Robin Padilla reveals role that BB Gandanghari turned down in Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak

Robin Padilla (right) says he will co-star with BB Gandanghari in the upcoming movie BB Ama. Mariel Rodriguez served as a producer in the action movie Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak.


Muntik na palang hindi matapos ang pelikulang Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak na kinatatampukan ng Padilla family, sa pangunguna ni Robin Padilla.
Kasama rin sa pelikula ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez, na bukod sa pagiging artista at isa rin sa nag-produce at naging bahagi sa production.
Sa presscon ng pelikula noong January 23, inamin ni Robin na madalas niyang sabihin noon na huwag na lang nilang ituloy ang pelikula dahil sa mga problemang kinaharap nila.
Ngunit isa sa sumalo kaya natuloy pa rin ito ay ang misis niyang si Mariel.
Ano ba ang mga dahilan kung bakit muntik nang hindi matuloy ang Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak?
Paliwanag ni Mariel, “Ang daming reason kung bakit muntik na itong hindi matuloy.
“Siyempre, sinabi naman niya, si BB [Gandanghari]…
“Actually, the schedule. Kylie [Padilla] is so busy. Daniel [Padilla] is so busy. Robin is so busy.
“At that time, I was still hosting.”
Kasama ba sa pelikula si BB Gandanghari?
Sabi ni Mariel, “No, at that time, Robin was giving BB a character to be part of the movie.
“Pero hindi, e… hindi ko alam. Silang magkapatid kasi ang nag-usap dun.
“Yung puwedeng hindi ko i-tackle, hindi ko pinapakialaman.”
Ano ang ibig sabihin na siya ang “nagtuloy” ng pelikula? Ibig sabihin, siya na ang nagproduce ng pelikula?
“Ngayon ko nalaman na ang hirap palang maging production. Nag-i-schedule ka ng mga tao, ang hirap,” sabi ni Mariel.
Malaki rin ba ang inilabas niyang pera?
“Kaya nga yata nag-stop din noong ako, kasi parang magastos yata noong ako. Kasi, hindi naman ako marunong talaga.
“But it’s a good learning experience.”
Naging issue rin ba sa kanila ang pera?
“Parang sa ating mga Filipino naman, parang issue naman talaga ang pera. Kasi, lumalaki… ang laki!” sabi niya.
Magkano ang inabot ng kanilang gastos?
“Hindi naman, pero malaki, malaki talaga.
“Umabot siya ng ilang taon, but it’s good for our advantage rin.
“Kasi, we shoot before, then we shoot again after months.
“So, yung evolution ng character, mas nakikita mo yun sa nag-iiba na ang hitsura.”



BB GANDANGHARI'S SUPPOSED ROLE. Sa hiwalay na panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinuwento ni Robin ang role na dapat ay gagampanan ni BB Gandanghari sa action movie na Sa Ngalan ng Ama, Ina at ng mga Anak.

Sa blog conference na ginanap noong January 25, kinuwento ni Robin na nag-present sila ng konsepto kay BB Gandanghari (formerly Rustom Padilla) upang makasama ito sa action movie.

Ngunit tumanggi raw si BB sa naturang role.

Ano ang role dapat ni BB sa pelikulang ito?

"Siya dapat yung gaganap na righthand ni Dennis Padilla. Gusto namin siya ang Rustom, ayaw namin si Aunt BB. E, ang Kuya—si Aunt BB—ayaw na gumanap na Rustom."

Ayon kay Robin, magkakaroon naman sila ng pagkakataon na makasama si BB sa upcoming movie titled BB Ama.

"Pero dahil bilib kami sa kanya at alam namin na pwede talaga siyang artista, meron kaming pelikula para sa kanya.

"Ito ang BB Ama at kasama ko siya. Siguro March ang simula ng filming. Dapat magsisimula na pero bigla siyang umalis.

"Sabi niya, nag-eensayo raw siya. Tingnan natin."

Bakit tungkol sa Kuratong Baleleng ang napili na gawan ng pelikula nina Robin at iba pang Padilla clan?

Paliwanag ni Robin, "Yung Kuratong Baleleng group, hindi yung gang, para sa akin kasi mga Robin Hood sila.

"Pinaglalaban nila ang mga karapatan ng mga mahihirap nang walang political agenda.

"Hindi ito yung mga holdaper. Magkaiba kasi ang Kuratong Baleleng gang at magkaiba ang Kuratong Baleleng group."

Dagdag pa niya tungkol sa karakter niya na si Ongkoy, "Si Ongkoy ay salamin ng bawat Pilipinong lalaki."



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN