Ronnie Liang accidentally hits co-star with a knife while shooting Esoterica Manila

Ronnie Liang (right) is confident that his sexy role in his first indie movie will not affect his wholesome image as a singer. He reasons, “Sa tingin ko mas makaka-boost pa nga, e. Parang mala-Enrique Iglesias, di ba, may pagka-sexy na singer pa rin, ganun.” He is joined in this photo by Esoterica Manila director Elwood Perez and fellow star Boots Anson Roa.


Positibo ang singer-actor na si Ronnie Liang sa taong 2014 sa kanyang kauna-unahang pagbibidahang indie movie na mapapanood ngayong taon.

Ito ay ang Esoterica Manila (dating may pamagat na Object Of Desire) ng Film Development Council of the Philippines at T-Rex Entertainment sa direksyon ni Elwood Perez.

Sa pelikula, gumaganap si Ronnie bilang si Mario na isang probinsiyano na makamundo ang imahinasyon.

Sexy/action/drama raw ang pelikula.

At may mga sexy scenes si Ronnie na nakilala bilang isang wholesome singer.

Sa palagay ba niya ay matatanggap siya ng mga tao, lalo na ng kanyang mga tagahanga, ngayong nagpaseksi na siya sa pelikula?

Sagot niya, “Yes, sa palagay ko naman magugustuhan nila.

"This is something new na ma-o-offer ko sa public, ibang Ronnie Liang nga yung makikita dito.

"Kundi yung si Mario, yung character ko dun sa movie.

“Pero hindi naman... basta panoorin na lang nila kung paanong pagka-sexy yung ginawa ko dun.”

Hindi muna ni-reveal ni Ronnie kung paanong pagpapasexy ang ginawa niya sa Esoterica Manila.

Sa trailer ng pelikula ay may ipinakitang eksena kung saan naka-underwear lamang si Ronnie sa kuwarto, may mas sexy pa ba siyang ginawa sa pelikula?

“Merong mas higit pa dun, siyempre mature na rin naman na ako as an artist.

"Tsaka gusto ko talagang i-share yung talent ko sa pag-arte sa pamamagitan ng pagsali ko dito sa indie film na ito.”

Hindi naman daw siya nag-aalala ng maaapektuhan ang wholesome image niya.

“Sa tingin ko mas makaka-boost pa nga, e.

"Parang mala-Enrique Iglesias, di ba, may pagka-sexy na singer pa rin, ganun.”


BLOODY ACCIDENT. Katatapos lang ng shooting ng Esoterica Manila at naikuwento ni Ronnie na sa isang eksena ay hindi sinasadyang nasaksak niya sa ulo ang co-star na si Vince Tañada.

Paliwanag niya, “Kasi sa isang action scene, kailangan ko siya kasing saksakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre controlled at dapat dito [sabay-turo ni Ronnie sa balikat] umano yung ulo niya.

"Kaya yung tantiya ko, sa shoulder.

"Kaso, napaganun [napagalaw] siya.

"Nung gumanun yung ulo niya, tinamaan ng kutsilyo... nasaksak ko siya.”

Tumusok raw sa ulo ni Vince ang kutsilyo na gamit ni Ronnie sa eksena at dumugo ito.

Aniya, “[Nilapatan] agad siya ng first aid muna, tapos tuluy-tuloy pa din yung shoot despite the accident.”

Laking pasasalamat ni Ronnie na kapiraso lamang ang parte ng kutsilyo na tumusok sa ulo ni Vince.

Pagkatapos raw ng eksena ay agad siyang nag-sorry kay Vince.

Hindi naman raw kasi niya sinasadya ang nangyari.

“Aksidente naman, e, kaya naintindihan niya.

"Mabuti na nga lang at hindi iyon bumaon ng todo.

“Malakas pa naman, at siyempre yung acting, kailangan pag action di ba, bigay na bigay, so iyon po,” ang kuwento ni Ronnie.

Ayon sa aming balita maganda raw ang feedback ni Direk Elwood tungkol kay Ronnie.

Napakagaan daw katrabaho at napaka-professional ng singer.

“Nagpapasalamat po ako kay God sa mga blessings na natatanggap ko.

"Sa FDCP, T-Rex Entertainment at kay direk Elwood Perez sa opportunity at pagtitiwala na ibinigay nila sa akin.”

Kasama rin sa pelikula sina Miss Boots Anson Roa, Snooky Serna at marami pang ibang sorpresang aktor na makikita sa pelikula.



THIRD ALBUM. Maliban sa pelikula naghahanda na rin daw si Ronnie sa kanyang third album.

Nitong nakaraang taon ay ginawaran sa ASAP 18 ang kanyang second album na Ronnie Liang: May Minamahal ng Gold Record award.

Pasasalamat ni Ronnie, “Thank you din po sa Viva, kina Boss Vic del Rosario, Boss Vincent and Ma’m Veronique [del Rosario-Corpus] sa pag-support nila sa career ko.

“Ang Viva kasi lagi nila akong sinusuportahan sa career ko.

“Like this one sa movie plus sa aking third album, kahit dun sa second album ko nag-Gold Record Award siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Continuous naman yung guestings ko sa Channel 2, sa Channel 7 and kahit sa TV5.”

Dating bahagi si Ronnie ng ASAP, ang Sunday musical variety ng ABS-CBN.

Ang ibang mga dating mainstays ng ASAP na nasa Sunday All Stars ng GMA ngayon ay sina Christian Bautista, Mark Bautista, at Rachelle Ann Go.

Wala bang balak na ilipat siya ng Viva Management, na siyang namamahala sa career ni Ronnie sa GMA, na ilagay rin siya bilang mainstay ng Sunday All Stars?

Nakapag-guest raw siya sa GMA noong Party Pilipinas pa ang Sunday All Stars.

“Ang Viva may mga plans sila na hindi ko naman din masabi.

"At tsaka hindi din naman nila nire-reveal hangga’t hindi napu-push through," saad niya.

Kung sakali man, papayag ba siya, hindi ba siya maiilang na mapasama sa isang show na katapat ng pinaggalingan niyang programa?

“Yes, okay lang sa akin, okay lang.

"Sa akin kung saan may opportunity and kung saan may open door, okay lang po.”

BIRTHDAY WITH CANCER PATIENTS. Samantala, pinasaya naman ni Ronnie ang mga batang may cancer sa Philippine Children’s Medical Center nang ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan noong February 11, Martes.

Pero ang aktuwal na birthday ni Ronnie ay noong January 31.

“Pang-limang taon ko na pong ginagawa ang pagpapasaya sa mga batang may cancer tuwing kaarawan ko.

“Maligaya ako na nakakapagpasaya tayo ng mga batang may cancer kahit sandali lang.

"At the same time malungkot din para sa mga bata,” ang pahayag ni Ronnie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Enteratinment Portal) kahapon, Linggo, February 16, sa mall show niya sa Pavilion Mall sa Biñan, Laguna.

Kinantahan, nakipaglaro, at namigay ng mga laruan si Ronnie at sama-sama silang kumain at ipinagdasal din niya ang mga bata nang araw na iyon.

Nabahiran ng lungkot ang selebrasyon ng mapag-alaman ni Ronnie na ang ibang bata na nakasama niya ng mga nakaraang taon ay wala na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malungkot din dahil yung ibang mga bata na nakasama ko last year hindi ko na nakasama dahil I've heard sumakabilang-buhay na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN