Louise delos Reyes on being compared to Anne Curtis: "At least, isang privilege na rin yun para sa akin na mai-compare at maitapat.”



Hindi na bago sa GMA-7 actress na si Louise delos Reyes ang gumawa ng pelikulang may temang horror. Nakagawa na siya ng The Road noong 2011 at ngayong 2013, maipapalabas na rin ang Basement ng GMA Films na horror rin ang tema.

“Ako po si Roxy rito sa Basement," panimulang lahad ni Louise. "Si Roxy ay isa siyang member ng banda. Kaibigan ko sina Teejay [Marquez], si Kristoffer [Martin], bale rakista ako rito talaga.”

Gaano nakakatakot ang pelikula nila?

“Scary siya kasi, nagugulat ako kapag nagda-dub ako.”

Mas nakakatakot ba siya sa una niyang horror na The Road?

“Ang The Road kasi, more psycho. ‘Eto kasi, more on chase, takbo, hingal. Yung hindi mo alam kung saan siya susulpot.”

Ang makakatapat nila sa showing ng pelikula ay posibleng malakas din nilang makalaban sa local films, ang kauna-unahang movie na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

May kaba ba si Louise?

“Siyempre po, nakakakaba in a way. Para siyang comedy movie na hindi mo alam kung ano ang magiging reception ng tao kung matatakot ba sila katulad ng naramdaman naming takot noong sinu-shoot namin siya.”

Confident naman daw si Louise sa Basement.

Aniya, “It’s something new and all-star cast. At from the beginning pa lang hanggang sa dulo, may mga artistang makikita mo na nandoon pala siya.”




ON PLAYING A MERMAID. Si Louise ang bagong gaganap na sirena para sa bagong fantaserye ng Kapuso network na Kambal Sirena.

Ayon kay Louise, ngayon lang daw siya natutong lumangoy para sa pagbibidahan niyang telefantasya.

“Ngayon lang po ako natutong lumangoy. Mas nauna pa akong natutong mag-dive.”

Noong October pa raw ng 2013 siya nag-aral na lumangoy.

Madalas siyang makumpara lalo na sa social networking sa isa pang aktres na gaganap din ng sirena, si Anne Curtis bilang si Dyesebel naman sa ABS-CBN.


(Read related article: Anne Curtis and Louise delos Reyes training for mermaid-themed shows)


Nasasaktan ba siya kapag nakukumpara siya kay Anne?

“Noong first time po na makabasa ko, noong unang araw na sinabing siya ang Dyesebel, siyempre, nakatanggap ako ng mga hate tweets. Parang kinompare ako.

“Pero, ginawa ko siya na parang fuel kumbaga sa mga gagawin ko. Kasi, nagiging inspiration ko rin kahit mga detractors ko sila. Kahit paano, at least, nai-compare nila ko sa isang Anne Curtis. At least, isang privilege na rin yun para sa akin na mai-compare at maitapat.”


Ang tanong lang, nakakaragdag ba ng pressure sa kanya na may iba pang sirena at Dyesebel pa na kilala talaga ng Pinoy pagdating sa ganoong katauhan.

Sabi naman ni Louise, “Nakakaramdam ako ng pressure, pero, mas ayokong i-entertain ang binabato sa akin ng mga tao.

“Mas gusto ko na na-meet ko ang expectation sa akin ng network kasi, napakalaking project ang ibinigay nila sa akin ngayong taon. So, gusto kong ibalik sa kanila ang magandang show at the same time, gusto kong ma-meet ang expectation ko para sa sarili ko dahil ang kalaban ko lang talaga ay yung takot ko.”

Isang tao at isang sirena ang dalawang karakter na gagampanan niya bilang Kambal Sirena.


Yung silang dalawa ni Aljur Abrenica ang magkakapareha, ano naman ang mga expectations niya?

“Siyempre, something new,” nakangiti niyang sabi.

“For how many years kasi, kilala siyang ka-partner ni Kris [Bernal] bilang AlKris. Ako naman, si Alden [Richards] talaga ang ka-partner ko ever since.

“So, it’s something new, fresh na tandem so, tingnan natin kung okay ba kami.”

Silang dalawa ni Alden ang dalawa sa mga artista ng Kapuso network na masasabing maganda ang kinapupuntahan ng kanilang career.

Kahit magkasama sila sa isang proyekto at kahit tulad nga ngayon na may kanya-kanya silang programa.

Sabi naman ni Louise, “Siyempre, proud ako kung ano ang nararating namin. Nag-start kaming magkasama, so, nagtutulungan kami.

“Nakita ko naman na nag-pay off lahat ng paghihirap namin.”

Posible kayang magiging matagal muli bago sila pagtambalin muli ni Alden?

“Depende po kung ano ang magiging reception ng tao. Depende pa rin po sa GMA kung gusto nila kaming ibalik na dalawa.”


Sa Basement, magkasama sila ng boyfriend na si Enzo Pineda.

At alam namin, matagal na rin nilang gusto ni Enzo na magkasama o magkatambal sa isang serye. Kaya dito sa Kambal Sirena, hindi ba niya winish na sana si Enzo ang ginawang leading man niya?

Natawa si Louise at saka sinabing, “Ako naman kahit sino naman okay lang ako. Nakakasama ko naman siya, e.”

Pero, hindi rin naman daw kasi pinag-audition si Enzo para sa role.

Anong masasabi niya tungkol dito?

“Siguro kasi, nakikita nila na okay naman kami off-cam. Pero, this is not the right time para onscreen na, magdya-jump agad.”

Nararamdaman ba nila na tila hindi pa pabor ang network na pagtambalin sila?

“Well, siguro kasi, may kanya-kanyang ano sa amin—baka may career path siyang susundan at ako naman, taliwas doon sa gusto nila kay Enzo. Ako naman, okay lang ako.”


Yung relasyon nila ni Enzo, puwedeng sabihin na “love is lovelier the second time around.”

Mas masarap, mas intense ba ngayon ang relasyon nila?

“Para sa akin kasi ano, alam niyo na ang pagkakamali niyo noong una kaya mas naging understanding, mas naging mature yung tingin niyo sa love. Na hindi lang siya pang-bagets na 'Uy, sweet tayo, holding-hands.'

“Hindi na ganun, e. Kasi, kapag nasa isang serious relationship ka na, kung matatawag na serious yun, parang gusto niyo yung isa’t-isa, maging inspiration niyo to be a better person. Ini-inspire niyo ang isa’t-isa na parang gawin ang mga unbelievable talaga.”


Independent living na si Louise ngayon dahil naka-condo na siya sa Eastwood.

Kumusta naman ang solo living?

“Okay naman po, kasi, ako naman po, sanay naman ako na gumagalaw sa sarili ko kahit noong kasama ko si Mama. So, hindi naman ako parang naka-dependent sa ibang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN