Nora Aunor co-stars with Cherry Pie Picache in political drama Whistleblower

Nora Aunor (left) and Cherry Pie Picache co-star in the Adolf Alix film Whistleblower.


Timely as today's headlines ang susunod na proyektong pagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor, kasama ang kapwa-premyadong aktres na si Cherry Pie Picache: ang pelikulang Whistleblower.

Isa itong independent o indie film na ididirek ni Adolf Alix, Jr., siyang direktor ni Nora sa katatapos lang i-shoot na family drama, ang Padre de Familia kunsaan bida si Coco Martin playing Nora's son.

Kinumpirma ni Direk Adolf sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagsasamang muli nila ni Ate Guy (Nora's monicker) sa Whistleblower during Padre de Familia 's last shooting day noong February 9 sa old mansion set ng pelikula sa Pandacan, Manila.

Ani Direk Adolf: "Nagpi-preprod [pre-production] na kami; inaayos ang mga schedule.”

Non-committal pa si Adolf tungkol sa buod ng kuwento at iba pang detalye.

Pero agad maiisip na ang kuwento ng Whistleblower ay base sa mga totoong pangyayaring pagkasangkot ng mga kilalang tao sa pulitika, sa mga katiwalian at kaugnay na suliranin ng gobyerno at sambayanan, na mainit ngayong pinag-uusapan at tinatalakay.

"Yung pelikula [ay naglalayong] ipakita lang kung ano'ng nangyayari [sa bansa at pamahalaan], sa kasalukuyang panahon," saad ni Adolf.

Hindi man direktang tinuran ng premyadong direktor, malaki ang magiging pagkakahawig ng tauhang gagampanan nina Nora bilang whistleblower, at Cherry Pie, bilang accused high-profile businesswoman sa mga personalidad na nasa mga headlines.

Public knowledge nga ang naging malaking iskandalo sa pulitika, sanhi ng P10 billion PDAF (Priority Development Assistance Fund) o pork barrel scam (involving the likes of Senators Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Juan Ponce Enrile, among others). Ang inaakusahang mastermind ay si Janet Luy Lim-Napoles ayon sa mga whistleblowers tulad nina Benhur Luy, Gertrudes Luy, Marina Sula, Merlina Sunas, Simonette Briones, Mary Arlene Baltazar, at ang kasalukuyang nakasalang sa Senate inquiry na si Ruby Tuason.

Ayon din kay Direk Adolf, "Ipapakita ng pelikula yung two sides of the story.

"Kasi, di ba, pag kinilala mo ang isang tao, may isang katotohanan na makikita at makikita ka?

"So, yun ang tatalakayin ng Whistleblower. Para maiba naman. Kaya yun ang gusto namin ni Rody [Vera, screenwriter ng Whistleblower].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAILOR-MADE FOR NORA. Ayon din kay Adolf Alix, Jr. (na napiling Best Director ng mga kritikong namumuno sa Young Critics' Circle para sa Cinemalaya 2013 entry niyang Porno na napili ring Best Picture), ang Whistleblower ay masasabing "tailor-made" para pagbidahan ng locally-and-internationally-acclaimed actress na si Nora Aunor.

"Sinabi ko sa kanya [Rody Vera] na sana... [si Nora ang gumanap na lead character].

"Kasi sa simula, di ba, everything has to be approved pa muna... pero sabi ko kay Rody, sana si Ate Guy. Isipin niya [habang sinusulat ang script] na si Ate Guy will play the role."

Bilang whistleblower against Cherry Pie's character, sinong whistleblower ang magiging "peg", ika nga, ng character na gagampanan ni Ate Guy?

Direk Adolf remains non-committal.

"Basta, whistleblower siya," nangiti ang direktor. But added, "Maybe, it will be composite character. Yun ang [peg] niya...

"I think, magiging maganda ang combination nila ni Cherry Pie. Dahil si Cherry Pie, isa din naman siya sa mahuhusay nating mga artista."



Nora Aunor, Adolf Alix Jr., and Cherry Pie Picache



FIRST MAJOR TEAM-UP FOR NORA AND CHERRY PIE. Nagkasama na sina Nora at Cherry Pie sa ilang projects noong 1990s, pero mostly, cameo appearance at minor support ang roles ni Pie tulad ng teleseryeng Bituin noong 2003 sa ABS-CBN.

This time, sa Whistleblower, direktang magkakatunggali ang mga tauhang gagampanan ng dalawa, with Cherry Pie as Nora's "lady boss."

Sa Twitter account ni Cherry Pie, binahagi niya ang Instagram photo kunsaan magkasama sila ni Nora at Direk Adolf.

"Grateful and honored to be working soon with The, Miss Nora Aunor... thank you, direk!!" sabi ni Cherry Pie sa caption ng larawan.

Mula naman kay Boy Palma, ang personal manager ni Ate Guy, nakuha ng PEP ang impormasyon hinggil sa naging magandang pag-uusap nina Nora at Cherry Pie.

Very thankful si Pie, ayon kay Boy, sa prospect ng pagta-trabaho nila ni Ate Guy, sa Whistleblower.

"Salamat, Ate Guy, sa pagkakataon na magkasama tayo sa project. Alam kong marami akong matututunan sa pakikipag-trabaho sa 'yo..."

Ang sagot naman daw ni Ate Guy sa kapwa-premyadong aktres, "Hindi... magtutulungan tayo. 'Pag meron akong hindi tama sa ginagawa kong [pag-arte], sana, sabihin mo sa akin; at sasabihin ko rin sa iyo ang makikita ko [sa ginagawa mo]."

Nakatakdang magsimula ang shooting ng Whistleblower sa susunod na linggo. Makakasama din nina Nora at Cherry Pie sina Carlo Aquino bilang anak ni Nora, at Anita Linda bilang nanay ni Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FUTURE PROJECTS. Hindi pa man naipa-plano ang pagpapalabas ng Padre de Familia, na unang director-actor collaboration nina Adolf Alix, Jr. at Nora Aunor, ay meron agad kasunod ang kolaborasyon nila, ang Whistleblower.

Samantala, ang matagumpay na director-actor team-up nina Brillante Mendoza at Nora Aunor, matapos ang Thy Womb, ay tila "hinahanapan" na rin ng kasunod ng kanilang masugid na tagasuporta.

Ano nga ba ang posibilidad rin ng muling paggawa ni Ate Guy ng pelikula, sa ilalim ng direksiyon ni Brillante Mendoza?

"May binabalak, pero pinag-uusapan pa," positibong saad ni Nora.

Bukod sa Padre de Familia at Whistleblower ni Adolf Alix, Jr., nakatakda ring sumunod na gawin ni Nora Aunor ang mga pelikulang Dementia (principal photography in March and April 2014) sa direksiyon ni Perci Intalan (base sa screenplay ni Jun Lana); at ang Hustisya na ididirek ni Joel Lamangan (base sa screenplay ni Ricky Lee) para sa 10th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na gagawin by August 2014.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN