Jericho Rosales can identify with his character in ABNKKBSNPLAk (Aba Nakakabasa Na Pala Ako)


Mas kilala si Jericho bilang isang actor at ilang awards na rin ang natanggap niya bilang isang dramatic actor.

Pero para sa pelikulang ABNKKBSNPLAk (Aba Nakakabasa Na Pala Ako), sumubok siyang magpatawa naman. Ang ABNKKBSNPLAk ay base sa bestselling book ni Bon Ong. Nakatakda itong ipalabas simula February 19.

“Wala e, Viva trusts me,” natatawang sabi niya.

“I’m so happy with Viva, I’m so thankful. You know, they gave me Baler before and now, this one. Viva always supports me with things I can do. They thought of a fun movie and so, okay.”


Ang Baler ay ang period drama film ni Jericho kasama si Anne Curtis na ipinalabas noong 2008 sa Metro Manila Film Festival.

Malaking bagay para kay Jericho na maipakita niya ang versatility niya bilang isang aktor.

Dagdag pa ng binata, “It’s a blessing, it’s a blessing lang na makapag-comedy and then, makapag-drama and later on, action.

“And it’s a good kind of comedy na talagang may mapupulot ka rin na aral at the same time, loko-loko lang.

“At the same time, yung nangyari kay Robert [his character in ABNKKBSNPLAk] sa libro, nangyari sa akin noong bata ako.

“Tulad no'ng mga kalokohan niyo noong high school—crush mo ang teacher mo, cutting classes, ‘di ba? Yung mga pagkaing sira na nakain mo, yung mga ganun.

“But this movie, ipinapakita yung... well, nangyayari sa classroom, ‘di ba? Sinong maingay, sinong hindi? May teacher’s pet. Meron namang teacher’s enemy. Kung ano talaga ang nangyayari, parang ganun.”

Pinuri na nga ng ilang nakapanood ang ipinakita niyang pag-arte sa ABNKKBSNPLAko?!

“It’s my kind of comedy, alam niyo yun. Yung sitwasyon and then, cute siya, e. Cute lang ang mga nangyari sa kanya lalo na yung mga part ng mga bata.

“Ang sarap panoorin ng mga bata na nagpapa-cute,” pahabol pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH ANDI AND MEG. Pareho naman daw na unang beses na makasama sa pelikula ni Jericho sina Meg Imperial at Andi Eigenmann. Si Vandolph ay nakasama na raw niya sa telebisyon.

Sabi pa ni Jericho, “Maraming magandang simula rito and I wanna work with them again.”

Kumustang ka-trabaho si Andi bilang leading lady niya sa movie?

Kuwento ni Jericho, “Si Andi ang ka-partner ko, pero mas marami kaming eksena ni Meg na magkasama. Si Andi kasi ang special someone.

“Siya ang hindi ko maabot. Si Meg naman, barkada ko, tapos may love angle rin kami...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN