Judy Ann Santos and Iza Calzado reunite in the indie film "Ploning"


Iza Calzado (left) and Judy Ann Santos (right) will be reunited in the indie film Ploning. Shooting starts January next year.



Hindi na kailangang hintayin ng fans nina Judy Ann Santos at Iza Calzado ang sequel ng Ouija para muli silang mapanood na magkasama. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na mapapaaga ang pagsasama nilang muli dahil gagawin ng magkaibigan ang independent movie na Ploning.



Ploning ang pangalan ni Judy Ann sa movie at hindi pa namin alam ang magiging pangalan ni Iza sa naturang pelikula na ipu-produce ng Panoramanila, isang bagong independent film company na binubuo ng mga former employees of Star Cinema.

Ang direktor ng Ploning ay ang first-time director na si Dante Garcia. Isa siya sa close friends ni Judy Ann. Sa Palawan kukunan ang pelikula nina Juday at Iza.



End of January next year daw sisimulan ang shooting ng Ploning at sa summer naman ang playdate nito. At press time, si Jhong Hilario pa lang ang alam ng PEP na kasama nina Judy Ann at Iza sa pelikula.



Walang magiging problema si Judy Ann sa Star Cinema kung gagawin niya ang Ploning dahil sa GMA Films lang siya bawal gumawa ng pelikula. After Ouija 2, hindi na uli siya papayagang tumanggap ng project sa GMA Films habang may exclusive contract siya sa Star Cinema.



Magiging busy si Judy Ann sa pelikula next year. Bukod sa Ploning at Ouija 2, may Kulam pa siya with Dennis Trillo at isang pelikula na pagtatambalan nila ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo sa Regal Entertainment. Hinihintay rin ang young superstar ng OctoArts Films.

Si Iza naman ay katatapos lang gumawa ng Hollywood film, ang The Echo (remake ng Pinoy horror film Sigaw) kung saan ginagampanan niyang muli ang papel ng multo. Ipalalabas na rin ang pelikula niya with F4 member Ken Chu, ang Batanes. Kasama rin si Iza sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Desperadas.

Unang nagkasama sina Juday at Iza sa pelikulang Sabel noong 2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN