"Vhagetz" opens in select cinemas starting December 12

by Rose Garcia
Nov 29, 2007
(L-R) Edsel Villanueva, Alec Romano, and EJ Lorrina are the three bagets who star in the gay film Vhagetz. It will open in select cinemas starting Wednesday, December 12.


Nagkaroon ng press preview last Wednesday night, November 21, sa 22nd St. Bar na pag-aari ng actor na si Mon Confiado. Ang Vhagetz ay isang independent/digital film na sinulat at dinirek ni Joven Tan.


Malinaw ang premise ng movie na naipakita nang maayos sa kabuuan ng pelikula. Bagamat isang indie/digital ang pelikula, hindi naging hadlang ito para maging maganda ang sound at scoring ng movie.


Kapansin-pansin na seryoso ang kuwento ng movie, pero nagawa itong gawing light at may sangkap ng comedy dahil kay Direk Joven. Nakatulong ito para hindi maging kabagot-bagot ang pagpanood sa kabuuan ng movie.


Ang Vhagetz ay kasaysayan ng tatlong batang magkakaibigang hindi naging hadlang ang kanilang sexual orientation para mabuo ang isang tunay na pagkakaibigan.


Mga straight na bagets ang kinuha ng Sunflower Films International nang mag-audition sila ng mga batang nasa edad na 10-12 para sa experimental feature film na Vhagetz. Dahil na rin sa epektibong pagganap ng tatlong bata na sina Alec Romano, Edcel Villanueva at E.J. Lorrina, bigla raw naging kaduda-duda ang gender ng tatlong bata.


Si Jessie (Alec) ay isang masinop na estudyanteng tanggap ng ama na si Richard Quan ang pagiging bakla nito. Masunurin siya sa paulit-ulit na biro ng kanyang ama na huwag na huwag gagawa ng bagay na ikakahiya niya.


Si Sam (Edcel) naman ay mas mahilig sumayaw kaysa mag-aral. Isang dahilan kaya malayo ang loob sa kanya ng ina, played by Dexter Doria.


Si Paquito (E.J.) naman ay minamaltrato ng ama (Mon Confiado) dahil sa kanyang kabaklaan at sa isa pang mas malalim na dahilang mabubunyag.


Hindi naging hadlang ang kani-kanyang problema sa pagsasama ng tatlong magkakaibigan. Ka-bonding rin nila ang kanilang "lola-lolahan" (Cris Dalus), isang matandang bading na huli na nang matanggap ang kanyang tunay na pagkatao.


Pinagkakasunduan din ng tatlong vhagetz ang kanilang crush na si Efren (Jordan Herrera) na kung tawagin ay kilabot ng mga bading sa kanilang lugar.


Bagamat mga baguhan sa pag-arte, pawang mahuhusay ang tatlong batang "vhagetz" sa ipinamalas nilang acting. Kapansin-pansin din ang simple pero epektibong pagganap nina Mon Confiado at Richard Quan. Ang ace cinematographer na si Romy Vitug ang director naman of photography.

Continue reading below ↓
Vhagetz will be screened in select cinemas in Manila starting December 12.
Read Next
Read More Stories About
indie
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Edsel Villanueva, Alec Romano, and EJ Lorrina are the three bagets who star in the gay film Vhagetz. It will open in select cinemas starting Wednesday, December 12.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results