Megan Young shoots shower scene for Bang Bang Alley; Ely Buendia talks about his directorial debut

Ely Buendia (in photo) directs Megan Young for a segment in the three-part movie Bang Bang Alley. The Miss World 2013 titleholder portrayeda woman who accidentally killed her sister's boyfriend.



Ayon sa Pinoy music icon na si Ely Buendia, matagal na niyang pangarap na magdirek ng pelikula.

Sa mga hindi nakakaalam, ilang units na lang ang kulang niya para magkaroon siya ng degree sa filmmaking nang buuin niya ang isa sa mga pinakasikat na banda sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Eraserheads.

Matapos ang ilang taon ng pamamayagpag sa larangan ng musika, natupad na rin ni Ely ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng kanyang directorial debut kasama ang first-timers ding sina Yan Yuzon at King Palisoc sa trilogy movie na Bang Bang Alley. Produced by Curve Entertainment Inc. and Nimbus Film Production ni Ely, ang naturang pelikula ay idi-distribute ng Solar Entertainment at ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula April 9.

Kuwento ni Ely, “It’s a culmination of a lifelong dream. We all love movies. I grew up wanting to be George Lucas noong umpisa. But as I came of age, I grew to love old movies na napapanood ko sa TV, na black and white. And of course, noong '80s I was exposed to yung mga experimental cinema of the Philippines type of movies like Peque Gallaga, Mike de Leon. At that point, parang I realized na sige I want to do this as a career.

“So, I went to college and took up film. But at that time sobrang hirap makapasok sa industriya or even hold an actual film camera. So, kumbaga na-sideline ako, napunta ako sa music. When digital age came about parang nandoon na, parang the time felt right to venture into it. It was easier, no doubt, to make a film now. And so eto na, nabuo na ang Bang Bang Alley.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ely sa grand presscon ng Bang Bang Alley noong Marso 19 sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

Dumalo rin sa presscon ang co-directors ni Ely na sina Yan at King pati ang ilang miyembro ng cast na sina Perla Bautista, Art Acuna at Bela Padilla. Nandoon din ang co-producer na si Narciso Chan ng Curve Entertainment at si Wilson Tieng ng Solar Entertainment.

Ang Bang Bang Alley ay isang crime drama anthology movie na binubuo ng tatlong episodes. Ang episode 1 ay ang "Aso’t Pusa’t Daga," na isinulat at idinirek ni Yan. Tampok dito sina Bela, Art, Joel Torre at si Yan din mismo.

Ang episode 2 naman ay ang "Makina," na idinirek ni King at isinulat ni Zig Marasigan. Kabilang sa cast nito sina Gabe Mercado, Kalila Aguilos, Bombi Plata, Althea Vega at Alex Medina.

Ang episode 3 na isinulat at idinirek ni Ely ay ang "Pusakal," starring Perla at Megan Young habang may cameo role din si Ely. May prologue din ang pelikula tampok si Jimmy Santos.



A NEW CAREER. Ngayong nasimulan na ni Ely ang pagdidirek, hindi naman daw nangangahulugan ito na iiwan na niya ang musika. Pero umaasa siya na magtutuloy-tuloy na ang pagdidirek niya.

“I hope to continue this dahil working on my first film made me realize na it really is something that I love doing. And it is a much bigger scale, also involves music, it involves design, it involves acting. Kumbaga lahat nung artform na pwede mong gawin nandito. So, that for me is very fulfilling and interesting. And I always like to learn new stuff. Kumbaga bumalik na naman ako sa school na naman, it’s a brand new ballgame, a brand new challenge. And I’m always up for that.”

Pwede naman daw niyang pagsabayin ang music at filmmaking.

“Pwede naman, hangga’t kaya ng schedule ko.”



WORKING WITH MISS WORLD MEGAN. Ang Miss World 2013 na si Megan Young ang bida sa "Pusakal" episode ni Ely. Inamin naman ni Ely na noong gawin nila ang pelikula dalawang taon na ang nakararaan ay hindi niya inakala na sasali si Megan sa isang beauty pageant at magwawagi pa ng international crown.

“Well, she certainly had yung dating ng isang beauty pageant winner. As we all know, Megan is a beautiful woman. But, of course, it never came up to my mind before. Nagulat na nga lang kami noong sumali siya and we were praying for her to bring home the crown.”

Kumusta naman si Megan bilang artista?

“I’ve seen her once, yung Reunion movie, it was not a very challenging role for her. But yun nga, you will be surprised at how good she is in Bang Bang Alley.

Ibang-iba raw ang role na ginampanan ni Megan sa Bang Bang Alley kumpara sa ginawa nitong ibang proyekto. Ginagampanan ni Megan ang role ni Abbey, isang babaeng nakagawa ng krimen. Aksidente niyang napatay ang boyfriend ng kanyang kapatid at kinailangan niyang magtago sa kabundukan ng Benguet. Dito ay makikilala niya si Manang (Perla), na magtuturo sa kanya ng maraming bagay tungkol sa buhay at pakikipaglaban.

Pagmamalaki pa ni Ely kay Megan, “I think ngayon ganun na yung pag-iisip natin dahil hindi nga natin matatanggal sa isip na Miss World siya. So, I think pag napanood n’yo ito lalo kayong magugulat na ganito yung role niya. Pero noong sinu-shoot namin ito, it was just another acting project for her na she took up the challenge to do. Yun nga it was just another thing na naging beauty pageant winner siya.”

Bukod sa pagiging magaling na artista, hanga rin daw si Ely sa pagiging professional at mabait ni Megan.

“Sobrang walang sakit ng ulo. Super down to earth, super nice. And whatever you ask her to do, she would do it without question and with conviction.”

Sa trailer ng pelikula, may saglit na eksenang makikita ang likod ni Megan habang nagsa-shower. May mga nag-akala tuloy na isang sexy Megan ang mapapanood dito.

Pero paliwanag ni Ely, “It’s just a shower scene, it’s no big deal. It’s part of the story, of course. Again I would like reiterate na enough na yun na si Megan siya and alam naman natin na maganda siya. But the main thing that I want people to focus on this movie is how good an actress she really is. And I hope that when you know tapos na yung duties niya as Miss World, bumalik siya sa acting dahil marami pa siyang puwedeng gawin.”





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN