Dion Ignacio enjoyed shooting horror film Basement




Kahit hindi raw niya inaasahan, halatang masaya naman si Dion Ignacio nang ipapanood ang trailer ng pelikulang Basement ng GMA Films kunsaan siya ang ipinakita bilang last frame.

Pero ayaw i-claim ni Dion na bida siya sa horror movie nila.

Natatawang sabi niya, “Naku hindi po, mangilan-ngilang eksena din—actually, ang role ko rito, isa akong security guard . Kasabwat ako ng isang sindikato. Nagpapasok ako sa kanila, may dala silang drugs.

“Sa Basement po kasi, ang daming nangyari. Sa isang gabi lang, ang daming nangyari sa loob ng basement.”

Nag-enjoy raw si Dion na gumawa ng horror na pelikula.

“First horror film ko ‘to at dito ko naranasan yung mga acting na natatakot ka. Masarap gumawa ng horror, nakaka-enjoy. Kapag pini-feel mo, tatayo rin pala ang balahibo mo sa mga ganyang eksena.

“Tapos ang galing pa ng director namin, si Topel Lee. Cool lang siyang director.”

Bukod sa Basement, may bago rin serye si Dion sa GMA-7, ang Innamorata.

Best friend ni Max Collins ang karakter niya na magkakaroon din ng gusto rito. Pero, si Dion na rin ang nagsabi na ang talagang kapareha ni Max ay si Luis Alandy.

“Sa ngayon, hindi ko pa alam kung magiging triangle kaming tatlo kasi, wala pa namang mga ganoong eksena. Pero sa ngayon, parang tagapagtanggol ako ni Max kasi, may galis siya. May sakit sa araw kapag nasisinagan siya.

“Tapos yun, pino-protektahan ko siya.”

Masaya naman daw siya dahil dire-diretso naman daw ang mga proyekto niya ngayon sa Kapuso network.

“After ng Maghihintay Pa Rin, Innamorata kaagad. Sana after this, kahit konting pahinga tapos meron na ulit.”

Sabi nga niya, si Luis talaga ang leading man ni Max.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN