Coco Martin: "Ang makasama ko ang Miss Nora Aunor, isa 'yan sa mga talagang pangarap ko."

Coco Martin says about his movie with Nora Aunor: "Ang concept nitong Padre De Pamilya, nasa amin na, noon pa. Inalagaan namin talaga, para balang araw..."



Apat na taon ang lumipas bago nagkaroon ng katuparan ang isa sa mga pangarap ni Coco Martin na makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor.

Ngayo'y magkasamang bida ang dalawa sa indie movie project na Padre De Pamilya, na ongoing ang shoot, sa direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Coco revealed, "Noong 2010 pa po sana, nakipag-appointment kami, pinuntahan namin siya sa LA [Los Angeles].

"Twice namin siyang [Nora] in-appointment, pero may sakit siya that time, e. Hindi siya nakarating."

Pero hindi nawalan ng pag-asa ang popular na aktor.

"Ang concept nitong Padre De Pamilya, nasa amin na, noon pa. Inalagaan namin talaga, para balang araw..."

Bago iyon ay nagka-trabaho muna sina Direk Adolf at Coco sa ilang indie projects tulad ng Batanes (2007), Nars (2007), Tambolista (2007) at ang gay film na Daybreak (2008).

This time, sina Nora at Coco naman ang magkasama sa bagong indie family drama.

Papel ng mag-inang nagkaroon ng matinding hidwaan ang ginagampanan ng kapwa premyado.

At gaya ng nabanggit ni Coco sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng PDP, "Napaka-importante po nito sa akin... kumbaga, ang makasama ko ang Miss Nora Aunor, isa 'yan sa mga talagang pangarap ko."

(Read: Nora Aunor-Coco Martin starrer Padre de Pamilya boasts casting coup)



Nora Aunor, Anita Linda, and Coco Martin on the set of Padre De Pamilya



BACK TO INDIE. Sa gitna ng kanyang mga kaabalahan sa sunud-sunod na pinagbibidahang teleserye, na ang pinakahuli ay ang top-rating ABS-CBN fantaserye na Juan dela Cruz, hindi nakakalimutan ni Coco ang paggawa ng pelikulang independent, o indie, na malaking bahagi ito ng kanyang professional acting career.

Ito nga ang dahilan kung bakit ginawaran siya bilang Aktor ng Dekada sa 2011 Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP).

Kaya 'pag may tamang pagkakataon, gumagawa siya ng mga projects na katulad ng Noy (2010) ni Dondon Santos at ng Cinemalaya Film Fest entries, tulad ng Jay (2008) ni Francis Pasion, at Sta. NiƱa (2012) ni Manny Palo.

"'Pag indie, talagang hardcore... yung hindi mo ginagawa [sa mainstream TV and movies], nagagawa mo dito.

"Alam ko yung konsepto ng indie, yung paggawa nito, naiiba."

Patunay ang mga unang nagawang indie films ni Coco sa malaking kaibahan ng mga proyektong (mainstream) naging daan ng tinamo niyang popularidad.

Mula sa pagbida sa mga indie films tulad ng Masahista (2005), Tirador (2007), Serbis (2008), at Kinatay (2009), na pawang dinirek ng Cannes Best Director na si Brillante Mendoza, at ang nabanggit na mga proyektong pinagsamahan nila ng 2012 Urian Best Director Adolf Alix, Jr., Coco has become a most-sought after actor-celebrity of mainsteam TV and movies.

Sa Star Cinema, ang film outfit ng ABS-CBN, Coco also did some movies na kabilang sa genre ng drama o romantic drama, na staple for mainstream audiences, tulad ng Sa 'Yo Lamang (2010), Born To Love You (2012) at A Moment In Time (2013).

Ayon kay Coco, naka-kontrata man siya sa ABS-CBN, sa pamamagitan ng Star Magic (management outfit), ang paggawa niya ng independent films ay hindi sakop ng kanyang contract.

Kaya malaya ang aktor na makapili ng mga indie projects na ginagawa niya, tulad ng kasalukuyang tinatapos na Padre De Pamilya.


LOOKING BACK. Sa pakikipag-usap din ng PEP ay maraming naibahagi si Coco tungkol sa mga karanasan niya sa paggawa at pagpu-promote ng maliliit niyang tinampukang indie films.

Bago siya nakilalang Kapamilya actor, kabi-kabila ang indie-starrers ni Coco, which earned for him the title "Indie Prince of local cinema."

Coco looked back:

"Dati, ang mga indie films, ipinapalabas sa Galleria [IndieSine, ng Robinsons Mall].

"Ang indie ko, showing ngayon, halimbawa; ang papalit doon, pelikula ko rin.

"Tapos, nangyari din, na sa isang festival, tatlong pelikula ko ang kasali."

Natamo man ang kasikatan sa mainstream showbiz, hindi raw maaaring kalimutan ni Coco ang pinagmulan.

Back in 2002, nakasama naman si Coco sa isang Metro Manila Film Fest entry, Ang Agimat: Anting-Anting Ni Lolo, kung saan nag-kontrabida siya kay Jolo Revilla.

In between, marami muna siyang ginawang proyekto, kabilang ang Pitong Tagpo ni Mike Tuviera at ilang thesis films sa pamantasan.

Lumabas din muna siya, na may maliliit na papel sa mga afternoon TV series, tulad ng Daisy Siete sa GMA Network at Ligaw Na Bulaklak sa ABS-CBN, bago gumanap in major roles sa mga TV drama episodes, tulad ng Maalaala Mo Kaya, at mga nag-hit na teleseryeng Tayong Dalawa (2009), Kung Tayo'y Magkakalayo (2010), Minsan Lang Kita Iibigin (2011), Walang Hanggan (2012) at Juan dela Cruz (2013).

And the rest is history.

Continued Coco: "Sa Walang Tulugan [a GMA 7 late night-to-early morning variety show, hosted by German Moreno], kahit madaling araw ang timeslot, binibigyan ni Kuya Germs ng space yung mga baguhan.

"Ipinu-promote namin du'n yung mga indie na ginagawa namin, mula sa Masahista... kaya grateful ako kay Kuya Germs...



WEALTH OF EXPERIENCE. Meanwhile, labis namang pinahahalagahan ni Coco ang mga butil ng karanasan na naibabahagi sa kanya ng mga nakaka-trabahong aktor at aktres.

Dahil mga beterano o beterana ang mga ito, naibabahagi ng mga ito ang mga karanasan sa trabaho at personal na buhay, na tinatandaan ni Coco, bilang gabay sa kanyang buhay.

"Gustung-gusto ko ang mga veteran actors.

"'Yung mga experience nila sa personal na buhay, sa trabaho [na naise-share nila sa akin]...

"Sa edad kong ito, lumalawak ang pananaw ko sa buhay.

"'Yung maka-kuwentuhan mo sila... sa akin, napakalaking bagay yun, e.

"Kasi, may mga bagay na parang hindi mo na kailangang i-experience, dahil na-experience na nila; naikuwento na sa 'yo.

"'Pag dumating ang pagkakataong 'yun, hindi na masasayang ang oras mo.

"'Yun ang nagiging advantage [ng pakikipag-usap sa veteran actors].



ON EDDIE GARCIA AND SUSAN ROCES. Pagpapatuloy ni Coco tungkol sa pakikipagtrabaho sa veteran actors, "Kaya pag nakikita ko, halimbawa, si Tito Eddie [Garcia], naiisip ko, sana dumating ako sa ganu'ng edad [early '80s] na okay pa rin ako, nirerespeto ako.

"Na ganito pa rin yung mentalidad ko sa trabaho...na talagang mahal na mahal mo talaga."

Nagka-trabaho sina Eddie Garcia at Coco Martin sa Juan dela Cruz (2013).

"Si Tita Susan [Roces], nai-share din niya kung paano sila [mga veteran stars] nagmahal sa trabaho nila.

Unang nagkasama sina Susan at Coco sa hit teleseryeng Walang Hanggan (2012).

"Sobrang nakaka-inspire nga, e," makahulugang sambit pa ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN