Direk Olivia Lamasan describes Piolo Pascual-Toni Gonzaga love scene as "animalistic and scandalous"

According to Direk Olive Lamasan (in photo), the concept for Unlove You, a movie about former sweethearts, started in 2012. It will be shown as Starting Over Again by February 12, 2014. Toni Gonzaga revealed in another interview that she has been wanting to do a movie with renowned director Olivia Lamasan. The TV host-actress also wished for another project with Piolo Pascual. Their first project together was in a softdrink


Matagal ang naging proseso upang magkaroon ng reunion movie sina Direk Olivia Lamasan at Piolo Pascual.

Ang huli nilang pelikulang pinagsamahan ay ang Milan noong 2004 kung saan ang katambal ni Piolo ay ang actress na si Claudine Barretto.

Magkakaroon sana ang tatlo ng reunion movie noong nag-asawa na si Claudine pero hindi daw ito nag-materialize.

Matagal na rin daw hiniling ni Toni Gonzaga sa Star Cinema na makasama sa big screen si Piolo.

Unang nakasama ng TV host/actress ang aktor noong 2001 sa isang softdrink commercial noong nag-extra pa lang ang dalaga sa mga television advertisements.

Hanggang sa dumating noong taong 2012 ang isang film concept na sa palagay ni Direk Olivia ay bagay kay Toni.

Pero hindi daw ito naging akma sa tambalang Piolo at Toni kaya daw naisipan nilang gumawa ng pelikula tungkol sa mga dating magkasintahan.

Nabuo ang pelikulang Unlove You, ang naunang titulo ng ngayo’y ipapalabas ng Starting Over Again.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment writers si Direk Olive sa intimate presscon nito kahapon, February 4, sa Roxas Room ng 9501 Restaurant, sa 14th Floor ng ELJ Building sa ABS-CBN.



SCANDALOUS, ANIMALISTIC. Isa daw sa dapat aabangan sa pelikula ay ang love scene nina Toni at Piolo.

Inilarawan pa nga ito ni Direk Olive na scandalous.

Natatawang bawi ni Direk Olive, “Pero sa totoo lang walang nakita kay Toni, wala ring nakita kay Piolo.

“It’s funny, I suppose ang makapagsasabi nitong 'scandalous' ay sina Mommy Pinty at si Daddy [parents ni Toni].

“Sabi ko nga kay Toni, ‘Anak, talaga bang papanuorin mo ang mommy at daddy mo sa premiere night?

"Kasi kung papanuorin mo, uupo ako sa malayo.”

Sabay pakawala ni Direk ng malutong na halakhak.

Nag-inarte ba si Toni o may mga naging demands ito bago kinunan ang mga maseselang bahagi ng pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni direk, “None at all. None at all.”

Dagdag pa niya, “Pag-love scene naman palagi kong sasabihin, even with Angel [Locsin] in In The Name of Love (2011) and Bea [Alonzo] in The Mistress (2012), ‘Tell me kung okay lang ‘to, kasi sabihin mo sa akin kung hindi and I will respect that.

'We’ll do it in another way.’"

TONI IN A DAZE. Doon nga raw sa pelikula nila ni Bea, pinahawak ni Direk Olive ang suso ng aktres.

“I explain to them why pinapagawa ko yun.

"So 'pag nag-agree… 'pag naintindihan, natatanggap."

Kung pinagawa ni Direk Olive kay John Lloyd Cruz ang paghawak ng suso ni Bea, ano naman ang pinagawa niya kay Piolo?

Natatawang tugon ni Direk, “Basta animalistic.

"Kapagka napanuod niyo, matatawa na lang kayo sa ibig sabihin ng animalistic.

“Pero, its very, very clean."

Minsan daw ay napapansin na lang niyang tulala si Toni matapos kunan ang mga kissing scenes o love scene.

Minsan, tanong din daw ito ng tanong kung ano ba ang ibig sabihin ng mga bagay-bagay patungkol sa kukunang intimate scenes.

“So dito, klaro kay Toni na ganito, kaso natutuwa lang ako sa batang yun kasi ang virginal talaga.

“Nanginginig, shaky. Kissing scene, nanginginig.

"Parang she can do anything and everything kahit maghubad...

"Pero pagdating sa kissing scenes o intimate moments, shaky talaga yung bata.

"Tapos natulala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN