Chynna Ortaleza cast as Nora Aunor's sibling in horror suspense drama Dementia

Chynna Ortaleza describes her character in Dementia as "psychotic" and "very violent." She and her fellow cast members will shoot this film in Batanes next week.



Masayang-masaya pa rin si Chynna Ortaleza nang makausap namin sa telepono kahapon, March 13, dahil sa pagkakasama niya sa pelikulang Dementia na pinagbibidahan ng Superstar na si Nora Aunor.

Ayon kay Chynna, next week ay pupunta na sila sa Batanes at doon magsu-shooting. Ang pelikula na ito ang unang movie directorial job ni Perci Intalan mula sa panulat ni Jun Lana.

Noong mismong Valentine’s Day ay pinapunta siya ng GMA Artist Center para mag-audition sa Dementia na tinuturing na isang horror suspense drama.

“Nakakatuwa ang kuwento. Parang all of a sudden, parang they called me, February 14 talaga, Valentine’s Day talaga to meet Sir Perci Intalan and Direk Jun Lana somewhere in Emerald Avenue, sa isang building dun.

“I didn’t know what I’ll gonna do, I just went there. Nagulat ako na audition pala siya. I talked to Sir Perci, binigyan nila ako ng part ng script. After five minutes na nakuha ko ang paper, gusto na nila akong mag-read. Inisip ko na lang, don’t think about it, kung ano na lang ang pagkakaintindi ko. Walang preparation, wala na rin akong time para pag-isipan pa ang gagawin ko, so, nakakakaba. So yun, hanggang sa matapos na ang audition.

“Then, nagulat na lang ako noong February 14 din, night of February 14, nag-text ang handler ko na pinapa-pencil sched na raw ako for Dementia. I swear, hindi ako makapaniwala. As in, three days na nasa utak ko,” natatawang kuwento niya.

Kahit hinihingan na siya ng schedule para sa movie, ayaw pa rin daw niyang umasa ng buong-buo na tuloy na tuloy na nga siya.

“Siyempre, ang daming puwedeng mangyari. Baka hindi pa naman sure na sure. Na puwede pang magbago. Hanggang sa kinulit ko ang handler ko kung ako na ba talaga ang nakuha. Nakulitan na siguro sa akin, sabi niya, i-text ko na lang daw si Sir Perci kung ako nga ang nakuha.

“So, alam mo yun, nagte-thank you lang akong talaga kay Sir Perci at saka kay Direk Jun Lana at kay Ferdy Lapuz na pinagkakatiwalaan nila ako sa role.”


Ayon kay Chynna ang magiging karakter niya bilang si Olivia ang maituturing niya na pinaka-challenging role na magagawa niya sa pagiging isang aktres niya.

May mga expectation na ba siya?

“Well, ako, kinakabahan although, isa ito sa talagang dream role ko na magagagawa ko. Pyschotic ang character niya. Pero, ayokong pangunahan. Gusto ko na dumating ang character na very organic. Natatakot ba ko? Medyo, slight kasi sensitive ang character at mahirap siya.”

May dalawang Linggo raw siyang mag-i-stay sa Batanes para sa shooting ng pelikula.

Ano ang mga preparasyon na ginagawa niya?

“Kasi, yung character ko, ano siya, she’s sick. She has issue accepting authority figures in her life. She’s very violent. Bata pa lang siya, kinakahiya na na, itinatago. Mabigat siya kasi, hindi ko pa siya ever na-handle. Sa buong buhay ko ng pagiging artista, never pa akong nabigyan ng ganitong role.

“So, siguro yung preparation, I read about it, that pretty much. Ayoko ngang mag-overthink. Pangit lalabas. Alam ko naman na may guidance ako ni Sir Perci and the whole team, so, thankful ako dun.”

Hindi raw ito ang unang beses ni Chynna na makakarating ng Batanes, pero ang unang pagkakataon pa raw niya ay noong bata pa siya at nasa TV show na 5 and Up.


Kung may isang bagay pa na nilu-look forward si Chynna sa bago niyang pelikula, ito ay ang makasama sa unang pagkakataon ang Superstar.

Sa mga eksena niya sa pelikula, si Nora ang madalas niyang kasama dahil sa pagiging magkapatid nila rito.

Ayon kay Chynna, “Well, siyempre, talagang iba ang feeling. Napakalaking privilege na makasama ko siya. Una sa lahat, mahal na mahal siya ng nanay ko. Napapanood ko ang mga films niya, naririnig ko sa mga directors ko na malaki rin ang respeto kay Ate Guy.

“Tapos ngayon, ako naman ang mabibigyan ng opportunity na maka-trabaho siya. For me, it takes a huge blessing. Kasi, feeling ko, marami akong matutunan sa kanya. Hindi lang sa aspeto ng pagiging artista kung hindi sa pagiging tao.”

Unang beses daw niyang makausap ang Superstar noong nag-story conference sila.

“Actually, na-meet ko na siya before, pero, sa campaign yun ni Direk Joel Lamangan. Pero noong storycon, magkatabi kami. Mabait talaga siya. At nakikita kong masaya siya na may mga bago siyang nakakasama.”

Dahil unang beses pa lang nilang magkasama ni Nora, ano ang natatandaan niyang sinabi nito sa kanya?

“Noong inintroduce kami, tapos, noong makita niya yung ginamit na picture ni Sir Perci, parang napa-double look siya. Sabi niya, ikaw ‘yan? Kasi, nag-iiba raw ang looks ko. Napaka-welcoming niya, sweet din at sobrang accommodating.

“Towards the end, kahit ganun lang ang bilis na maging comfortable. Hina-hug ka na niya, ang nice lang na magiging simula sa isang buwan na pagtatrabaho.”

Bukod kina Chynna at Nora, ilan pa sa cast ng Dementia ay sina Jasmine Curtis Smith, Bing Loyzaga, Yul Servo, Althea Vega at Jeric Gonzalez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN