Kathryn Bernardo and Daniel Padilla to topbill movie version of the book She’s Dating the Gangster

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla will star in the movie version of She’s Dating the Gangster. Written by Bianca Bernardino (right frame), this Summit Media book is about Athena Dizon who develops a bond with campus bad boy Kenji de los Reyes.


Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng partnership ang Summit Media at Star Cinema para gawing pelikula ang isa sa mga bestselling books ng naturang publishing company: ang She’s Dating the Gangster na isinulat ni Bianca Bernardino.

Base sa official website ng Summit Media, narito ang buod ng She’s Dating the Gangster: “Based on the online fan fiction created by Bianca Bernardino, She’s Dating the Gangster tells the heart-wrenching tale of 17-year-old Athena Dizon and campus bad boy Kenji de los Reyes, two teenagers who begin a pretend relationship that ultimately transforms into something deeper.”

Noong January 28, sa conference room ng Star Cinema office, ABS-CBN compound ay nagkaroon ng contract signing ang Star Cinema at Summit Media sa pangunguna ng Star Cinema head na si Ms. Malou Santos, Summit Media President Ms. Lisa Gokongwei-Cheng, at ang writer ng libro na si Bianca Bernardino. Matapos ang contract signing ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Ms. Lisa at Bianca tungkol sa partnership na ito.



Ms. Lisa Gokongwei-Cheng, Bianca Bernardino, and Malou Santos


Bianca, ano pakiramdam mo na isasapelikula ang book na ginawa mo?

Bianca: “Sobrang overwhelming kasi first published book ko rin ito kaya medyo pressured din po ako.”

Tell us something about the book She’s Dating the Gangster. What is it all about?

Bianca: “Yung dalawang character, nag pretend sila na boyfriend at girlfriend, eventually yun nga, nagkagustuhan sila. Siyempre, may twist naman sa dulo…surprise na lang yung ending.”

Anong masasabi mo na ang movie na ito ay part ng 20th anniversary celebration ng Star Cinema?

Bianca: “Nakakatuwa, hanggang ngayon nga ay speechless pa rin ako kasi, yun nga, hindi ko naman inaakala na mapipili siya ng Star Cinema na gawing movie.”


Bakit Star Cinema ang napili ninyo na magsapelikula ng book ng pinublish ng Summit Media?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ms. Lisa: “I think Star Cinema—in the whole Philippines—is really the best, the best in the movie industry. They have the best quality films, at the same time, they have the best stars also. I’m very excited about Kathniel playing the couple in the book.”

Choice n’yo po ba sina Kathryn at Daniel ang gumanap na bida sa pelikula?

Ms. Lisa: “I think it was Bianca’s choice. When I read the book, I asked who will be the best stars to portray. It was Kathniel [Kathryn Bernardo and Daniel Padilla]. It was written for them.”

How many book copies were sold at ano ang naging impact ng libro sa mga readers?

Ms. Lisa: “In Philippine Bookstore, we printed 50,000 copies and it was sold. We printed another 20,000 copies to meet the demand. After this announcement, maybe we will print more copies but I have to say that this story has many teenagers of Bianca’s generation. These are the girls who are on their twenties up reading this book and they are familiar, very familiar with the title. No doubt that they will watch the movie, especially with Star Cinema behind it.”

Ano kaya ang reason bakit yung mga kabataan ay gustung gustong basahin itong book mo?

Bianca: “Honestly, hindi ko talaga alam kung ano yung nakita nila sa book ko na ito, kasi nung ginagawa ko ito…for fun lang, parang hobby, isinulat ko na lang kung ano yung maisip ko dati. Sila nagsasabi na, ‘Ang ganda!’ Nagulat na lang ako na after kong matapos yung story, ang dami na palang nagbabasa na nagsabing maganda raw, parang package na daw. May sobrang malungkot na part, na feeling nila makatotohanan talaga. Nagulat ako na kinontak ako ng Summit na ipupublish daw nila yung story.”

Bakit sina Kathryn at Daniel ang naisip mo na mag-play ng role?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bianca: “Kasi, si Daniel kasi medyo bad boy yung pino-portray niya sa TV. Akala natin ganun siya pero nakikita ko na medyo sweet pala siya na tao despite of being a bad boy image. Medyo ganun yung karakter nung guy sa book ko.

“Si Kathryn naman kasi medyo parang underdog na palaban, e, ganun yung girl dito sa book na kahit na anong gawin sa kanya ay hindi pa rin sya nag gi-give-up.”

Na-imagine mo ba before na yung libro mo ay magiging pelikula?

“Hindi! Hindi talaga! Nagulat na nga lang ako na naging book siya, e, what more na magiging movie. Hanggang ngayon nagugulat pa rin ako na ang daming tao sa harapan ko para sa interview na ito.”


Sa kalagitnaan ng interview ay biglang in-announce na ang director ng pelikula ay ang box-office rom-com director na si Cathy Garcia-Molina.

Sa palagay mo ba Bianca, mabibigyan naman ng hustisya ni Direk Cathy yung book mo sa pag didirek niya ng movie?

Bianca: “Na pi-feel ko naman, na pi-feel ko naman. Saka, may tiwala naman ako sa Star Cinema na mabibigyan nila ng justice yung libro ko.”

Nasusubaybayan mo ba yung mga pelikula or teleserye nina Kathryn at Daniel?

Bianca: “Before pa kasi mag Got To Believe [the Kathniel teleserye airing on ABS-CBN], hindi ko pa talaga sila masyadong gusto, pero parang hindi naman gusto, parang maingay lang sila sa paligid ko sa mga teenagers. Tinanong ko sa sarili ko, sino ba sa mga artista ngayon na may ganitong image. Kasi nung time ko 2006 pa itong libro na ito, e, walang pang Kathniel noon. Naisip ko nga nung time na yun si Kim Chiu at Gerald Anderson ang bagay. Kaso sa generation ngayon, sina Kathryn at Daniel na yung mas bagay sa karakter.”

Magiging hands-on ka ba sa pagtatransfer ng book sa script para maging pelikula? May suggestions ka ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bianca: “Simple lang po, kasi nung pinakikinggan ko yung mga nagbabasa, anong part yung gusto nyong mailagay sa libro? Ganun po ako. Kaya nung tinanong about sa book kung paano nabuo, kung ano yung gusto ng followers ko, yun ang inilagay sa book ko. Sana ganun din, mag sa suggest lang rin po, hindi naman parang, ‘Sige ako nang bahala.’ Ipapaubaya ko po sa kanila, basta may mga suggestion lang na dapat maisama yung mga importanteng story.”

Ms. Lisa, is this the only Summit Media book na gagawing movie? Is this the beginning of a long term partnership with Star Cinema?

Ms. Lisa: “I think you can answer that! But I do hope! You know, we have many, many other books that can be made for movies and we do hope that this partnership is the start of a great relationship.”





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN