim sa blockbuster movie na Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo, mapapanood muli ang KimXi tandem sa isang romantic comedy.

Sa first quarter ng 2014 ay muling magtatambal ang dalawa sa pelikulang Bride For Rent na handog ng Star Cinema. Ito ay idinirehe ni Mae Czarina Cruz na ang pinakahuling pelikula ay ang Dingdong Dantes-Bea Alonzo starrer na She’s The One.

Isang "very aggressive" Kim Chiu ang makikita kapag ipinalabas ang Bride For Rent sa mga sinehan simula January 15, 2013.

Ang Bride for Rent ay tungkol sa love story nina Rocco Espiritu (Xian) at Rocky Dela Cruz (Kim) na parehong desperadong nangangailangan ng pera.

Kailangang magpakasal ni Rocco upang makuha niya ang kanyang malaking mana habang si Rocky naman ay nangngailangan din ng pera pambayad sa renta ng kanilang inuupahang bahay. Makikipag sabwatan si Rocco kay Rocky na papayag na magpanggap na asawa ni Rocco kapalit ang malaking “talent fee.”

Makakasama nina Xian at Kim sa pelikula ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales, Dennis Padilla, Matt Evans, Martin Del Rosario at Empoy. Sa January 7 press conference ng Bride For Rent na ginanap sa Dolphy Theater, nakapanayam ng press sina Kim, Xian at Direk Mae tungkol sa pelikula at ito ang kanilang pahayag:


Kim: “Ako rito si Rocky Dela Cruz, bread winner siya ng pamilya, lahat gagawin para sa pamilya, as in nagta-talent siya, papasukin niya lahat ng klase ng trabaho, nag au-audition siya at gusto niya makakuha ng isang major role.

"At ang magiging major role ko nga ay yung maging bride ni Rocco na very aggressive, nakita niyo naman trailer na ako yung halik ng halik at yakap ng yakap kay Rocco [Xian] kasi yun ang karakter ko rito, kakaiba talaga at very funny si Rocky.”


Paano ka naka relate sa karakter ni Rocky in real life?

Kim: “Siguro yung pagiging bread winner ko sa family, tulad ni Rocky na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Pinapasok niya ang lahat para sa pamilya, kahit kalimutan niya ang sarili niya para sa pamilya.”


Sino ang peg mo sa karakter mo rito being Rocky? May pinaggayahan ka bang artista or personalities para magampanan mo ng maganda ang role mo?

Kim: “Wala naman po! Siguro yung mga bakla. Di ba, yung mga bakla funny! So lately ino observe ko yung mga baklang nakapaligid sa akin. Yung wardrobe namin, si Becky, si ganyan…lahat kasi bakla. Yung mga tao sa set ang sarap kasama, lalo na yung mga gay friends, kasi tatawa ka lang ng tatawa, kahit ang dami mo nang problema. Tapos kapag araw araw na kayong magkakasama, feeling ko pumapasok na sa kin ang pagiging bakla, yan nga at nadala ko na rito sa pelikula.”


Masasabi mo bang sobra kang na-challenge sa karakter mo sa pelikula mong ito?

Kim: “Opo, sobra! Kasi alam naman po natin na yung mga roles ko dati. Iyak iyak, inaapi, kawawa, drama, pamilya, iniwan ng nanay, iniwan ng tatay, nasunog ang bahay, pinalayas, ginawang katulong, dito iba naman. To offer something different this 2014. Matapos ang kalungkutan ng 2013, buksan natin ang 2014 na punung puno ng kasiyahan, tawanan at sabay sabay tayong ma-in-love sa pelikula naming ito.”


Natanong din si Xian kung ano ang role niya sa Bride For Rent at kung paano siya naka-relate sa kanyang karakter at ito ang kanyang sagot:

Xian: “Kakaiba yung role ko rito being Rocco, someone I can relate, being a spoiled brat, and only child, para lahat ng gusto ko at gusto kong makuha. Lalabas ang pagiging komedyante ko rito."

Parang nakita namin sa trailer na si Kim ang very aggressive sa movie na ito. Hindi ka ba nailang sa mga halik at yakap sa 'yo ni Kim sa pelikulang ito?

Xian: “Tungkol dun sa nakita niyo sa trailer na si Kim yung halik ng halik at yakap ng yakap sa akin na hindi naman agresibo, pero siyempre tinanggap ko na yung lahat ng mga halik niya," pabirong sabi ni Xian.

"Minsan nga kahit off cam pag natutulog ako bigla na lang may hahalik sa kin, makikita ko si Kim pala," sabay tawa si Xian.

Si Kim naman ay pinalo ang kanyang co-star at sambit nito, "Sinungaling ka!”


Natanong din ng ilang press people si Direk Mae Czarina Cruz kung napanood niya yung pelikula nina Xian at Kim at pinagkaiba ng pelikulang ito sa successful movie nila na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?

Direk Mae: “I think doon sa movie nilang Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo, mas malaki yung comedy doon, dito mas pinush namin yung romance, kaya kung makikita nyo yung karakter ni Kim dito bilang Rocky ay very aggressive, para maiba din siya dun sa karakter nya sa Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo na very mahinhin.

"Saka dun sa Bakit Di Ka Crush...minake over siya dun, dito very animated din siya rito pero dito mas makikita niyo ritong mas comedy siya. Di ba, dun sa Bakit Di Ka Crush…nakakatawa yung itsura niya doon, dito yung karakter niya yung nakakatawa. Saka dito hindi lang si Kim ang nakakatawa, maging si Xian makikita mo pagiging comedy actor niya.”

How would she describe Kim and Xian as a love team sa movie na ito?

Direk Mae: “Napansin ko na sobra silang kumportable sa isa’t isa, meron talaga silang chemistry. When I say chemistry tipong, alam nila kung paano nila susuportahan yung bawat isa sa bawat eksena and they get along. Nagkakaintindihan sila! Same wavelength sila. Pag blocking na nila at nasa take na sila, makikita mong magkaibigan silang talaga.

"It’s important na on-cam they act professionally, pero off-cam pero sila talagang genuine yung kanilang friendship at respeto nila sa isa’t isa genuine din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN