Nora Aunor believes: "Mas marami pang karapat-dapat tawagin...bilang National Artist."

Nora Aunor on being named National Artist: "Ay, hindi po, hindi po [ako nag-e-expect]... Sabi ko nga sa kanila, huwag naman, baka mapahiya naman tayo.

"Sa akin, mas marami pang karapat-dapat tawagin at bigyan ng [titulo] bilang National Artist."



May kakaibang tuwa at sigla ang Superstar na si Nora Aunor nang huli siyang humarap sa ilang imbitadong showbiz press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), para sa media junket ng pelikulang Padre de Familia.


Directed by Adolf Alix Jr., ang proyekto na ito ang unang proyekto ni Nora with popular young actor Coco Martin.

Ginanap noong Miyerkules, January 15, sa Taumbayan Resto, Kamuning, Quezon City ang naturang interview.



NATIONAL ARTIST. Matagal nang usap-usapan ang napipintong pagkakaluklok ni Nora Aunor bilang National Artist.

Inusisa ng press si Ate Guy ang tungkol sa National Artist bid. Aniya, "Ay, hindi po, hindi po [ako nag-e-expect]... Sabi ko nga sa kanila, huwag naman, baka mapahiya naman tayo.

"Pero kung... kasi, sa akin, mas marami pang karapat-dapat tawagin at bigyan ng [titulo] bilang National Artist."

But sources close to PEP have already revealed the endorsement of Nora C. Villamayor (real name of Nora Aunor) and the five other qualified honorees.

These include literary figure Cirilo Bautista (Literature), danseur Alice Reyes (Dance), musician-composer Francisco Feliciano (Music), artist Francisco Coching (Visual Arts), and architect Jose Ma. Zaragoza (Architecture).

Sila ang napili ng two government agencies, the Cultural Center of the Philippines and the National Commission for Culture and the Arts, which were both tasked to submit the names to MalacaƱang.

Ang pagpili sa mga nabanggit ay dumaan sa napakahigpit na proseso, mula sa tinatawag na Council of Peers, Council of Experts, at mga mismong National Artists na nag-deliberate para sa bawat isang gagawaran ng kataas-taasang parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining.

Ang mag-a-announce ng opisyal na pagkakamit ng titulo ay ang Office of the President (Benigno "Noynoy" Aquino III); at ang conferment ay isasakatuparan ng Honors Committee ng Malacanang.

Marami nang petsa ang nabanggit hinggil sa official announcement and conferment ng 2013 National Artist honorees.

May mga pagtatanong mula sa iba't ibang sektor ng sining, kabilang ang masusugid na tagasubaybay ni Ms. Aunor, pero as of press time, hindi pa rin opisyal ang ulat hinggil sa National Artists endorsements, dahil diumano'y hindi pa ito napipirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino.



BUSY SHOOTING DAY. Noong January 15, around 7 pm ginanap ang mini-presscon para sa Padre de Familia. Pagkatapos niyon ay dumiretso na sina
Nora at Coco para sa pictorial nila sa katabing studio na pinamahalaan ng lensman na si Jojit Lorenzo. Naroon rin sina Malou Crisologo (line producer) at direktor Adolf Alix, Jr.

Earlier that day, may ilang eksena pang kinunan sina Nora at Coco at co-star Joel Torre sa Dialysis Center along U.N. Avenue, Manila.

Ginagampanan nina Nora at Joel ang papel ng mag-asawa; at si Coco ang panganay nilang anak.

Naging location rin ang ukay-ukay shop na pag-aari ng dating beauty queen na si Vida Doria, at katapat na beauty salon sa Kamuning, Quezon City.

Sa pelikulang Padre de Familia, si Aida Santiago (played by Nora) ay nagkaroon ng relasyon sa mas batang lalaki (played by Joem Bascon).

Ito ang mitsa ng matinding conflict nina Nora at Coco, bilang Noel Santiago, Aida's son who is an Overseas Filipino Worker.

Tila walang kapaguran si Ate Guy nang araw na iyon na tila walang bakas ng munting karamdaman niya bago mag-Pasko at Bagong Taon.

Sa mini-presscon proper, masayang tumutugon si Ate Guy (palayaw ni Nora) sa mga binibitiwang pahayag nina Coco at ni Direk Adolf; may mga biro din siya, na ikinatuwa ng mga bihira niyang makadaupang palad na taga-media.

"Ay, siyempre naman... matagal ko ring pinangarap ito," bungad ni Ate Guy na sumang-ayon sa binanggit ni Coco na katuparan ng pangarap niya ang magkasama sila sa isang movie project.

"Nu'ng sinabi sa akin ni Direk [Adolf]... go!" sambit pa ni Ate Guy.

Nabanggit sa presscon na si Coco Martin, sa pamamagitan ng kanyang CCM Productions, ang isa sa mga producers ng naturang family drama.Ang iba pang financiers ng project ay si Direk Adolf at kanyang business partners.

Wala pang tiniyak na playdate at distributor ang pelikula.

"Gusto po muna naming tapusin, at saka na natin isipin ang iba pang plano," sabi ni Direk Adolf.

Nilinaw din ni Direk Adolf na ang opisyal na title na ng pelikula ay Padre de Familia (international title: Our Father); kaiba sa mga unang napaulat.

Bukod kina Nora at Coco, kasama rin sa cast ng Padre de Familia sina Anita Linda, Joel Torre, Rosanna Roces, Joem Bascon, Baron Geisler, Julia Montes (balik-tambalan nila ni Coco), Miles Ocampo, Manuel Chua, Janvier Daily, at iba pa.



"MALE NORA AUNOR." Kung may magagandang pananalita si Coco about Ate Guy, at sa naging pagta-trabaho nila, ganundin naman ang veteran actress, na all-praises sa young actor.

"Ay, naku, sa lahat... napakabait na bata [ni Coco]. Totoo 'yun!

"Sa lahat yata ng naging anak ko... the best! Anak na talaga, ha," nangiti si Nora.

Dagdag pa niya, "Si Coco, napaka-marespetong bata. Siya yun!"

Matagal nang iniidolo ni Coco si Ate Guy at napanood nito ng mga lumang pelikula ng aktres, tulad ng Lino Brocka classics na Ina Ka Ng Anak Mo (1979) at Bona (1980). Napanood rin niya ang Mario O'Hara film na Tatlong Taong Walang Diyos (1976) at ang Thy Womb (2012) na dinirek ni Brillante Mendoza, na tinuturing na mentor ni Coco.

"Hindi ko alam, pinanood niya yung mga pelikula ko. Hindi ko po alam yun," natutuwang sambit ni Nora.

At one point, naitanong kay Ate Guy kung ano ang "naituro" ni Coco kay Nora.

Nagbabanggit si Coco ang tungkol sa pagpu-produce ng gusto niyang pelikula, na nagawa ni Nora noong early '70s hanggang early '90s (at binabalak muling gawin sa ngayon).

Ani Coco, "Sinasamantala ko ang dumarating sa akin, para sa pamilya ko.

"Pero ito nga po, habang nag-iipon tayo, merong mga bagay na gusto mong gawin, para sa sarili mo, bilang artista. Kaya ginagawa ko po itong mga ganitong klase ng pelikula.

Kuwelang sambit naman ni Ate Guy, "'Yun ang dapat kong tularan... ang mag-ipon!"

Natuwa lalo kay Ate Guy ang mga kumakausap na press, sa pagiging matapat nito sa pahayag.

Ano pa ang naituro ni Coco kay Ate Guy?

"Ah, yung pagiging maalalahanin, at saka pagiging professional, sa lahat, bilang artista," saad ni Ate Guy.

Si Coco raw ang "lalaking Nora Aunor." Sang-ayon ba si Ate Guy dito?

Wala ring kagatol-gatol niyang pahayag, "Diyos ko naman... mana sa ina!" sambit pa ng Superstar na ikinatuwa ng lahat.

"Ang yabang ko, 'no?" dagdag ng veteran actress.

Pero, seryoso niya itong sinundan ng, "Siyempre, the best 'yan! Walang tatalo diyan.

"Nu'ng unang magkita nga kami, walang ginawa 'yan kundi ngumiti, tumawa... nawawala na talaga ang mata niya!"

Pinansin ng mga kausap na reporters ang tila parehong maganda at expressive eyes nila ni Coco, bilang totoong asset nila sa pagganap.

"Mas maganda yata ang mata ng anak ko..." buong giliw pang sambit ni Ate Guy, matapos tumingin kay Coco.

Naniningkit naman sa pagngiti si Coco, at aliw na aliw sa kanyang "Nanay Guy."

Tungkol pa rin sa pagiging "male Nora Aunor" ni Coco, sabi rin ni Ate Guy, "Diyos ko naman... siyempre, may kanya-kanyang [katangian] 'yan... sabi ko nga, dahil sa ina, kaya gano'n.

"Magaling na artista [si Coco]...minsan nga, may eksena kami niyan... sa galing niya, ako ang na-Take 2!" kuwento ni Ate Guy, referring to her dramatic confrontation scene with Coco.

Dagdag pa ni Ate Guy, "May eksena din kami na iiyak ako. Yun ang kinukunan ni Direk [Adolf].

"E, nanonood yung anak ko. Hindi ako makaiyak talaga, sa totoo lang.

"Hindi ko makuha yung pinapagawa ni Direk, kaya umalis muna siya."

Sa nasaksihan din ng PEP, sa mga unang araw ng shooting ng Padre de Familia, at an old mansion along Teodoro San Luis St., Pandacan, Manila, halos hindi makausap si Coco, bilang paghahanda sa mabibigat na eksena nila ni Nora.

Nang takdang kukunan na ang una nilang confrontation scene, napapaiyak agad si Coco bago pa man sumigaw ng "Action!" ni Direk Adolf.

Marami pang sumunod na emotionally charged scenes between the two actors; pati na rin ng mga kasama nilang gumaganap.

Ang mga crucial scenes ng pelikula ay nakatakdang kunan this weekend, January 19, na inaasahang umabot hanggang madaling araw.

Bukod kay Jerry Gracio, sumulat din ng screenplay si Nikki Bunguin; kasali namang bumuo ng kuwento at sequence treatment si Ralston Jover.



CHALLENGES. Ayon din kay Nora, may challenge pa rin sa kanya hanggang ngayon ang paggawa ng matitinding proyektong pampelikula, tulad ng Padre de Familia.

Nabanggit din sa presscon ang iba pang nakatakdang gawin ni Ate Guy, tulad ng Dementia.

Ito ang directorial debut ni Perci Intalan at nagsimula nang mag-shoot ng kanilang mga eksena sina Nora at Jasmine Curtis Smith. Ipagpapatuloy ang shooting ng Dementia this March and April sa Batanes island.

(To learn more about Dementia, CLICK HERE)


Pinayagan na rin ng TV5 si Nora na maging bahagi ng Hustisya, na mula sa panulat ni Ricky Lee at sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Mayroon ding pangalawang movie project si Adolf Alix Jr. para kay Ate Guy. Titled Whistle Blower, makakasama ni Nora si Cherry Pie Picache. Ito ay mula sa panulat ni Rody Vera.

Next month, nakatakdang magsimula ng taping ni Ate Guy para sa teleseryeng Trenderas ng TV5.

Ito ay light musical drama series kunsaan isang singing diva ang papel ni Ate Guy. Magtatampok ito sa mga performers na kilala bilang YouTube sensations.

Ang isa pang upcoming project ay ang made-for-TV movie ng tambalang Guy & Pip (Nora and Tirso Cruz III). Ito ang When I Fall In Love na dinirek ni Joel Lamangan.

Sa February 11 ang napaulat na airing ng TV-movie, na may gala premiere sa SM Megamall Cinema this January.

"Lahat ng nasagutan kong proyekto, o gagawin ko, lagi akong natsa-challenge," ani Nora.

"Kasi, iba-ibang proyekto yun, e. Bawat project, sobrang nae-excite ako, natsa-challenge ako ng kung ano'ng role.

"Lalo na nu'ng tinanggap ko itong Padre de Familia, dahil ang direktor kong si Adolf, matagal na kaming nagbabalak gumawa ng pelikula.

"Siyempre, narito rin ang aking anak na si Coco... kaya masayang-masaya ako talaga."

Hindi ba magkaka-conflict sa schedule ni Ate Guy ang paggawa niya ng mga nabanggit na projects?

Confident ang actress-superstar na makakaya niyang gawin ang mga nabanggit.

"Basta, maisisingit ko 'yan. Basta gusto," paniniyak ni Nora.

"At saka, iba-iba naman yung istorya; iba-iba yung pelikula."



FRUITFUL YEAR. Looking back, ito ang masasabi ni Nora tungkol sa nakalipas na taong 2013.

"Ay, maganda yung 2013! Nandu'n yung...[mga awards] ng Thy Womb," tila nahihiyang sambit pa ni Ate Guy.

Noong 2013, dalawang international best actress awards ang natamo ni Nora para sa Brillante Mendoza film: isa mula sa Asian Film Awards at isa sa Sakhalin International Film Fest sa Russia.

Noong 2012, nanalong best actress si Nora (for Thy Womb), sa Venice International Film Fest Critics, in Italy, ang Bisato D'Oro Independent Critics' Prize, at sa Asia-Pacific Screen Awards sa Brisbane, Australia.

Si Nora din ang tinanghal na best actress (her eighth trophy), sa Metro Manila Film Festival 2012.

In 2013, kinilala rin si Ate Guy ng mga local award giving bodies. Siya ang tinanghal bilang best actress for Thy Womb sa Gawad Pasado, Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, the Film Desk of the Young Critics Circle (YCC), at Gawad Tanglaw na mula sa mga academe members.

Nae-excite pa ba si Nora sa mga acting awards (locally and internationally) na napapanalunan niya hanggang ngayon?

"Ay, oo naman," sagot niya. "Dahil pinaghihirapan ko rin naman yung mga natatanggap ko.

"Dahil nagugustuhan ng tao, at nare-recognize din yung mga pinaghihirapan mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN