On The Job, Ang Kwento ni Mabuti and Alagwa tied for highest honor from academe-based group Gawad Pasado

Alagwa (starring Jericho Rosales), Ang Kwento ni Mabuti (starring Nora Aunor), and On The Job are tied in the PinakaPasadong Pelikula category of the 16th Gawad Pasado. Gerald Anderson (rightmost) of OTJ tied with Jake Cuenca in the PinakaPasadong Katuwang na Aktor category.


Naglabas na ng listahan ng mga nanalo ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) para sa kanilang ika-16 PASADO Gawad Sining Sine.

The awarding ceremony ng academe-based group ay gaganapin sa April 5 sa Far Eastern University Auditorium. Ang PASADO ay binubuo ng mga guro at taga-akademiya na may layuning pagmumulat ng kaisipan at maitaas ang antas ng kamalayang pangkultura sa pamamagitan ng pagkilala sa mga natatanging pelikulang Pilipino.

Inihayag ng grupo ang kanilang napiling mga pinakapasado sa taong 2013 sa pamamagitan ng isang presscon na ginanap noong March 22 sa Sir Boy’s Food Republique sa Panay Avenue, Quezon City. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng PASADO sa pangunguna ng Chairman at Vice-Chairman ng Board of Trustees na sina Dr. Emmanuel Gonzales (FEU) at Prof. Arthur Pizaro (FEU), kasama ang iba pang officers na sina Prof. Clara San Pedro (La Consolacion College), Dr. Maria Elma Cordero (National Teachers College), at Prof. Percival Salise (FEU).

Pinakamaraming nakuhang parangal ang pelikulang On The Job ng Star Cinema at Reality Entertainment Production, na may siyam na awards kabilang na ang PinakaPasadong Pelikula, PinakaPasadong Direktor para kay Erik Matti, PinakaPasadong Aktor para kay Joel Torre, at PinakaPasadong Katuwang na Aktor para kay Gerald Anderson. Ang On The Job din ang nagwagi ng PinakaPasadong awards para sa Istorya, Dulang Pampelikula, Editing, Disenyong Pamproduksyon, at Tunog.



Narito ang kumpletong listahan ng mga pinakapasado sa taong 2013:

PinakaPasadong Pelikula – On The Job (Star Cinema/Reality Entertainment Production); Ang Kwento ni Mabuti (Cine Filipino/Cinelarga Production); Alagwa (Anakim Media Production/Star Cinema Production)

PinakaPasadong Direktor – Erik Matti (On The Job)

PinakaPasadong Aktres – Nora Aunor (Ang Kwento ni Mabuti); Bangs Garcia (Lauriana); Alice Dixson (When The Love Is Gone)

PinakaPasadong Aktor – Joel Torre (On The Job); Jericho Rosales (Alagwa); Allen Dizon (Lauriana)

PinakaPasadong Katuwang na Aktres – Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin, at Shaina Magdayao (Four Sisters and A Wedding)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PinakaPasadong Katuwang na Aktor – Gerald Anderson (On The Job); Jake Cuenca (When The Love Is Gone)

PinakaPasadong Istorya – Mes De Guzman (Ang Kwento ni Mabuti); Erik Matti at Michiko Yamamoto (On The Job)

PinakaPasadong Sinematograpiya – Albert Banson (Ang Kwento ni Mabuti); Nap Jamir (Lauriana)

PinakaPasadong Dulang Pampelikula – Ian Lorenos (Alagwa); Erik Matti (On The Job); Ricky Lee (Lauriana)

PinakaPasadong Editing – Jay Halili (On The Job)

PinakaPasadong Disenyong Pamproduksyon – Richard Somes (On The Job)

PinakaPasadong Tunog – Corinne De San Jose (On The Job)

PinakaPasadong Musika – Raul Mitra (Four Sisters and A Wedding); Gabriel Valenciano (Alagwa)

Mga Natatanging Gawad Pasado 2013 (Special Awards):

PinakaPasadong Pelikula sa Paggamit ng Wika – Ang Kwento ni Mabuti

PinakaPasadong Guro 2013 – Prof. Nick Deocampo

PinakaPasadong Serbisyo Publiko – Kaye Dacer

Dangal ng PASADO (Lifetime Achievement Award) – Mayor Joseph Estrada

PinakaPasadong Dangal ng Kabataan (Male) – Daniel Padilla

PinakaPasadong Dangal ng Kabataan (Female) – Kathryn Bernardo

PinakaPasadong Likhang Bata sa Pagganap (Child Performer) – Bugoy Carino (Alagwa)

PinakaPasadong Simbolo sa Kagandahang Asal – Raikko Mateo (Honesto)

PinakaPasadong Programa sa Kagandahang Asal – Honesto (ABS-CBN 2)

Gawad Pasasalamat – Far Eastern University-Manila




Kapansin-pansin naman sa listahan ng mga nanalong ibinigay sa mga dumalong press sa presscon na maraming mga kategoryang nag-tie ang winners at pinakamarami pa nga ay umabot sa quadruple tie sa isang kategorya. Kaugnay nito hiningan ng paliwanag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga opisyal ng PASADO tungkol sa mga tie at kung paano nila pinipili ang winners.

Paliwanag ni Prof. Arthur, “Actually, it’s a very crucial question because kahit sa labas ng press, even an ordinary person iyan ang tanong. So, yung mga hindi pa totally nakakaintindi kung ano yung nangyayari sa PASADO, talagang mahirap siyang i-absorb kung bakit ganun. In fact, meron ng ibang nag-complain bakit taun-taon na lang ang daming winners, tapos ang daming winners for one category alone. So, ganito kasi ang patakaran namin sa PASADO, as an organization PASADO is composed of Board of Trustees, executive officers, committee members, and then ordinary members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Now, sa isang buong taon trabaho namin panoorin yung mga pelikulang Pilipino na nailalabas commercially, tapos nire-review namin. Because our main intention is to evaluate the film para magagamit namin bilang kagamitan sa pagtuturo. So, merong isang section ng officers ng PASADO base sa rekomendasyon ng mga members na kailangang i-review itong partikular na pelikula, itong partikular na category. Ipe-present namin iyan during the deliberation. So, yung mga officers magde-deliberate iyan.

"During the deliberation… sa klase ng deliberation ng PASADO masasabi namin na madugo ito, it’s a bloody discussion. That’s the term we’re using because ang mga taong nai-involve sa deliberation are people coming from various universities and colleges. So, kanya-kanya kami ng pananaw sa pagpasok namin doon sa deliberation. Kanya-kanya kami ng paniniwala, kanya-kanya kami ng bet. So, papasok yung mga pelikula, yung mga artista na pwedeng manalo sa isang category.

“Now, sa isang deliberation, hindi lang kami nagde-delibrate base sa gusto ng isang member o base sa gusto ng isang officer. Nagde-deliberate kami base sa objectives ng PASADO. Lingid sa kaalaman ninyong lahat ang PASADO ay isang organisasyon ng mga guro na ang task namin is magre-review ng mga pelikula para magamit namin ang pelikulang iyon sa pagtuturo. So, ang pinaka-objective namin dito is yung actual encounter namin sa mga kabataan sa loob ng classroom. For a particular film that we scrutinize the aesthetic value, the artistic value, the other elements of the film, nasa isip namin yung mga kabataan na pagtuturuan namin. So, tinitignan namin ngayon kung malapit ba ito sa objective ng PASADO, kung ang pelikula ba ay pwede nating gamitin bilang kagamitan sa pagtuturo.

“Dahil iba’t iba kami ng pananaw, iba’t iba kami ng paniniwala, posibleng kanya-kanya kami ng bet, kanya-kanya kami ng gustong pelikula na mananalo. So, ang solusyon namin diyan yung mga officers magkakaroon ng botohan. So, because botohan ito, sa counting of votes napakalaki ng posibilidad na magkakaroon ng maraming tie. So, merong magkakaroon ng tie, magmi-meeting ulit ang board, tapos pagdedesisyunan kung kailangan bang i-break yung tie or hindi. So, merong times na mag-a-agree ang board, kasi hindi siya fix na rule.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan mag-a-agree yung board na i-break yung tie kasi kailangan isa lang ang manalo for this year. Meron din times na convince din ang board na sa isang taon hindi na natin kailangang i-break ang tie kasi nakikita natin na sa bawat isa ng mga taong nominated for a particular category ay deserving sila. Pwede naman silang tatlo yung mananalo, so magde-decide yung PASADO na huwag na lang i-break yung tie. So, that is the reason why for example tatlo ang magta-tie for one category, deserving yun lahat. So, ganun kalaki yung posibilidad na pwedeng marami ang mag-tie sa isang category dito sa PASADO awards. So, ganun po ang history nun. It’s not just that gusto lang namin may mag-tie, no, it’s a product of the process that we went through.”

Bukod sa mga parangal na pampelikula, magbibigay din ng special awards ang PASADO para sa mga Natatanging Gawad Pasado 2013. Una na rito ang Lifetime Achievement Award na tinatawag nilang Dangal ng PASADO, na igagawad ngayong taon kay Manila Mayor Joseph Estrada. Bibigyan din ng parangal ang PinakaPasadong Guro ng 2013 na si Prof. Nick Deocampo. Si Kaye Dacer naman ang napili para sa PinakaPasadong Serbisyo Publiko.

Si Bugoy Cariño ang tatanggap ng best child performer o PinakaPasadong Likhang Bata sa Pagganap para sa kanyang award-winning performance sa international film festival sa pelikulang Alagwa.

Tiyak namang matutuwa ang KathNiel fans dahil ang kanilang mga idolong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pararangalan ng PinakaPasadong Dangal ng Kabataan. Maging ang katatapos lang na teleserye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television ay bibigyan din ng special award for television bilang PinakaPasadong Programa sa Kagandahang Asal, at batang bida naman nitong si Raikko Mateo ay pararangalan ng PinakaPasadong Simbolo sa Kagandahang Asal.

Bukod sa Gawad Sining Sine, magdaraos din ang PASADO ng ika-apat na pambansang kumperensiya para sa mga guro ng wika, panitikan at pelikula, na gaganapin sa April 4 at 5 sa University Conference Center ng FEU. Ang PASADO @16: Pambansang Kumperensiya sa Pagdadalumat sa Wika, Panitikan, at Pelikula ay may temang “Balikatan ng Guro sa Wika, Panitikan at Sining ng Pelikula tungo sa pagbuo ng mga materyal na panturo at sa mapaghamong mga isyu sa Edukasyon at Sining.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN