Chynna Ortaleza wants to be a host and theater actress in the future

In the horror film Basement, Chynna Ortaleza plays a mother trapped with her children.



Bukod sa primetime series na Adarna, kasama si Chynna Ortaleza sa pelikulang Basement ng GMA Films na ipapalabas sa February 12.

Isang batang ina ang karakter niya at isa sa anak niya rito ay si Mona Louise Rey.

“Yung character ko is a young helpless mother who was trapped in a basement with her children. Actually, start pa lang ng pelikula, makikita mo na ang personal turmoil ng character ko, kung bakit siya ganun.

“Tapos, mata-trap sila sa basement kasama ang iba pang mga tao."

Dagdag pa ni Chynna, “Ang maganda rin naman sa film namin, it will play in your imagination. I’m sure, everybody, naiisip nila, nakakatakot ang basement. Alam naman natin yun kapag mag-isa ka na lang tapos gabi na, so, kung ano yung mga nai-imagine mo na puwedeng mangyari sa basement at kung ano ang nangyayari sa loob ng basement, makikita niyo.

“Pang-thrill seeker talaga siya, mahilig magulat at saka mag-play ng imagination din.”

Katapat nila ay isang romantic movie na Starting Over Again.
Ano ang pakiramdam niya sa tapatang ito sa local films?

“Ako naman kasi, feeling ko, maganda nga yun, balanseng-balanse ang release ng pelikulang Filipino sa Valentine’s day. Meron tayong of course, romantic comedy at meron din namang horror. I hope, panoorin pareho.

“Kasi, sa totoo lang, as actors in this industry, yun naman ang palagi naming pinagdarasal, suportahan ang mga pelikula natin para mas lalo tayong magkaroon ng konting budget para mas makagawa ng magaganda.

“If they can watch both two movies on Valentine’s date, please do, ‘di ba?” saad niya.



ON HER SHOW ADARNA. Kung may isang ikinatutuwa naman daw si Chynna sa primetime series niya na Adarna, ito ay ang nabuo niyang pakikipag-kaibigan sa cast at production ng serye nila.

Aniya, “Blessed kami with good company. Sobrang bait ng production namin. Sobrang cool ni Direk Ricky [Davao]. Sobrang ganda that we have an actor as a director. Parang first time ko yun na-feel, of course, si Tita Gina [Alajar], nadi-direk din ako.

“Pero ‘eto, ang saya rin, kasi, alam niya yung proseso ng actor, eh. Open sa suggestion si Direk. Napaka-supportive niya sa actors niya, so, napaka-importanteng bagay nun sa amin.

“Tapos, pinagtagpo-tagpo talaga kami na pareho kami ng mga ugali. Parang ang pinaka-take-away ko sa show, pinaka-malaking blessing, I’ve found a great group of actors and eventually friends na masayang mga kasama.

“At kung magte-taping kami, kung may panahon sa labas ng taping. Minsan kasi, nakaka-jackpot ka ng ganyan. Hindi lahat ng cast magkakasundo.”

Okay naman daw si Chynna bilang may tatlong taong guaranteed contract siya sa GMA-7 at malapit ng magtapos ang ikalawang taon niya.

“Okay naman, we recently discussed yung parang path ng career ko. Siyempre, alam naman natin na marami pa sana akong puwedeng magawa. Actually, lahat naman ng actors, ‘di ba, there’s always something that you can discover in them para lalong mag-progress ang career.

“Tapos, palagi ko ngang sinasabi sa kanila, bata pa lang ako, actor na ko. Three years old pa lang ako, kinakausap ko na ang sarili kong mag-isa. Ginagawan ko ang sarili ko ng characters, so, alam ko yun na ito ang binigay sa akin na gift ni God.

“It’s a God-given talent.

“That’s why, I keep on telling them that if you still find the use for me and you still feel that you know, I can contribute to the industry even if I’m not your so-called famous celebrity, I’ll still gonna be here, I’ll still keep on acting until I can do it even if I’m 70 and I’m still alive.

“Happy naman ako na pinakinggan nila ko sa thing na yun. Tapos, sabi ko nga sa kanila, I really appreciate the fact that they are giving me a lot of villain roles.

"But, sabi ko nga, if you can give me a variety of roles, not necessarily kasi na kapag mabait, bida, something different, something that will refresh people kasi, they are used to me doing those things.

“And I feel, if you’re an actor, you’ll not grow if you’ll keep doing the same thing.”

Okay raw sa kanya ang mga “character roles,” pero, may maling impression ang tao kapag sinasabing character na nakakahon lang sa kontrabida roles.

Aniya, “You know how Hollywood actors are, they can switch from a sympathetic character to a crazy one? To one that is not on the same sex. Parang ako, go lang, basta i-trust lang nila ko. Kasi, ako naman, palagi kong ginagawa ang lahat ng makakaya ko basta mabigyan lang ng buhay ang character.”

Kung tutuusin naman, nakilala naman siya sa paghu-host.

Pero, isang larangan ito na parang hindi na niya ginagawa o hindi naibibigay sa kanya na oportunidad.

Napagod na ba siyang umasang mabibigyan pa ng pagkakataon na makapag-host muli?

“Hindi naman napagod pero, siguro, I just feel like if it’s gonna come, it’s gonna come. Parang ganun na lang ang naging attitude ko. Of course, I tell them, 'Hey, have you forgotten that I can host?' I was trained to do that since I was 11 and it has not left me.

“Kaya nga madaldal ako at mahilig akong mag-explore ng mga bagay-bagay, I was that when I was 11. But, if it’s gonna come, it is gonna come. I’ll just keep doing what I do para rin to improve what I can do. Admittedly, marami pa rin naman sa mga instruments ko na hindi hasa, boses—marami pa, e.

“Sabi ko nga, sige, continue lang ang improvement at investment sa sarili para mas lalong maging malalim.”


Sa huli, bilang isang character actress, ano pa nga ba ang mga gusto niyang gawin?

“Well, sinabi ko nga sa kanila, I would like to do films and if possible, if given a chance, I would like to really jump into a fear which is theater. It’s my fear.”

Takot siyang umarte sa teatro?

“Yes, it scared me. I don’t know. I know, I should not be scared of because it’s a pretty much a best form of artistic expression for an actor but it’s also quite scary for me. Lalo na ang musical theater, pero, kung mabigyan ng pagkakataon, tingnan natin.

“Kung nandiyan na siya, imposible namang palalampasin ko at saka, quality roles, yun ang goal ko talaga na bigyan nila ko ng mga material na matatandaan ng maraming tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN