Nadine Lustre stars as Eya in movie version of Diary ng Panget

The movie version of Diary ng Panget stars (L-R) Yassi Pressman, Andre Paras, Nadine Lustre, and James Reid.



Masuwerte si Nadine Lustre dahil ngayon ay nabigyan na siya ng pagkakataon na maging bida.

Si Nadine ang isa sa lead stars sa bagong pelikula ng Viva Films na Diary ng Panget, kunsaan makakasama niya sina Andre Paras, James Reid, at Yassi Pressman.

Ito ay hango sa libro na isa sa may pinakamaraming nagbabasa sa online community na Wattpad. Ito ay isang light rom-com novel tungkol sa isang babae na sa tingin niya ay pangit siya.

Noong isang taon, ang Diary ng Panget ay nai-publish na may four volumes.

Si Nadine ang napiling gumanap sa role na Rhea “Eya” Rodriguez, may ordinaryong mukha, pero masipag at may extraordinary character.


Ano ang pakiramdam ni Nadine na siya ang bida sa Diary ng Panget?

“Nakaka-pressure po siya,” pag-amin ni Nadine.

“Kasi, parang sasabihin ng tao, actually, kapag nababasa ko ang post ng tungkol sa Diary ng Panget, sino ‘yan, hindi naman namin kilala ‘yan. Tapos parang big role ang gaganapin niya. E, sanay po ang tao na kapag big role, sikat dapat.

“So, nakaka-pressure rin po siya.”

Gaano katindi ang pressure sa kanya?

“Sobrang pressure po na iniisip ko kung magugustuhan ba ko ng tao. Tina-try kong baguhin yung ako. Pero, yun nga po ang mali ko. Sabi ng Viva, i-retain mo lang kung sino ka talaga. Binabago ko po kasi para ma-flatter ang tao sa akin, pero, mali.

“So, dumating po sa point na binabago ko talaga sarili ko para ma-plese ko ang mga tao.”

Ano pala ang totoong siya?

“Ako po kasi, tahimik po akong tao. Minsan nga po, mukha na akong suplada kasi, tahimik po ako. Hindi po ako madaldal kapag hindi ko ka-close ang tao. Hindi po ako nagsasalita kung hindi ako tinatanong. Yung ganun po.

“Sinubukan ko pong maging bubbly, maging kalog like what I said nga po kanina. Si Eya po kasi ganun. Although, na-achieve ko naman po since mga classmates ko, mga bading, mga kalog.”

First Year College na si Nadine sa San Lorenzo at kumukuha siya ng kursong Communication Arts.



KATHRYN BERNARDO LOOKALIKE? Naging kapansin-pansin naman ang malaking pagkakahawig niya sa Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Lalo na noong press conference nila sa The Library sa Metrowalk noong February 20 ng gabi, naka-ponytail pa ang buhok niya ng istilo ng tulad ng kay Kathryn.

Nang tanungin si Nadine kung ginagaya ba niya ang style ni Kathryn Bernardo, aniya, “Sa totoo lang po, tina-try po talaga naming ibahin. Pero, parang wa [walang] effect po, e.”

Kailan niya nalamang may hawig siya kay Kathryn?

“Matagal na po,” nakangiti niyang sabi.

“Siguro po, kasi po, magkasabay po ang Bagets at Growing Up nila. Tapos, may nagsasabi sa akin na bakit kamukha niya yung sa Growing Up, tapos nandito siya sa Bagets. So, simula po noon, siguro 2011, nasasabihan na ako na kamukha niya si Kathryn.”

Kapag nasa labas siya, hindi ba siya napagkakamalang si Kathryn?

“Napagkakamalan po ako actually.”

Flattering ba sa kanya ang pagkakahawig nila?

“Actually, flattering po siya. Kasi si Kathryn, maganda po siyang talaga.”

Wala pa ba siyang natatanggap na pangba-bash na nanggagaya siya o ginagaya niya ang style nito?

“Wala naman po at saka, si Kathryn naman po, the way I see it, parang girly-girl siya the way she dresses pati ang characteristic niya. Ako naman po kasi, iba ang character ko, medyo boyish po ako.

“And the way I dress, medyo lumalalaki ng konti. So, I think, yun po, magkaiba po talaga.”


Yung ka-loveteam ni Kathryn na si Daniel Padilla, crush niya ba?

“Ay, hindi po, mas younger po kasi,” nakangiting sabi niya.

“At saka, parang marami na rin pong may crush sa kanya kaya yun.”

Sino ang crush niya?

“Sa local, si Rico Blanco po, musician po kasi.”


Dating napapanood si Nadine sa teen show na Bagets ng TV5 noon at nabalita rin na naging sila ni AJ Muhlach.

Pero ayon kay Nadine, “Hindi naman po naging kami. Strictly work lang po, loveteam.”

Hindi ba niya ito nagustuhan?

“Wala naman pong ganun, pero, parang never pong nag-cross sa mind ko yun. Ito po kasing work, sineseryoso ko po kasi siya so, ayokong may maghi-hinder sa success ko. Ayoko ng may sasabay. Kasi, alam naman po nating lahat na mahirap pagsabayin ang lovelife at ang showbiz career.”

Nagsimula si Nadine sa RPN-9 noong eight or nine years old para sa show na Story Land. Pero, puro commercials na ang ginawa niya hanggang sa mag-sign up siya sa Viva Films at maging miyembro ng Pop Girls ng GMA-7.

Ngayon, wala namang exclusive contract si Nadine sa kahit na anong network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN