Martin Escudero opens up regarding movie billing issue with Jayson Gainza

When asked regarding the movie billing issue between him and Jayson Gainza for Mumbai Love, Martin Escudero recalled: "Sabi ko pa, ‘O sige, nandiyan na iyan, wala na tayong magagawa. Alangan namang ipabago pa natin iyan, nakakabit na iyan, e.’"



Nagkaroon ng issue sa movie billing between Martin Escudero at Jayson Gainza sa pelikulang Mumbai Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
May mga pumupuna kasi kung bakit mas nauna pa raw ang pangalan ni Jayson samantalang nagbida na si Martin sa ilang pelikula at nanalo pa ng Best Actor award para sa Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington.

Directed by Benito Bautista, ang romantic comedy na Mumbai Love ay kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan. Ito ay pinagbibidahan nina Solenn Heussaff at Kiko Matos.

(To view photos of the Mumbai Love premiere night, CLICK HERE)

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin kamakailan at inusisa namin ang bagay na ito sa kanya.
“Mula pa naman noon, alam n'yo naman ako, mapagbigay ako. Okay lang ako kahit ano’ng mangyari, ang mas importante, iyong pelikula ay maging maganda,” saad ni Martin.
Nagulat ba siya sa issue sa kanila ni Jayson?
“Kasi noong una, naglabas sila ng sample nila ng billing sa Facebook, ganyan… Nagsabi na kami sa part namin, nag reach-out na kami. ‘Na sana po, ganito ang mangyari sa billing, kasi ganito, ganyan…sana lang ay maging ganyan…’
“Sabi nila ay sila na ang bahala. So, okay naman sa amin kahit anong mangyari, kasi nga ay nagtitiwala naman kami.
“Tapos iyon na nga, lumabas nga na ganyan, na ang daming nagsasabi sa akin na, ‘Uy, bakit ganoon iyong pangalan mo?’ Sabi ko, ‘Siguro ay ano, iyon iyong style nila, e. Kasi mga new filmmakers sila, galing sa ibang bansa. Baka ganoon iyong style na gusto nila.’
“At sabi ko pa, ‘O sige, nandiyan na iyan, wala na tayong magagawa. Alangan namang ipabago pa natin iyan, nakakabit na iyan, e.’
Na-disappoint ba siya dahil sa pangyayari?

“Sa totoo lang, kasi hindi ko na iniintindi iyong mga ganoong bagay, e. Ang mas importante kasi sa akin ay iyong kalalabasan ng pelikula, e, kung ano iyong ginawa ko sa pelikula.
“Ang masasabi ko lang, kapag napanood ninyo yung pelikula, makakalimutan ninyo yung billing,” nakangiting wika pa niya.
Paano ba niya nalaman ang issue tungkol sa movie billing?
“Iyon nga, katulad ng sabi ko, naglabas sila ng sample sa Facebook, nakita nila papa, mga magulang ko. Tapos ay doon na sila nakipag-usap sa management, sa mga producer na, ‘Sana po ay maging ganito yung biling. Kasi ganito na si Mart… sana ganito man lang kahit papaano.’
“Iyong sabi naman nila, ‘Huwag kayong mag-aalala, kami nang bahala diyan.’”
Pero hindi nasunod?
“Iyon nga lang, well, siyempre yung kagustuhan pa rin nila yung mangyayari. Kami, tatanggapin lang namin kung ano yung kalalabasan.”





SHOOTING IN INDIA. Ano ang reaksiyon ni Martin sa mga balita na hindi raw safe ang mga tourists sa India?
“Well, ako kasi mga Indians din ang kasama namin, e. May grupo rin dun na mga Indians, sobrang accommodating sila, matindi silang tumanggap ng bisita talaga.
“Siguro ano, may pagkakataon lang na iba-iba na kasi ang mga tao talaga, e. Hindi naman sila pare-pareho ng ugali dahil napakalaki ng bansa na yun. Siguro, nagkakataon lang na yun yung sumalubong sa kanila at eto yung sumalubong sa akin.”
Nilinaw din niya na hindi naman siya nag-alala sa kanilang safety habang nagsu-shooting sa India. “Oo, naman," pag-sang-ayon niya.

Nagkuwento rin si Martin tungkol sa pag-aalaga na natanggap niya habang nasa India sila.

"Ang sarap. First time ko ngang maka-experience ng vanity van, e. Iyong malaking van na pang-artista nila.
“Dito kasi sa atin puro tent tayo, e, hindi ba? Doon ang uso, iyong van. Maganda, parang-Hollywood, Bollywood talaga ang dating, e. Iyong isang malaking bus na dressing room ninyo… lahat na, e.
“Kaya ang feeling ko, artistang-artista talaga ako roon, hindi ba? Kaya masaya, masaya, siya talaga,” masayang kuwento pa niya.
Dagdag pa ni Martin, “Noong maliit pa ako, madalas na takutin ako sa amin kapag may Bumbay, kaya natakot ako noon sa mga Bumbay, e. Pero noong two weeks kaming nag-shooting ng Mumbai Love sa India, nawala ang takot ko. Mababait at masisipag sila… and maraming magagandang produktong nagmula sa India.”
Ang role ni Martin sa pelikula ay kaibigan at co-worker ni Solenn na sa bandang huli ay magkakaroon ng twist ang istorya nito. Ang Mumbai Love na buhat sa Capestone Pictures at released ng Solar Entertainment ay mula sa direksiyon ni Benito Bautista.
Hinggil naman sa kanyang career sa ngayon, umaasa si Martin na makakabawi siya at muling gaganda ang showbiz career tulad ng dati.
Naging matunog ang pangalan ni Martin dahil sa pelikulang Zombadings. Magkakaroon kaya ito ng follow-up upang ma-boost lalo ang career niya?

“Iyon nga, e, siyempre ano e, pangarap natin ‘yan na mabigyan nang mabigyan ng magagandang projects.

“Pero naniniwala naman ako at malakas ang pananalig ko sa Diyos na alam Niya lahat ng tamang timing kung kailan dapat magkaroon. Naghihintay lang tayo sa pagdating ng blessings Niya talaga.”

Nanghihinayang ba siya sa nawalang opportunity kung nasundan lang yun ng mas matinding projects talaga?

“Sana kung ganoon yung nangyari, everybody happy, ‘di ba? Pero naniniwala ako na sa tingin ko... hindi pa talaga iyon yun, e. Mayroon pa tayong hinihintay na para sa atin.

“Hindi ko na kasi iniisip iyon. Maapektuhan pa ako kung iisipin ko nang iisipin, e. Ang iniisip ko na lang ay magkakaroon pa rin tayo ng mas matindi roon. Ipinagdadasal ko yun na magkaroon ng magagandang projects.”




ON TV5'S TELESERYE OBSESSION. Inusisa rin ng PEP ang tungkol sa Obsession, ang psycho-drama ng TV5 na nagsisimulang umere sa January 23.
“Ginagawa na namin yung Obssesion sa TV5, siya yung papalit sa Positive," sabi ni Martin na siyang bida rin sa drama series na Positive.

"Ako yung bida roon and kasama ko sina Marvin Agustin, Neri Naig, si Bianca King…
“Womanizer yung character ko [sa Obsession] na sobrang malupit sa chicks. Pero one time makakakita siya ng katapat niya at yung babae mao-obsess sa akin. Tapos ay doon na magsisimula yung istorya.
Ano ang masasabi ni Martin tungkol kay Bianca King?
“Una sa lahat masasabi ko ay maalaga si Bianca bilang co-actor. Talagang maaalalayan ka niya, e, sa bawat eksena, alam niya lahat ng gagawin.”

So hindi lang maganda, maalaga pa siya?

“Opo, parang wala ka nang ibang hahanapin, nasa kanya na lahat.”

So asset siya sa pagkakadagdag sa roster ng stars sa TV5?

“Ay opo, siyempre, malaking tulong po yun. Masuwerte kami na dito siya [sa TV5] pumunta.”

Anong masasabi mo na after Derek Ramsay, tila ikaw ang nabibigyan ng break ng TV5. Sa tingin ba niya, favorite siya sa TV5?

“Sana,” pahalakhak na sagot ni Martin. “Ang sarap pakinggan, e.

“Pero siguro ay nagkakataon lang na napapansin tayo ngayon. Kaya pinagbubutihan natin nang todo talaga para hindi masayang yung tiwala nila.”

So, magiging ka-level mo na niyan si Derek pagdating ng araw?

“Naku, sana nga, ‘di ba?” nakatawang tugon pa ni Martin Escudero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN