Glaiza de Castro admits she sometimes felt discouraged while shooting Cattleya: An OFW Story

Glaiza de Castro on shooting Cattleya: An OFW Story: "Honestly there were times na parang discouraged na ako lalo na kapag may mga unexpected na nangyayari."


Bida si Glaiza de Castro sa indie movie na Cattleya: An OFW Story kunsaan kasama niya sina Jonalyn Viray, Tess Bomb, at marami pang iba.

Kuwento ito ni Lea na maybahay ni Rodel (na ginagampanan ni Gerald Madrid). Ang kanilang kabuhayan ay naapektuhan ng Bagyong Ondoy kung kaya’t napilitan si Lea na magtrabaho sa Hong Kong. Sa kasamaang palad ay naging isang drug mule ang kanyang karakter kahit pa labag ito sa kanyang kalooban.

Noong February 3 ay ginanap ang premiere ng pelikulang ito sa SM Megamall, Cinema 7.

(Read MOVIE REVIEW: Cattleya: An OFW Story)

"Nai-excite na finally ay showing na ito sa February 26," nakangiting bungad ni Glaiza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap siya ng PEP bago pa man magsimula ang screening ng nasabing pelikula.

"Adventurous talaga ang shot namin dito at maraming ups and downs.

"At dito na namin talaga malalaman kung saan talaga napunta ang mga pinaghirapan namin.

"Ang laking blessing na ito sa amin."

Dugtong pa niya, "Thankful naman ako dahil sa akin ipinagkatiwala ang project na ito.

"Nakakatuwa rin kasi, di ba, 'pag sinabing indie ay wala talagang suporta ng malalaking sponsors pero happy ako na yung mga tao sa paligid ko ay full support talaga kasi yun naman talaga ang kailangan."

Nabanggit niya na dumaan ang pelikulang ito sa maraming ups and downs, pero ngayong isa na itong buong pelikula at nakatakda na ngang ipalabas sa mga sinehan, ano ang kanyang pakiramdam?

Nakangiting saad niya, "Ang sarap talaga yung smile of relief.

"Honestly there were times na parang discouraged na ako lalo na kapag may mga unexpected na nangyayari.

"Pero heto nga, thankful pa rin ako at nairaos pa rin namin ang pelikula."

Sa palagay niya, ano ang magiging impact sa career niya ng naturang indie film?

“Sa ngayon ay hindi ko pa masyadong naiisip, e," may pag-aalangang sagot ng former Temptation of Wife star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta, doing this film ay isang malaking pasasalamat ko na at naniniwala ko na marami pa ang in store for me and isa lang ito sa surprises ni Lord.

"Wala namang imposible, e.

"If you try to control everything, minsan ay nakaka-frustrate talaga, e. Pero kung yung fate mo ay ibinigay mo sa Kanya at ginawa mo kung ano yung tama, I think yung victory talaga ay mararamdaman mo."

Para sa Kapuso star, ang pagbibida sa Cattleya ay isang malaking break para sa kanya.

Aniya, "Any opportunity naman is a break for me.

"Kumbaga, walang highlight, walang climax-lahat sila pantay-pantay.

"Everytime you go out there and present yourself to people kung ano ang ginagawa mo o nagawa, nandun talaga dapat lagi yung pasasalamat.

"Andun din yung risk na puwede kang magustuhan o puwede namang hindi, pero hindi ko iniisip na ikakasira ito nang anumang sinimulan ko.

"Kung halimbawa hindi nila ito nagustuhan o hindi kumita, thankful pa rin ako dahil alam ko sa sarili ko na ibinigay ko ang best ko."

Para kay Glaiza, isang life-changing experience ang paggawa ng pelikulang ito dahil sa paksa at mensaheng gustong ipaabot nito sa madla.

"Ay, opo," diin niya. "Hindi lamang sa istorya ng pelikulang ito kundi sa karanasan na nadaanan namin habang ginagawa namin ang movie na ito.

"At saka, yung kuwento ng buhay ng mga OFW, wow, ibang klase talaga.

"Ako hindi ko alam kung kakayanin ko ang sitwasyon ng iba naming kakabayan sa ibang bansa—yung lungkot, yung walang katapusang pag-iisip kung ano na ang nangyayari sa pamilya mo rito sa Pilipinas, ibang klase talaga.

"Hindi ko alam kung sa totoong-buhay ko ay kaya kong iwanan ang pamilya ko for a greener pasture.

"Alam mo yun? Hirap, ‘di ba?"

Kaya nga sobra raw ang bilib niya sa mga katulad ni Lea, ang karakter niya sa Cattleya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Lea ay lumalarawan sa bawat mukha ng Pilipino na nasa ibang bansa.

"Magkakaiba man ang kuwento o naging kapalaran nila, pero, walang pinagkaiba ang kuwento ng kanilang pagsasakripisyo.

"Nang may mga nakausap nga kami sa Hong Kong, tatagos sa puso mo ang mga hinaing nila, mga dahilan kung nagtiya-tiyaga sila, kung ano ang mga ginagawa ng mga pamilya nila sa pera nila.

"Madadala ka talaga.

"Hindi mo naman kasi sila masisisi, ‘di ba?

"Siguro, kung may magandang future lang dito sa ating bansa, baka wala nang mangingibang-bansa."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN