Enzo Pineda is cast as a cheating husband in horror film Basement



Ngayong araw, February 12, ipapalabas ang horror movie na Basement mula sa Coffee Tea Productions at Springboard Productions.

Bida sa Basement ang mga talents ng GMA Artist Center at makakatapat nila ang romantic movie na Starting Over Again ngayong Valentine’s season.

Kabilang si Enzo Pineda sa pelikulang Basement bilang may asawa na may kabit na ginagampanan ni Sarah Lahbati.

Gaano siya ka-confident sa pelikula nila?

“Confident ako dahil hindi naman namin siya kakumpetensiya kahit na Valentine din. But, it’s a horror movie, so, it’s something different for the people to see. Tapos, iba siya. Different genre, different theme.”

Sabi ni Enzo, “Actually, it was shot two years ago, matagal na rin at kahit ako, iba na ang transpormasyon nga acting ko from before and now. Siyempre, I came from acting workshops and isa ito sa mga movie na proud ako, parang initiation ko na after ng workshop ko, sinalang agad ako sa movie para ipakita ko kung ano ang natutunan ko.

“Ang dami kong first time rito.

“First time na may fight scene, first time na nasaksak. First time rin akong namatay siguro. Alam kong first time rin yun at first time ko rin na may role na may kabit,” natawa pang sabi niya.

Kasama rin si Louise delos Reyes, ang girlfriend niya sa Basement, pero, hindi pa rin pala sila magkapareha?

“Hindi, e, siguro kasi, kapag nagkasama kami wala ng thrill. Hopefully someday, you know, kapag mas nag-improve pa kami sa craft namin and yun na ang tamang time.

“Ngayon, I want Louise to focus on Kambal Sirena because this is her biggest break, so, I hope she does well. I kept on pushing her naman and ako, I’ve been doing my own things at kakatapos ng Dormitoryo. Honestly, gusto ko na ring umarte, but I’m still waiting.

“So now, nagpo-focus ako sa hosting dahil nasa Unang Hirit ako.”

Ang kapareha niya sa pelikula ay si Sarah Lahbati na ka-batch din niya sa StarStruck 5. Pero, hindi niya ito nakakasama sa pagpo-promote ng pelikula at kahit sa VIP screening kunsaan, dumating halos ang buong cast maliban lang kay Sarah.

Nakakalungkot din ba na wala ito?

“Nalulungkot ako dahil siyempre, gusto ko, kumpleto ang buong cast, ‘di ba? But I’m sure, kung magkakaroon siya ng time, pupunta rin sila. Pero, sayang din naman. Kasama sila rito, pinaghirapan nila ‘to, I would like to see kung ano ang finish product ng ginawa nilang performance.”

Ang huling pagkikita nila ni Sarah ay sa laban ni Manny Pacquiao sa Macau.

“Pero, hi and hello then, nagkanya-kanya na rin kami. I was with Rocco [Nacino] and Steven [Silva] and my family and siya rin naman, I think, she’s with her family, so, after, we have our own things na.”

Sila ang magkakaibigan dati, may pagbabago ba siyang nakita na kay Sarah ngayon?

“Tingin ko, wala naman, ganoon pa rin. I think, she’s still dedicated with her work. Ang alam ko, palagi siyang nagwo-work-out, which is good for her. May pagka-energetic ang tao na yun. So, kung wala siyang ginagawa, hindi siya papayag.”

May balitang babalik daw muli si Sarah, masaya ba siya kung babalik nga ito?

“Yes, matutuwa ako, pero siyempre, I wanted to be in like, good terms lahat, good vibes lahat. Wala na yung mga past issues and everything para at least, maganda ang pasok at wala ng masyadong intriga.

“I think, yung tamang timing lang siguro. It has to be a good timing where everyone else are good at it, okay na lahat and she’s ready for work. I think, kailangan ma-settle muna lahat para okay. And I think, invited siya tonight kaya lang, she’s on a vacation or something, sayang nga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN