Piolo Pascual and Toni Gonzaga agree with ending of Starting Over Again


Magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ngayon pareho nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga dahil maipapalabas ang pelikula nilang Starting Over Again.


Sa pelikula, si Toni ay gumanap bilang si Ginny, isang college student na nagkaroon ng relasyon sa kanyang professor. Ngunit bigla-biglang iniwan ni Ginny si Marco (played by Piolo) nang walang dahilan. Matapos ang ilang taon, nagkita muli sina Ginny at Marco ngunit may may girlfriend na si Marco (played by Iza Calzado).

Sa premire night ng pelikula kagabi, February 11, sinabi ni Toni, “Malungkot kasi tapos na ‘yong project, ‘tapos na ‘yong experience.

“Hindi ko na makakasama nang halos araw-araw si Inang [director Olivia Lamasan], si PJ [Piolo], at ‘yong buong staff.

“May ganun, may separation anxiety ng konti kasi halos eight months naming ginawa ito.”

Sa parte naman ni Piolo, “Masaya, just the whole experience.

“Nakaka-miss lang din ‘yong grupo.

“But natapos namin, we’re happy na finally ipapalabas na rin.”

UNDERSTANDING THEIR CHARACTERS. Hindi inaasahan ng marami ang naging ending ng naturang Star Cinema movie. Pero ito raw ang isa sa mga nagustuhan nina Piolo at Toni kaya nila tinanggap ang proyekto.

“From the beginning, one of the reasons we liked the script was because it wasn’t we thought as it was gonna be...” paliwanag ni Piolo.

Ayon kay Toni, noong una ay hindi niya gusto ang magiging katapusan ng istorya ng mga karakter na gagampanan nila ni Piolo: sina Ginny at Marco.

Naalala pa ni Toni, “Noong binasa ko ‘yong script, isa ako sa mga umapela na, ‘Bakit ganun ‘yong ending, Inang. Ang sakit, nasaktan ako.’

Pero nag-iba raw ito nang sinimulan na nilang gawin ang Starting Over Again.

Sabi ni Toni, “Habang ginagawa namin ‘yong istorya, naintindihan ko.

“Kailangan naming harapin ‘yong realidad na ganun ‘yong nangyayari sa totoong buhay.”

CAMEO ROLES. Nagustuhan rin ng mga manood ang cameo roles ng mga lalaking nakasama ni Toni sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay kinabibilangan nina Vhong Navarro, Luis Manzano, at Sam Milby.

Pero marami ang kinilig nang lumabas sa pelikula ang longtime boyfriend ni Toni na si Direk Paul Soriano.

Hindi daw ito alam ni Toni.

Pabirong sabi ni Piolo, “Ako nagsabi. Ako nabayad sa kanila para lumabas silang lahat.”

Dahil naging maganda ang pagtanggap ng mga manonood noong premiere night, umaasa sina Piolo at Toni na ganito rin sa regular run ng pelikula, na nagsimula ngayong araw, February 12.

“Sana magtuluy-tuloy. Dasal namin na kung paano sila tinanggap ngayong gabi, ganun din sa regular run ng pelikula sa mga sinehan,” ani Toni.

Sa huli, tinanong ang dalawa kung may posibilidad na magsama ulit sila sa isang proyekto.

Pabirong sagot ni Piolo, “Busy siya. Apat pa [gagawin ni Toni], e.”

Sabi naman ni Toni, “Hindi ko alam. Sabi ko nga kay PJ, sana hindi ko na kailangang maghintay ng 13 years ulit bago makatrabaho [ulit]. Sana someday magkatrabaho ulit kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN